Paano ko ba gagawin yung isang bagay na sa tingin ko e si Dad lang ang may kayang gumawa?
"How?" isinubsob ko sa desk ko yung mukha ko sa sobrang inis.
"Ms. Nakahara, can you please answer question no. 7?"
Napatayo ako bigla sa pagtawag ni Don. Mukha akong tanga na hinahanap kung saan yung page na pinapasagot niya.
"Ms. Nakahara, next time na mag daydream ka sa klase ko ikaw na ang magiging board monitor for the whole week."
"Sorry sir." napaupo na lang ulit ako, napahiya tuloy ako dahil sa sarili kong kagagawan.
Buti at tumino na yung iba kong mga classmates. Dati kasi parang konting galaw lang eh pinapansin na nila. Tulad na lang ng ginawa nila Ryu sakin dati. Pero ngayon? okay na sila.
Mga simpleng estudyante na ine-enjoy lang ang high school life. Walang takot, walang problema, walang gulo.Ito lang kasi yung nakikita ko ngayon, mukhang kailangan kong maglibot libot dito sa buong school para makita talaga kung ano ba talagang nangyayari.
Buti na lang at sumakto na nag ring na yung bell.
Saan ba ako maguumpisa? Hindi na ako lumayo pa at dito na ako sa floor namin magsisimula.
"Hhm?" napataas na lang ang kilay ko ng may mahagip yung mga mata ko na hindi ko nagustuhan.
Hindi pa nakakalayo yung mga paa ko mula sa room namin ay may ganito na kong eksenang nakikita.
Sa loob ng isang room nakita ko na may mga babaeng tuwang tuwa na nilalagyan nila ng drawing yung mukha ng isang classmate nilang babae using a lipstick.
Sa itsura nung girl, konting konti na lang at iiyak na siya. Wala namang paki alam yung ibang mga classmates nila at nagsisiksikan lang sila sa isang tabi at nagkukunwaring hindi nakikita yung ginagawa ng tatlong babae sa kawawa nilang classmate.
Ano kayang gagawin niya? Magagalit kaya siya? O hindi na lang magsasalita?
After nilang paglaruan yung mukha ng classmate nila eh iniwan lang nila ito basta basta.
Umalis lang sila na mukhang napakalaking achievement para sa kanila na may na bully sila.
Napansin ko naman na pagka alis ng tatlong babaeng ay agad namang lumapit yung iba niyang mga classmates sa kanya at nag offer ng mga tissue at sinusubukan na pakalmahin ang ngayon ay umiiyak nilang classmate.
Gusto ko mang makialam, pero hindi pwede. Dapat i verbalize niya o ireport sa mga teachers nila yung mga ganitong pam bu-bully para magkaroon ng disciplinary action ang mga iyon.
Pero may magagawa nga ba ang mga teachers dito sa school para tulungan sila?
Naalala ko yung sinabi ni Don na mas may kapangyarihan pa ang mga estudyante kaysa sa mga teachers. Meaning, pati mga teachers ay biktima din nila.
Nagkakaroon na ako ng idea kung anong pwede kong gawin.
Pumunta ako sa faculty room para kausapin si Don tungkol sa bagay na ito.
Papasok pa lang ako sa loob ng room nang makita ko yung teacher ko sa isang subject na humahagulgol ng iyak habang may isang estudyante sa harap niya. Walang ibang tao sa loob kundi silang dalawa lang.
"Diba sinabi ko na sayo na baguhin mo yung score ko?! Alam mo bang pagagalitan na naman ako ng parents ko niyan dahil sayo?!" sigaw sa kanya ng isang babaeng student.
Ibinato ni student yung hawak niyang mga papers sa mukha ni teacher. Lalo tuloy humagulgol sa iyak yung teacher.
"Gusto mo bang mapaalis dito sa school? Pwedeng pwede kong sabihin sa mom at dad ko na paalisin ka dito." pagbabanta pa sa kanya nung student.
Ano kayang gagawin niya? Susundin niya kaya yung inuutos sa kanya o hindi?
Agad na pinulot ni teacher yung mga paper at may kung anong pinalitan sa paper.
"Sorry, ito na binago ko na. Please, kailangan ko ng trabaho ngayon. Sa akin lang umaasa yung mga magulang ko." pagmamaka awa ni teacher.
"Good! Matuto kang lumagar, teacher ka lang dito kaya matuto kang sumunod." nakangiting sabi nung stundent.
Ano? E-epal na ba ko? Kanina pa kasi mainit yung ulo ko. Sinong nagturo sa kanya ng ganitong asal?
Lalapitan ko na sana sila nang bigla akong makaramdam ng kamay sa balikat ko na pumigil sa akin.
Si Don, umiiling na lang siya.
Nakaalis na yung student sa room na taas noo pa, sa harap ko pa talaga siya nagmayabang?
Nilapitan namin ni Don si Teacher para pakalmahin siya. Nag abot ako ng bottled water para tulungan siyang kumalma.
Sakto namang dumating na din yung ibang mga teachers sa loob ng room.
Lahat sila, iisa lang ang reaksyon.
Malungkot sa nakikita nilang pag iyak ng isa nilang kasamahan. Iisa lang ang ibig sabihin nito, naiintindihan nila kung anong nangyayari. Posibleng pati sila ay nakaranas na rin ng ganito.
"Pwede ba tayong mag usap?"
Nagpunta kami ni Don sa principals office para mag usap.
"Matagal na ba talagang ganito dito?" tanong ko agad sa kanya pagkapasok na pagkapasok pa lang namin ng office.
"Matagal na Hana. Sa tagal, nasanay na kang yung iba." mahinang sabi ni Don.
Binuksan ko yung malaking bintana ng room. Mula sa itaas, pinanunuod ko lang yung mga estudyante na nasa ibaba.
"Sinabi ko naman sayo na noong una ganito na ang sitwasyon ngayon dito sa school."
Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ni Don. "Why?"
Ibinaling ko ang tingin ko kay Don na nakatayo lang din habang pinagmamasdan din ang mga tao sa labas.
"Karamihan ng mga students dito ang parent is a part of Empire. Gustuhin mang gumawa ng aksyon ni Mr. Ueda noon pa pero hindi niya magawa. Empire is not doing good these past few years. Lahat ng tao dito sa school and sa company is family. We can't lose one."
Family.
I now realized kung anong dapat kong gawin. I need to protect my family, no matter what.
"Tell this to Mr. Ueda. Hindi na natin palalagpasin ang mga ganitong problema sa school. From now on, kapag may nareport na bullying of a student or even a teacher or even a worker here they will automatically lose their connection with Empire."
"Pero Hana .."
"You said it Don, Everyone is family. And i am not letting anyone to hurt them. Hurting others only shows that they don't deserve to be a part of it."
Napangiti na lang si Don sa mga sinabi ko.
I feel so happy right now. Alam kong ito ang gustong mangyari ni Dad.
"Tomorrow i will reveal myself sa mga students. So prepare for it. I think it's the right time already." i added.
"Masusunod Master." Palabas na si Don ng pinto nang bigla siyang huminto at muling nagsalita.
"Simula ng makilala kita Hana, hindi ako nag sisisi na ikaw ang pinili kong pagsilbihan." Nag bow ng matagal si Don sa akin.
"Same here."
I just smiled at him.
Naiwan akong mag isa sa loob ng room. Bigla namang umihip ang isang malakas na hangin.
"Yes Dad. I can feel you."
End of Chapter
![](https://img.wattpad.com/cover/21808312-288-k809182.jpg)
BINABASA MO ANG
She's On Duty ♠
Mystery / ThrillerSu Nakahara is Hana Hibari. Ang only daughter ng dating CEO ng empire group. A seventeen year old girl na high school student. Mysterious but friendly and always on the go. But don't underestimate this girl. She is on her duty to solve the case of...