Chapter 40
Bakit nagpapaalam si Ran? Ano bang balak niyang gawin?
"Yung plate number ng sasakyan, nakapangalan iyon sa taong nagngangalang Thomas.. Thomas Ford."
Nabuhayan ako ng loob ng sa ibinalita ni Don. "Saan ko siya pwedeng makita?"
"Nasa business trip ngayon si Mr. Ford kaya wala siya dito sa bansa. May ibang impormasyon din akong nalaman tungkol sa kanya."
"Sabihin mo lahat Don, nakikinig ako."
Nandito kami ngayon sa bahay nila Mr. Ueda, dahil matapos ang nangyari kanina ay dito ako dinala ni Ryu para mapakalma.
"Siya ang nagmamay ari ng karibal nating kompanya, ang Ford enterprise. Nagsimula sa hirap si Mr. Ford hanggang sa unti unti niyang nabuo at napalago ang kompanya. Wala siyang asawa, thirty five years old at naninirahan mag isa sa napakalaki niyang bahay."
Sa mga narinig kong impormasyon hindi maaalis sa isip ko na paghinalaan na si Mr. Ford at si Red ay iisang tao lang.
"Gusto ko sanang mag set ka ng meeting kay Mr. Ford. Oras na siguro para magharap kaming dalawa."
Nagalangan si Don sa narinig niya.
"Sigurado ka ba Hana?""Wala ng oras Don, kung hindi pa ako magpapakita sa kanya alam kong madami pang tao ang madadamay."
"Pero.."
"Buo na isip ko Don, kung siya man si Red. Alam kong sinasadya niya ang lahat ng ito para ako mismo ang kusang lumapit sa kanya. Pinagbibigyan ko lang siya sa gusto niyang mangyari."
Kung si Red at si Mr. Ford ay iisa, ibig sabihin ay maaaring siya ang may hawak kay Ran ngayon.
"Kung yan ang gusto mo, hindi na kita pipipigilan pa."
Naiwan akong mag isa sa loob ng kwarto ko. Malapit ko na siyang makita. Nagawa niya na kung anong gusto niya pero hanggang dito na lang 'yon. Ako naman ngayon ang magpapatakbo ng laro naming dalawa.
Nagpunta ako sa garden para makapag isip isip. Nakatayo lang ako habang pinagmamasdan ang mga bulaklak na nasa harap ko.
Hindi pa din nila pinapabayan ang mga paboritong bulaklak ni Tita, ang mommy ni Ryu.
"Hana." napalingon ako at nakita ko si Ryu na nakatayo malayo sa akin.
"Ikaw lang pala." pilit akong ngumiti sa kanya.
"Gusto mo ba talagang malaman kung anong nangyari sa amin ni Ran?"
Tumango ako sa kanya. Napansin ko naman na inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa mga bulsa niya habang nakatingin sa kung saan.
"Masyado kasing mabait si Ran kaya naman naiinis ako sa kanya. Pero lalong nadagdagan ang pagka asar ko sa kanya simula ng dumating ka sa school."
"Bakit naman ako nadamay? At tsaka wala ka namang magagawa kung talagang sobrang bait nung tao."
Pinagtri-tripan na naman ako ng lalaking 'to. Dahil lang sa mabait si Ran kaya siya ganyan?
"Ayokong nakikita si Ran na tinutulungan ka. Ayokong pinakikialaman niya ang mga bagay na sa akin." seryosong tumingin sa mga mata ko si Ryu.
Para naman akong na magnet sa mga tingin niyang 'yon. Parang ganito din kaming dalawa noong una kaming magusap ng ganito sa likod ng gym.
"Naiinis ako kapag nakikita kong masaya siya kasama ang clown ko at mas lalo na ngayon na alam kong siya ang iniisip ng babaeng gusto ko."
Hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala si Ryu. Nagulat ako sa mga sinabi niya. Tama ba yung narinig ko na yung clown at yung babaeng nagugustuhan daw niya?
Naramdaman ko na lang na hinawakan ni Ryu ang mga pisngi ko. Hindi ako makagalaw, bumilis ang tibok ng puso ko.
"I like you Hana." dahan dahan niyang iniangat ang mukha ko.
Then he suddenly put his lips on mine.
Biglang nakuryente ang buong katawan ko. Kulang na lang ay lumuwa na din ang mga mata ko sa sobrang gulat.
Totoo ba 'to?! Si Ryu.. Hinalikan ako ni Ryu?!
Matagal bago nag sink in sa akin kung anong sinabi ni Ryu. Napa atras ako at bumitaw sa kanya habang nakahawak sa bibig ko.
"Ba-bakit mo ko hinalikan?! Tsaka anong pinagsasabi mo na gusto mo ko? Pinag-tri-tri-pan mo na naman ba ko?"
Naloloka na yata ako. Natawa lang si Ryu sa mga sinabi ko.
"Bakit ka tumatawa?" naiinis na ko. Parang wala lang sa kanya yung nangyari.
"First kiss ko 'yon! Kaya may karapatan akong mag react ng ganito!"
"Natatawa kasi ako sa naging reaksyon mo, at least ako ang nakakuha ng First kiss mo."
"Arghh!!" sa sobrang inis ko hinubad ko yung slippers ko at ibinato iyon sa kanya.
"Oy! Tama na, masakit 'yan!"
Ganon ganon na lang 'yon? Sasabihin niyang i like you tapos hahalikan ako tapos .. Tapos .. Tatawanan lang pala ako?
Nailagan lang niya yung mga ibinato ko. "Hindi ko alam kung tanga ka lang talaga o ang slow mo, kaya kita hinalikan kasi nga I LIKE YOU HANA!"
Automatic na tumigil ang buong katawan ko sa pagkilos.
"Alam kong hindi ito ang tamang oras para sa ganitong bagay maghihintay ako Hana, maghihintay ako para sayo."
Napakagat ako ulit sa mga labi ko. Hindi ko inexpect na magiging ganito ang lahat. Ang balak ko noon ay ako mismo ang magtatapat sa kanya pero the othe way around ang nangyari.
Paalis na si Ryu. "Teka lang, yung sinabi mong willing kang hinatayin ako.. gagawin mo ba talaga 'yon?"
Naghihintay ako sa magiging sagot niya. "Matagal ko na akong nakapagdecide Hana, pag sinabi kong maghihintay ako. Maghihintay ako."
Naglakad na palayo si Ryu habang ako naman ay naiwan lang na nakatayo at pinagmamasdan ang pag alis niya.
Ngayong alam ko na kung anong reason kung bakit ganun na lang ang concern sa akin ni Ryu. Pakiramdam ko tuloy ay naging unfair ako sa kanya dahil hindi ko nagawang sabihin ang salitang, i like you too.
Pero mas magiging unfair ako kung pati siya ay madadamay sa problema ko. Tama na muna siguro na ganito ang sitwasyon namin. Dahil pag nagkataon na malaman ni Red ang koneksyon ko kay Ryu, baka pati si Ryu ay saktan niya.
Hindi ko kakayanin pag nangayri iyon.
Sana hindi siya mapagod, sana hindi siya magsawa. Sana matapos na ang lahat ng 'to para masabi ko na sa kanya.
Nakakastress naman pala magmahal ng ganito.
Nararamdaman ko pa din yung soft lips ni Ryu. Napangiti na lang ako. In time, sasabihin ko din kay Ryu ang lahat.
Pagbalik ko sa bahay nakita ko si Don at Mr. Ueda na naguusap sa may sala.
"Oh bakit parang ang pula pula ng mukha mo Hana? Okay ka lang ba iha?" napansin ako ni Mr. Ueda.
Iniba ko na lang yung topic, baka lalo lang akong ulanin ng mga tanong kapag sumagot pa ko.
"Anong balita sa pinapa-set kong meeting with Mr. Ford?"
"Nakaschedule ang meeting niyo the day after tomorrow."
"Okay, thanks!" nagmadali na akong naglakad para makaiwas sa kanilang dalawa.
Pagpasok ko sa loob ng kwarto ko tsaka lang ako nakahinga ng maluwag.
Safe na ko dito. Kailangan ko ng maghanda para sa pagkikita namin ni Mr. Ford.
Pagkikitang matagal ko ng hinihintay.
END OF CHAPTER.
BINABASA MO ANG
She's On Duty ♠
Misterio / SuspensoSu Nakahara is Hana Hibari. Ang only daughter ng dating CEO ng empire group. A seventeen year old girl na high school student. Mysterious but friendly and always on the go. But don't underestimate this girl. She is on her duty to solve the case of...