Chapter 49

31 0 0
                                    

Chapter 49

Lahat kami ay naghihintay lang kay Mr. Ueda na magsalita.

"Sa pagkakatanda ko noon, nagkaroon ng boyfriend ang mommy mo bago si Haruno."

"So? Ano namang kinalaman ng ex boybriend sa usapan?" angal ni Mia.

"Nakukwento lang sa akin ni Haruno noon na parang may napapansin siyang kakaiba kay amanda, kahiy kasal na silang dalawa ay pakiramdam niya ay nakikipagkita pa din si amanda sa exboyfriend niya."

What?! Nagawa 'yon ni mom kay Dad? Imposible!

"Nakita niyo ba ni Dad na ginawa talaga 'yon ni mom?"

Umiling si Mr. Ueda. "Hindi ko kilala kung sino 'yung exboyfriend ni amanda pero napatunayan ni Haruno na meron pa ding contact yung dalawa. Wala na ako sa posisyon na makialam pa sa problema nilang mag asawa."

Nahihilo yata ako? O nasusuka? Basta hindi ko maexplain yung feeling. Bakit? Bakit 'yin nagawa ni mom kay dad?

Tinakpan ko ng dalawa kong kamay ang mukha ko at tumayo.

Naglakad ako papalapit sa malaking binta ng room at tumingin sa malayo.

Kailangan kong huminga, kailangan kong kayanin 'to.

Nag-flashback sa isip ko yung mga panahon na buhay pa si mommy at daddy. Masaya naman kami, pero bakit? Bakit nagawang ilihim ni mommy kay Dad ang bagay na iyon?

Naiimagine ko si Dad, alam kong masakit sa kanya na malaman na nagawa iyon ni mom.

Naniniwala ako kay mommy, alam kong may reason kung bakit naglihim siya kay dad.

Lumakas bigla ang ihip ng hangin na pumasok sa loob ng room. Malamig sa mga pakiramdam at bigla na lang tumulo ang mga luha ko.

Not now, naguumpisa pa lang kaming halungkatin kung anong meron sa nakaraan.

Aalamin ko kung anong reason ni mom. "Kung pagiisahin natin lahat lahat. Si Red at ang exboyfriend ni mommy ay iisa." humarap ako sa kanila habang nakasandal sa wall ng bintana.

"Maaaring ganun na nga Hana." mahinang sabi ni Mr. Ueda.

"Kaya pala ganun na lang ang galit niya kay Dad. Nagawa pa niyang kamustahin sakin si mom noong una kaming magkita. Kung alam ko lang, matagal ko na sanang hindi pinigilan ang sarili ko."

Napakagat ako sa labi ko. "Pasensya na Hana kung iyon lang ang naalala kong nangyari noon."

Pinunasan ko ang mga luha ko at ngumiti sa kanya. "Kung ano mang reason ni mommy sa paglilihim niya kay Dad alam kong para iyon sa pamilya namin. Kilala ko si mommy, alam ko kung gaano niya kamahal si Dad kaya naniniwala ako sa kanya."

"Naiintidihan ko, kilala ko si Haruno. Alam kong hindi niya magagawang saktan ang ibang tao."

"Kung ganun ang kulang na lang sa puzzle ngayon ay ang side ni Mr. Ford." sabi ni Don.

Tumango na lang kaming lahat. "Aaminin ko, maaring si mommy ay kasabwat ni Mr. Ford sa pagpatay ka Dad."

"Pwede din namang may alam si Amanda sa mangyayari kay Haruno kaya nandoon siya agad sa crime scene." dagdag pa ni Mr. Ueda.

"Oh di kaya sinubukang pigilan ni Mrs. Hibari ang balak ni Mr. Ford pero nahuli siya ng dating." sabi naman ni Don.

Actually, may point sila sa mga sinasabi nila. Ngayon pati si mommy ay suspect na din.

"Mukhang kay Mr. Ford ko lang talaga malalaman ang lahat."

"Huwag tayong magpadalos dalos dahil sa nalaman natin ngayon. Masyado pang mainit kung anong nangyari sa party at ang pagkuha natin kay Ryu."

She's On Duty ♠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon