Chapter 30

166 8 4
                                    

Chapter 30

Tumatawag si Mr. Ueda. "Ano ng update?"

"Yung taong may ari ng bar ay ang Daddy ni Mia." Napakagat ako sa mga labi ko. Hindi maalis sa isip ko na magduda dahil sa nalaman ko.

"Salamat." Posible kayang may kilala ni Mia si Max?

Habang tinitignan ko yung mga bagay na nakuha ni Don mula kay Max. May isang pamilyar na card akong nakita. Kakaiba ang itsura niya, hindi siya mukhang credit card or atm.

Hindi ako sure pero parang nakita ko na yung drawing na 'to pero hindi ko alam kung saan. Color black ito na may symbol na triangle sa gitna.

Tinignan ko din yung mga contacts ni Max sa phone niya.

May name na Boss Red na nakalagay, kinuha ko 'yung at tinawagan.

Matagal bago siya sumagot, sumasabay sa pag ring ang kaba ko.

"Hana, bakit napatawag ka?" hindi ko inexpect ang naging pamungad niya.

"Ang bilis namang nagsumbong sayo ng alaga mo. Sayang nga lang hindi ko na siya nakakwentuhan ng matagal. Nakaabot ba sayo 'yung pinapapasabi ko?" ito na 'yung moment na hinihintay ko. Pinapalkalma ko lang ang sarili ko, kailangan kong ipakita sa kaaway na hindi ako natatakot sa kanya.

"Hindi pala dapat kita minaliit Han, ang akala ko katulad ka lang din ng daddy mo na pwede kong patayin ng hindi lumalaban." Nagrindi ang pandinig ko sa sinabi niya. Hindi mapigilan ng kamay ko na mapahawak ng mahigpit sa phone ko.

Gustong gusto ko na siyang durugin. Napakasama niyang tao.

"Wala ka na lang bang gagawin kundi patayin ang lahat ng sagabal sayo? Hindi ka ba nagsasawa? Kulang na lang ay isipin ko kung tao ka nga ba talaga? Nakakaawa ka Mr. Red."

Tumawa lang siya sa sinabi ko. "Sinusubukan mo ba talaga ako?" inis niyang sabi.

Naririnig ko mula sa kabilang linya ang boses ng isang tao na parang nagpupumiglas. Lumakas yung ingay, parang sinasadya iyon na iparinig sa akin. May taong humihinga lang pero walang nagsasalita.

Kinukutuban ako sa kung anong ginagawa ni Red, hindi kaya?

"Hindi man lang ako pinagpawisan, oh pano Hana tinapos ko na yung isa pang sagabal na sinasabi mo. Sa tingin mo sino kaya ang pwede kong isunod?"

Nagsimula ng tumulo ang luha sa mga mata ko. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. Bakit kailangan niyang iparinig sa akin ang pagtapos niya sa buhay ng isang inosenteng tao?

Nasusuka na ako, napatakip na lang ang isa kong kamay sa bibig ko habang tuloy tuloy pa din ang pagpatak ng mga luha ko.

May panibago na naman siyang nabiktima. "Nakapakasama mo talaga." 

Naputol na ang linya at nanginginig ang mga kamay ko sa sobrang galit.

Medyo na shock pa ako sa naging usapan namin. Kusang nalaglag ang phone mula sa kamay ko, bigla na lang akong nanghina at nanlambot.

Tahimik lang si Don na nakatingin sakin. Hindi niya na ko tinanong na kung sino at kung ano ang pinagusapan namin. Tanging pagiyak ko lang ang maririnig sa loob ng kotse habang paulit ulit kong sinasabi sa utak ko ang salitang "Sorry"

Madaling araw na pala ng makarating kami sa bahay nila Mr. Ueda

"Dito ka na daw muna mag stay sabi ni Mr. Ueda. Hindi ka na safe sa dati mong tinutuluyan." sabi ni Don. Bumaba ako ng sasakyan habang pinupunasan ko pa yung ga luha ko.

She's On Duty ♠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon