Chapter 4
"Nandito si Nakahara!!" Nakita na nila ako. Kanina pa ako tumatakbo mula sa mga humahabol sakin. Pero hindi naman nila ako maabutan.
"Di ba sila napapagod? Kasi ako napapagod na." Hingal kong sabi. Buti na lang at nakapag lunch ako kayla Meru kanina pero gutom pa din ako. Twenty minutes na lang matatapos na din ito.
Pagdating ko sa Roof top walang tao kaya nag pahinga muna ako. "Siguro naman okay na dito."
Habang nagpapahinga ako naramdaman kong may kung sino ang papalapit sakin.
"Nandito siya sa Rooftop."
Si Ryu. Hawak ang phone niya.
"Di ko alam na napaka supportive mo pala na kaibigan." Bumalik ako sa pag kakaupo at nagpunas ng pawis. Dinedma ko lang siya.
"Hindi ka man lang aalis para magtago? Kung ako sayo tatakbo na ko paalis dito." payo niya habang nakatingin sakin.
Mga ilang minuto lang naririnig ko na mula sa baba ang boses ng grupo nila Nico.
"Thank you sa advice pero gutom na kasi ako. Tapusin na lang natin 'tong kalokohan niyo." Naabutan nila kami ni Ryu na magkausap. Para silang army na nakaharang sa pinto ng rooftop.
"Wala ka ng takas." Sabi ni Blonde.
Pambihira. Kanina pa ko pinag papawisan. Init na init na ko.
"Kala ko ba hindi ako mabobored?" tanong ko kay Nico
"Anong sabi mo?!" Galit na si Blonde. Umuusok na yung ilong niya sa galit kaya di ko napigilang matawa.
"Hahaha!!" Hindi ko na mapigilan ang pagtawa.
"Nang aasar ka ba? Gusto mo ba talagang masaktan ka ha Nakahara?"
"Easy ka lang. Binibiro lang naman kita." Sagot ko.
Tumayo na ako at pinag pag ang dumi sa palda ko."Pano ba yan? Five minutes na lang. Underwear ko ba ang kailangan niyo? Kunin niyo kung kaya niyo." Pang aasar ko sa kanila.
Napansin kong umupo si Ryu malapit sa kinatatayuan ko. So eto pala ang gusto niya, ang panuorin ang isang magandang scene na bihira lang makita in real life?
"Bakit hindi na lang ikaw mismo ang magtanggal ng underwear mo para hindi ako ma bored?" sabi ni Ryu.
"Huh? Baliw ka ba? or Are you G-?" Bago pa lang matapos ang tanong ko sa kanya ay sumugod na sakin sila Nico.
Pag iwas lang ng pag iwas ang ginagawa ko. Ayoko kasi silang saktan. Ang sama ko naman atang estudyante pag ginawa ko yun.
"Mga mahihina ba kayo? Babae lang yan di niyo kayang patumbahin!? Hawakan niyo ng hindi na makapalag!" Galit na sigaw ni Blonde.
Si Blonde talaga kanina pa mainit ang ulo. Mukhang kailangan kong turuan ng leksyon ang mga loko lokong 'to para matapos na.
BINABASA MO ANG
She's On Duty ♠
Mystery / ThrillerSu Nakahara is Hana Hibari. Ang only daughter ng dating CEO ng empire group. A seventeen year old girl na high school student. Mysterious but friendly and always on the go. But don't underestimate this girl. She is on her duty to solve the case of...