Chapter 39

110 6 9
                                    

Chapter 39

Medyo malayo layo pala ang pupuntahan naming dalawa ni Ryu. Hindi ako pamilyar sa lugar kaya hibdi ko sure kung saan na kami napadpad.

Napansin ko naman na tahimik lang si Ryu habang nakatingin sa labas ng bintana. Ayaw pa rin ba niyang pag usapan naming dalawa kung bakit siya galit kay Ran?

Napabuntong hininga na lang ako. Ang sakit nila sa ulo, nakakainis!

Tanghali na ng makarating kami sa bahay ampunan. Sa labas pa lang ay makikita na luma na ang buong lugar pero may mga bata pa ding nakatira dito.

Bumaba kami ng sasakyan at naglakad papasok. Habang naglalakad kami ay panay ang tingin namin sa paligid. May mga batang naglalaro at nagkakasiyahan, nakakahawa ang mga ngiti nila kaya pati ako ay napangiti na din.

Sinalubong kami ng isang matandang babae, siguro mga nasa seventies na ang edad niya.

"Magandang araw sa inyong dalawa, may maitutulong ba ako sa inyo?"

"May gusto lang po sana kaming itanong tungkol sa isang tao."

"Nako iha, dumito tayo sa loob para makapag usap tayo ng maayos."

Pumasok kami sa mismong opisina ng matandang babae.

"Ako nga pala si Mrs. Garcia, ako ang namamahala ng bahay ampunan na ito." pakilala niya sa amin.

"Ako naman po si H- Su Nakahara at siya naman si Ryu."

Ngumiti lang siya sa aming dalawa at sinenyasan kami na maupo sa upuang katabi ng desk niya.

"Tungkol nga pala sa taong hinahanap niyo, sino siya?"

"Si Ran, Ran Yamada." nang mabangit ko ang pangalan ni Ran ay nakita kong nagulat siya.

Isinuot niya ang salamin niya at tumingin sa mga mata ko.

"Alam mo bang hindi kayo ang unang nagtanong sa akin ng tungkol kay Ran." nagkatinginan kami ni Ryu. So, may iba pa bukod sa amin.

"Noong nakaraang linggo ay may babae din na nagpunta dito, halos ka edad niyo ding dalawa.. Teka hindi ko na maalala kung anong pangalan niya." nagisip muna si Mrs. Garcia bago siya muling nagsalita. Kinutiban na ako kung sino man ang babaeng tinutukoy niya.

"Me.. Meru? Tama, yung babaeng nakasalin Meru daw ang pangalan niya."

Napakagat ako sa labi ko. Kung ganon pala ay nangaling na dito si Meru.
"Pwede po ba naming malaman kung anong mga itinanong niya tungkol kay Ran?"

"Twelve years na ang nakakaraan ng iwan ng isang lalaki dito si Ran sa bahay ampunan. Noong una hindi namin makausap ng maayos si Ran dahil takot na takot yung bata, paulit ulit niyang sinasabi na ayaw niya ng bumalik sa kanila."

Tumayo si Mrs. Garcia at may kinuhang folder mula sa isang cabinet at iniabot iyon sa akin.

Mga files ito ni Ran. "Lumipas ang ilang buwan at nakita naman naminh nakapag adjust na si Ran dito sa ampunan, mukhang may mabigat na pinagdaanan ang batang iyon kaya medyo matagal bago siya natutong makisalamuha sa mga kapwa niya bata." kwento pa ni Mrs. Garcia.

Habang tinitignan ko ang mga file ni Ran, may nabasa akong hindi ko nagustuhan.

"Dumating si Ran dito sa inyo na puro pasa at sugat?" napatigil si Mrs. Garcia at dahan dahang tumango.

"May hinala kami na sinasaktan si Ran ng mga magulang niya kaya naman hindi na kami nagdalawang isip na kupkupin siya."

Nangingilid na sa mga mata ko ang mga luha. Hindi ko alam na ganito pala ang pinagdaanan ni Ran. Sa likod ng mga ngiti at kabaitan niya ay ang isang Ran na nagkaroon ng hindi magandang nakaraan.

Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng room. Ikinuwento pa ni Mrs. Garcia kung paano nakarecover si Ran mula sa trauma niya. Hanggang sa ampunin na siya ng mag asawang Yamada.

"Naaalala ko pa noong bata pa si Ran, paulit ulit siyang binabangungot at may pangalan siyang binabangit."

"Sino po?"

Umiling muli si Mrs. Gracia. "Sa tagal na ng panahon ay hindi ko na matandaan pa ang pangalang iyon, pero sa tuwing naririnig ni Ran ang pangalang 'yon ay nanginginig siya sa sobrang takot."

Napahawak ako ng mahigpit sa kinauupuan ko. Napakawalanghiya ng taong nanakit kay Ran.

"Pwede ko bang malaman iha kung bakit niyo kailangang malaman ang nakaraan ni Ran?"

"Gusto ko po kasing tulungan si Ran, gusto ko siyang ialis mula sa bangungot ng nakaraan niya."

Paalis na kami ni Ryu. Nakasakay na kami sa sasakyan ng bigla kaming pinigilan ni Mrs. Garcia.

"Naaalala ko na ang pangalan niya. Red, red ang pangalang palaging binabangit ni Ran."

Para akong nagising bigla sa mga sinabi niya. Naloko na. Ang ibig sabihin lang nito ay si Red ang taong may gawa ng pagka trauma ni Ran. Pero bakit? Sino ba siya sa buhay ni Ran.

Sumakay na ako sa sasakyan at nagpaalam kay Mrs. Garcia at sa mga bata. Hindi mapakali ang mga kamay ko habang paulit ulit kong tinatawagan si pero na off ang phone niya.

Nagaalala ako para kay Ran. "Manong pakibilisan lang po please." dahil hindi ko macontact si Ran, sinubukan kong si Mia naman ang tawagan.

"Hello Su?"

"Nasaan ka? Alam mo ba kung nasaan si Ran? Kanina ko pa siya tinatawagan."

"May problema ba? Nandito ako ngayon sa ospital, nagbabantay kay Meru. And speaking of Ran nandito siya."

Sh*t!

"Malayo ka ba sa kanya?"

"Oo. After niya akong busted-in as if naman na papansinin ko siya agad diba?"

Masama ang kutob ko sa binabalak ni Ran.

"Makinig kang mabuti sa akin Mia, si Ran ay may koneksyon sa taong hinahanap natin. Kaya wag kang gagawa ng kahit anong kilos, bantayan mo lang siya at 'wag mong iiwan si Meru sa kanya. Please Mia, just act like everything is normal."

Nakarinig ako ng malakas na tawa mula kay Mia. "Sure Dad! I will be waiting here lang."

Sana maging okay lang si Meru at si Mia. Ano ba talagang plano ni Ran?

Naramdaman ko naman na hinawakan ni Ryu ang kamay ko. "Relax ka lang, magtiwala na lang tayo kay Mia." kahit papano ay abawasan ng konti ang kabang nararamdaman ko dahil sa ginawa ni Ryu.

Pagkadating na pagkadating namin sa ospital ay nagmadali kaming tumakbo ni Ryu papunta sa room ni Meru.

Naabutan namin sa si Mia na nasa labas ng room ni meru.

"Nasaan si Ran?" tanong ko kay Mia.

"Kakaalis lang niya. Nagpaalam lang siya sa akin at kay Meru na may pupuntahan lang daw siya kaya baka matagal bago siya makabalik. At wag daw tayong magalala sa kanya, lalo ka na daw Su." nagaalalang sabi ni Mia.

Mabilis akong tumakbo palabas, sana maabutan ko pa si Ran. Sana..

"Ran!" sigaw ko. Bawat madaanan ko ay wala ni isang bakas ni Ran. Para akong tanga na naghahanap sa kung nasaan siya. Alam kong hindi pa siya nakakalayo.

"Ran.." paulit ulit kong sabi sa pangalan niya. Nagsimula na ding tumulo ang mga luha ko.

Hanggang sa mapansin ko ang isang sasakyan na dumaan mismo sa harap ko. Nakita ko si Ran sa loob nito.

"Ran! Ran!" hinabol ko yung sasakyan pero masyadong mabilis kaya hindi ko na naabutan.

Naiwan ako sa gitna ng kalsada habang tinitignan ang sasakyan kung nasaan si Ran.

"Ran!" pakiramdam ko may gagawin si Ran na alam kong ikakapahamak niya.

Dumating naman si Ryu at Mia at inalalayan ako patayo.

"Ryu, si Ran. Pigilan natin siya.." niyakap ako ng mahigpit ni Ryu para pigilan ang katawan ko sa pagwawala.

Ayoko ng ganito. Nangyayari na naman ang bagay na pinaka kinatatakutan ko.

END OF CHAPTER.

She's On Duty ♠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon