Chapter 24

191 8 2
                                    

Chapter 24

Dumating si Meru na may dalang papers at iniabot sakin iyon.

Nakasandal lang ako sa table habang binabasa ang laman ng report niya.

"Kelan pa nangyari 'to?" tanong ko kay Meru.

"Kahapon lang. Natagpuan na lang sila sa office nila na wala nang buhay."

Nakakagulat ang biglang pagpatay sa dalawang business partners na kabilang sa listahan namin.

"Nakakapagtaka lang dahil halos dalawang oras lang ang pagitan nang pagkamatay nilang dalawa. At pareho din ang lumalabas na cause of death nila, Asphyxia." sabi pa ni Meru.

Parehong pareho sa nangyari kay Dad. May iba akong kutob sa mga nangyayari. Alam niya kaya ang tungkol sa listahan?

"Kumikilos na siya. Hindi ako sigurado pero sa tingin ko balak niyang isa isahin yung mga taong alam niyang magiging karibal niya sa pagiging CEO." dagdag pa ni Meru.

"Tama. At mukhang wala siyang pinapalagpas." dagdag pa ni Meru.

Tinawagan ko agad si Don tungkol sa nangyari.

Nabawasan na ng dalawa ang listahan. Apat na lang ang natitira.

"Salamat Meru, may gusto sana akong ipagawa sayo. Tayong dalawa ang nakaka alam tungkol dito kaya malaki ang tiwala ko sayo Meru."

"Sabihin mo lang Su." sagot niya.

"Gusto ko sanang malaman ang lahat ng tungkol sa taong 'to." sabi ko kay Meru sabay abot ng isang picture.

Medyo nag alangan pa si Meru matapos niyang makita kung sino ang nasa picture. "Bakit siya?"

"Yan din ang gusto kong malaman Meru." sagot ko sa kanya.

Sana may makuha akong sagot sa nabubuong katanungan sa isip ko.

Papunta na ko sa room ngayon dahil magsisimula na yung klase. Buti na lang half day lang ulit kaya naman ilang oras ko lang titiisin na wag munang kausapin si Ryu.

Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko sa kanya after ng nangyari.

Pangalawang beses ko na 'to, kaya baka this time nagalit na talaga siya. Remember nung time na pinagbantay ko siya sa bahay? Buti na lang at di siya nagalit sakin pero na feel ko naman na nagtampo siya kaya di niya ko pinapansin ng ilang days. Pero iba yung nangyari kanina, as in sobrang nakakahiya lang.

Pagpasok ko sa room napatigil ako sa paghakbang ng bigla kong makita si Ryu sa kinauupuan niya. Nagbabasa siya ng libro.

"Hana. Kaya mo yan." sabi ko sa sarili ko sabay hinga ng malalim para mawala ang kaba.

Tuloy tuloy lang akong naupo at walang imik na nagsasalita. Napansin yata ni Ryu yung presence ko kaya naman nagpretend ako na kunwari ay may kausap ako sa phone.

"Oh. Bakit ka napatawag?" Hana kaya mo yan! Sige lang, umaarte ka lang.

Tumigil lang ako sa pagsasalita ng pumasok na yung teacher sa loob.

Woo! Ang hirap 'nun ha? Pinagpawisan ako don, buti na lang at di niya ko kinausap.

Tahimik lang akong nakikinig sa naglelecture sa harap, bigla naman akong kinilabutan ng maramdaman kong kanina pa may nakatingin sakin.

Nananadya ba siya? Kitang kita ko mula sa gilid ng paningin ko na sakin lang siya nakatingin at hindi sa teacher sa harap.

"Pwede ba Ryu tigilan mo nga yang pagtingin mo sakin. Baka mapagalitan ka ni ma'am." pabulong kong sabi sa kanya kanya habang nakatingin lang ako sa harap.

She's On Duty ♠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon