Chapter 17
"Sigurado ka bang diyan ka na sa sofa matutulog?"
"Kanina mo pa ko tinatanong kung okay lang ako. Kanina ko pa din sinasagot yang tanong mo." iritableng sagot ni Ryu.
Hmpf! Masama ba magtanong? Siya na nga lang 'tong inaalala ko. May bahay naman sila bakit kaya dito pa niya naisipan magovernight.
"Bahala ka nga. Wag kang magrereklamo diyan na masakit yang likod mo bukas."
Hindi ko na kinulit ulit si Ryu.
Siya ang may gusto na magstay dito sa bahay. Kaya bahala na siya sa gusto niyang gawin.
Gusto niya daw kasing makita yung bahay kaya dito na siya natulog? Oh diba? Pwede namang siyang pumunta dito sa araw hindi sa gabi. Pambihira.
Hindi ako makatulog. Iniisi ko pa din yung mga nangyari ngayong araw.
Pagkatapos na pagkatapos ng exams kikilos na agad kami. Walang oras na dapat masayang.
Sa ngayon mas kailangan kong mag aral ng mabuti para hindi ako mapa alis sa H.H.
Maaga akong nagising. Maghahanda pa kasi ako ng breakfast para sa bwisita ko. Ay este bisita pala.
Pagbaba ko sa kusina. Nakita ko si Ryu na busy sa pagluluto.
"Ryu. Goodmorning."
"Goodmorning"
Tutulong sana ako sa paghahanda pero patapos na pala siya.
"Ang bango naman nito. Hindi ko alam na marunong ka palang magluto." natatawa kong sabi.
"Binasa ko lang yung nakita kong recipe sa internet. Ginaya ko lang." sagot niya. Oo na. Ikaw na. Ako na 'tong pati edd hindi kayang iprito ng maayos.
"Nagising pa naman ako ng maaga para ako na sana yung magluluto ng breakfast kaso lang naunahan mo ko." sabi ko habang nagtitimpla ng juice.
"Ayos lang. Gusto ko naman 'tong ginagawa ko." napangiti si Ryu habang nagaayos ng pagkain sa table.
Parang tumigil yung paligid ko nang makita ko ulit yung mga ngiti ni Ryu.
"Kain na. Magrereview pa ulit tayo mamaya." utos niya sakin.
"Aa. oo." sabi ko na lang sabay iwas ng tingin sa kanya.
Automatic na nagbago ang mood ko sa salitang review na nangaling sa kanya. Iisa lang naman ang meaning nun.
Siguradong pahihirapan na naman niya ko.
After naming kumain dito na kami nagrereview ni Ryu sa may sala. As usual iba na naman yung pinagkaka abalahan niya.
Habang ako todo sa pag aaral siya naman busy sa paglalaro sa phone niya.
"Hay sa wakas! Natapos ko din." Para akong nanalo sa isang contest dahil natapos ko na yung sample exam na ginawa ni Ryu.
Habang tinitignan ni Ryu kung tama yung mga sagot ko. Naka tingin lang ulit ako sa kanya.
Poker face kaya hindi ko alam kung tama ba yung mga sagot ko.
"Good. Tama lahat."
"Yes!" nagtatalon ako sa sobrang tuwa. One down! Okay na ko sa math. Yehey!
"Tigilan mo na nga yang kakatalon mo. Halika dito ituturo ko sayo kung pano ishort cut yung formula na ginamit mo."
Hinatak ni Ryu ang kamay ko para maupo ako. Pero na out of balance ako kaya naman tumumba ako at naglanding sa kanya.
BINABASA MO ANG
She's On Duty ♠
Mystery / ThrillerSu Nakahara is Hana Hibari. Ang only daughter ng dating CEO ng empire group. A seventeen year old girl na high school student. Mysterious but friendly and always on the go. But don't underestimate this girl. She is on her duty to solve the case of...