Chapter 6

229 9 10
                                    

Chapter 6



Nagugutom na ko. Hindi pala ako nakakain ng lunch.


Pagpasok ko sa room namin tahimik ang lahat. Bumalik na pala si Blonde at Ryu. 

Wala akong imik na umupo sa upuan ko. Maya maya dumating na si Don. Pero this time ibang subject naman ang ituturo niya.


"Okay class magsisimula na tayo." Malakas na sabi ni Don. 


"Don! May gusto kaming gawin na iba." biglang sabi ni blonde.


"Ano 'yon Mr. Garcia?" tanong ni Don na mukhang nairita sa ginawa ni blonde.


"Bakit hindi na lang si Nakahara ang gawin nating topic ngayon?" dahil sa sinabing iyon ni blonde nagsimula nang magingay ang mga boys sa room.

Nairita yung mga girls pero wala silang choice kundi hayaan na lang ang mga mokong na 'to na mag ingay.

Nilapitan ako ni blonde mula sa kinauupuan ko which is two chairs away from my right side.


"Pwede ka nang maupo sa harap Ms. Nakahara." nakatawang yaya ni blonde sakin sabay turo sa chair na nasa harap.

Inaantok akong naglakad papunta sa harap. Hindi ko alam kung bakit ko pinatulan si Blonde sa idea niya pero kusang naglakad ang mga paa ko. Napansin ko naman si Ryu na nakatingin lang sa window.

"Okay! Classmates ganito ang gawin natin." biglang sabi ni blonde na sinundan pala ako dito sa harapan.

"Kahit anong gusto niyong itanong kay Nakahara ay sasagutin niya. Pero medyo may gagawin lang tayong twist para maging exciting yung show." lumapit siya sakin.


"Kapag hindi nakasagot si Nakahara sa mga tanong niyo. Magtatangal siya ng isa sa mga suot niya." lalong naghiyawan ang mga boys sa loob ng room.


Naloko na. Tinignan ko naman si Don. Walang reaksyon sa mukha niya. Meaning hindi niya nagugustuhan ang nangyayari sa loob ng klase niya.

Kung alam lang ng mga lalaking 'to na nagpipigil lang si Don sa kanila. If i know kanina pa niya gustong turuan ng leksyon ang mga 'to.


"Okay simulan na natin ang Nakahara show!" sigaw ni Blonde.


Nagsimula na silang magtanong sa akin Naguunahan sa pagtaas ng kamay.


"Saang clan ng mga gangsters ka galing?" tanong ng isa sa kanila.


"Galing ako sa clan ng nga Nakahara na nagmula pa sa japan. Kami ang one of the oldest clan ng mga gangsters sa buong japan." sagot ko. 


"Bakit ka dito sa H.H nag aral?" muli nilang tanong.

"May nakapagsabi kasi sakin na kakaiba daw ang school na 'to. Sabi nila may mga students daw dito na puro hangin lang ang laman ng utak. I never thought na totoo pala ang mga rumors." 

She's On Duty ♠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon