Chapter 5

354 29 24
                                    



Dumating na si Don sa room para mag turo ng first subject which is english. I need to talk to Don. Hindi ako mapalagay sa kung si Ryu Ueda is the son of Mr. Ueda na bestfriend ng dad ko. 


Mga ilang minuto lang ang nakakalipas inaantok na ko. Hindi dahil boring si Don kundi dahil pagod lang talaga ako sa buong panenermon ni Don. And looking at him now, para namang wala naman sa kanya at super energetic pa siya sa klase.


Hindi na pala bumalik sa room sila Ryu at Blonde. Cutting classes? 


Mga batas talaga. Ewan ko ba sa kanila kung anong napapala nila sa mga kalokohan nila. Hidi ko alam kung anong gusto nilang patunayan sa pang gugulo sakin. Masyado na kong nagiging involve sa mga gulo nila. Hindi 'to part ng plan ko. 

Dahil nasa likod naman ang upuan ko madali akong makakatulog na hindi ako napapansin ng teacher sa harap. Lunch time na ng magising ako. 


"Su." Gising ni Rika sakin. 


"Hm?" Nag-inat muna ako bago ako tumayo sa upuan. Napasarap ata yung tulog ko. 


"Tara kain na tayo." Yaya ko sa kanila. Bigla na namang nagsitunugan ang mga Phone nila. Dejavu? Parang kahapon lang. 


Binasa ni Rika yung Announcement. "Su Nakahara. Class 3-1. She's my pet. - Dark."


Napabuntong hininga na lang ako. Siguro kulang pa yung sakit ng katawan na binigay ko sa kanila kahapon. 

Ang mga lalaki nga naman. Hindi matangap na natalo sila ng isang babae.


Hinawakan ni Naomi at Rika ang balikat ko habang diretsong tumingin sakin. "Hindi ka namin iiwan Su! Promise yan!" Matapang na sabi nilang dalawa. 

Gusto kong matawa kasi halatang may takot sa boses nila with matching panginginig ng kamay. Obvious na obvious naman sa kanila na natatakot sila sa grupo ni Dark Prince.

"Okay lang ako. Kaya kong protektahan ang sarili ko at isa pa ayokong madamay kayong dalawa." Sabi ko sa kanila sabay tapik sa mga ulo nila. 


Lumabas na ako ng room. This time may earphones akong suot sa tenga. Pampagising lang.  Wala akong sinayang na oras at nagpunta ako sa Club nila Meru. Gusto ko kasing makakuha ng mga impormasyon para sa mission ko.


Nabasa ko na din yung iba pang naresearch ni Don tungkol kay Meru. Isa siya sa mga anak ng Board Member na kaibigan din ng dad ko.


"Oh Su! Ikaw pala. Pasok ka." Yaya ni Meru sakin. Walang ibang tao sa loob kaya magandang opportunity 'to para makausap ko siya.


"Do you need my help? Dahil ba ito dun sa bagong announcement ni Ryu tungkol sayo?" Tanong ni Meru na naupo sa sofa at uminom ng kape habang nakatingin sakin.


"May gusto lang kasi akong malaman tungkol sa school kaya nagpunta ako dito." Diretso kong sabi. 

She's On Duty ♠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon