Chapter 27
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Don ng magising ako.
Napansin kong hindi pa din nagbabago ang suot niya. Binantayan niya ako hanggang sa magising ako?
Kung na cucurious kayo sa kung anong meron saming dalawa ni Don, siya ang itinuturing kong para ko ng kapatid. Magisa na lang din sa buhay ngayon si Don. Namatay sa aksidente ang both parents niya, naging palaboy sa daan sa murang edad. Kinupkop siya ni dad at Mom ang minsang makita siya ni Dad sa harap ng bahay.
Five years old ako noon at Sixteen naman siya nung una kaming magkita. Nang malaman ko mula kay Mom at Dad na magkakaroon na ako ng kapatid excited ako na makilala siya dahil sa wakas may kuya na din ako.
Hindi naman ako nabigo sa pagkakaroon ng isang kuya. Lagi niya akong inaalagaan, pinagsasabihan at syempre magkasundo din kami sa ibang mga bagay. Hindi ko nga alam kung paano natiis ni Don ang kakulitan ko dati.
Mas nauna ko siyang nakilala kesa kay Ryu pero nung nagsimula nang mag aral si Don ay bihira na lang kaming magkausap at magkita. Paano ba naman kasi sa abroad siya pinag aral ni Dad?
Pero never ko namang naramdaman na kinalimutan niya ko. Lagi siyang umuuwi sa amin kapag bakasyon niya.
Mahal na mahal ni Mom at Dad si Don katulad ng pagmamahal nila sa akin.
Gusto na sana siyang ilegally adopt ni Dad para maging Hibari na din si Don, pero tumangi siya. Malaki ang utang na loob niya kay Dad at Mom dahil nagkaron siya nang bagong pamilya pero mas gusto daw niyang matira pa din sa kanya ang alaala ng mga magulang niya.
After mamatay ni Dad nangako siya sa amin na proprotektahan niya kami ni Mom. Siya lang ang naging sandalan ni Mom nung mga panahong namatay si Dad. Wala pa kong alam sa mga nangyayari noon kaya naman wala akong magawa para kay Mom.
Sa japan na din nagpatuloy ng pagaaral si Don noong mga college days niya, pero bumalik din siya ng pilipinas ng makatapos na siya ng pag aaral para magtrabaho sa kompanya.
Hindi naman siya nagkulang sa amin ni Mommy. Kaya nga siguro wala pa siyang girlfriend hanggang ngayon ay dahil sa pag aalaga niya sa amin ni Mom.
Kahit hindi ko siya tinatawag na kuya, para sa akin siya pa din ang the best na kapatid. Kapatid na kahit hindi man kami magkadugo o related ay alam naming pareho na pamilya ang turing namin sa isat isa.
After mamatay ni Mommy, halos hindi ko na kayanin pero nandyan silang dalawa ni Mr. Ueda para suportahan ako. Kaya maswerte ako na nandito sila sa tabi ko.
Sila ang mga taong nagpapalakas ng loob ko at mga taong mahahalaga sa akin. Kaya hinding hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa kanila.
"Okay lang ako. Thank you.. kuya." hinawakan ko ang mga kamay niya.
Niyakap ako ng mahigpit ni Don.
"Hindi ko kakayanin Hana kapag may nangyaring masama sayo, kaya please lang wag mo ng gagawin ulit 'yon. Okay?" sabi ni Don.
Tumango na lang ako at ngumiti sa kanya.
Hindi ko napansin na may ibang tao pa pala sa room. Nakatayo lang sa isang tabi si Ryu na nakatingin sa aming dalawa ni Don.
Umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Ano nang balita sa dalawang lalaki na pumasok sa bahay?" tanong ko kay Don.
"Hawak na namin sila ngayon. Wag mo munang isipin 'yon at magpahinga ka na lang muna." kinurot ni Don ang mga pisngi ko. Parang walang kadramahang nagyari sa aming dalawa kaya napangiti na lang kami.
BINABASA MO ANG
She's On Duty ♠
Mystery / ThrillerSu Nakahara is Hana Hibari. Ang only daughter ng dating CEO ng empire group. A seventeen year old girl na high school student. Mysterious but friendly and always on the go. But don't underestimate this girl. She is on her duty to solve the case of...