Chapter 54

29 0 0
                                    

Chapter 54

"Talaga?!" oa naman maka react ni Meru. Ito ba epekto ng kinain niyang cake?

Nakwento ko na sa kanya kung anong ginawa ng parents ni Ran at yung dilemma ko kung paano ako kukuha ng samples ni Red.

Bakit ba ngayon ko lang naisip ang tungkol dito? Eh ilang beses na kaming nagkikita na dalawa.

Haist!! Ang tanga ko talaga!!

"Sa tingin mo, paano ako makakalapit sa kanya?"

Nagisip muna si Meru.

"Hhm? Makakalapit ka, oo. Pero sa takbo ng isip ni Red, malalaman niya na may gusto kang gawin laban sa kanya. Kaya bago ka pa makakilos, uunahan ka na niya."

Tama. Ngayon pa na mainit na ngayon ang sitwasyon naming lahat. Isang maling kilos ng isa, siguradong sira na lahat.

"Hay!! 'Yun na lang kasi yung alam kong paraan."

Sa sobrang inis ko, ginulo gulo na yung buhok ko. Ano na? Ano na, Hana? Isip!

"Bago ka mainis diyan, may isa pa kong naisip. Kung hindi madadaan in a good way, gamitan mo na ng ibang paraan."

"Anong paraan? Papasukin ko yung bahay niya habang tulog siya, ganun ba?"

"Exactly! Eh sa ganung paraan ka makakakilos, may choice ka pa ba?"

Pumasok sa bahay nila Mr. Ford para lang kumuha ng fingerprints? My gadD!! Wala na bang ibang way?

"Nasayo na ang choice Hana, be sure na one try lang ang mangyayari. Hindi pwedeng magkaroon ng wrong move."

Nakakaloka man yung naisip na paraan ni Meru pero tama pa din siya.

"Habang tumatagal, lalo akong nahihirapang kumilos. This time sisigiraduhin kong ito na yung huli."

**

After naming magkwentuhan ni Meru ay bumalik muna ako sa school, tumambay sa principals office para pagisipan yung suggestion ni Meru.

Habang nakahiga ako sa malaking sofa habang nakatingin lang sa ceiling bigla akong may naalala na isang bagay.

Agad akong bumangon at kinuha yung mga iyon mula sa drawer.

"Muntik ko na kayong makalimutan." hawak ko ngayon yung black card na naiwan ni Ran at yung nakuha ko kay Max.

Kailangan kong malaman kung para saan ito.

Tinawagan ko agad si Don. "Magkita kita kita tayo after ng exams, pakisabihan na lang din sila. Thanks."

Sinubukan kong mag research ng iba pang bagay tungkol kay Mr. Ford sa internet.

Nakita ko yung news tungkol sa ginawa ng mga Yamada laban sa kanya. Okay lang kaya si Ran?

Tinawagan ko si Ran.

"Hello, Hana?"

"Kamusta ka? Nabalitaan ko kung anong nangyari."

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Ran. "Sinubukan kong pigilan si Mom at Dad na 'wag ng magsampa ng kaso pero nabigo ako. Im sorry Hana kung may panibagong problema na naman akong ginawa." ramdam ko ang lungkot mula sa tono ng boses ni Ran.

"Baliw ka ba? Bakit ka nag so-sorry? Para naman sayo ang ginawa nila. Mas gugustuhin ko ng ako ang magkaroon ng problema kesa sa masaktan ka niya ulit. Hinding hindi ako papayag na may gawin pa siya sayo."

Ang tapang ko noh? Ganyan talaga kapag gusto mong protektahan ang mga taong mahahalaga sayo.

Natawa na lang ako sa sinabi ko para mabawasan naman yung kadramahan sa paguusap namin.

She's On Duty ♠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon