Chapter 2

464 59 49
                                    


7:30 am na pala pagtingin ko sa relo ko. 

Mga 10 minutes na kong nakatayo lang dito sa harap ng school gate. Sa labas pa lang makikita na malaki ang buong school. Sa gate makikita ang school symbol na H.H.

Bawat student na nakikita kong pumapasok sa loob ng gate e bumababa mula sa kani kanilang sasakyan. Not bad. All of them looks decent. 

Medyo iba lang sila sa ineexpect ko. 

Ganito kasi yung image na  ineexpect kong makikita. First, Puro loud colors ang mga buhok like Orange, Purple, Red, Green. Second, Maiigsi ang palda for girls at pants na sobrang luwag or sobrang sikip for the boys.

Third, maangas kung maglakad na tipong inangkin na nila ang daan.

 Fourth, Super daming tattoo at hikaw. At ang pinaka last e kapag dumating na ang pinaka leader biglang mahahawi ang daan sa dalawa at magsisiluhuran ang lahat. 

Or masyado lang akong madaming movies at anime na napanuod?

Sino ba namang mag aakala na ang galing sila sa ibat ibang clan of gangsters?

They are the next generation of Gangsters.


"Ikaw na ba yung bagong student?" Tawag ng isang pamilyar na boses sakin.

Tinitigan ko lang si Don. Nice fashion, mukha talaga siyang teacher sa coat niyang suot with brush up hair. Mukhang bagong ligo.

Tumango lang ako sa kanya.

"Sumunod ka sakin." 

Habang nakasunod ako kay Don di ko maiwasan na ilibot ang paningin ko. 

Masyado akong naaliw sa view na nakikita at di ko namalayan na nakarating na pala kami ni Don  faculty room. 


"Good morning po. My name is Su Nakahara." Bati ko sa lahat ng mga teachers sa loob. Agad naman nila akong sinuklian ng mga ngiti at bati.

Hindi na kami nagtagal sa loob at naglakad na din kami papunta sa magiging classroom ko. Kung saan si Don ang Adviser.

"Su, Kanina pa ata malalim ang iniisip mo diyan?" Tanong ni Don. 

Nakarinig ako ng isang malakas na tunog ng Bell at napansin kong nagpasukan na yung mga students sa mga rooms nila. 

"Everyone looks normal to me."

"Kaya ka ba napapaisip ng malalim dyan e dahil sa mga sinabi ko sayo? Naloloko ka lang nga mga bagay na nakikita mo." pailing iling na sabi niya.

Alam ko kung anong ibig niyang sabihin. Anyone can act good in front of you,  but the most dangerous thing is when you show them your back.


Nakarating na kami sa magiging classroom ko. Nakasulat sa labas ng room ang number na 4-1. Last school year for my high school days.

"Dito ka muna. Tatawagin na lang kita kapag okay na." Pumasok na sa loob si Don at naiwan akong mag isa sa labas.


***

"Ms. Nakahara, pwede ka nang pumasok." Pumasok ako sa loob ng room at tumayo malapit kay Don. Tumingin muna ako sa lahat ng mga magiging classmates ko at lahat sila nakatingin din sakin maliban sa isa sa kanila na nakakuha ng atensyon ko.

"Ms. Nakahara please introduce yourself." 

"Goodmorning. My name is Su Nakahara. Nice to meet you all." Matipid kong sabi sabay ngiti sa kanila.

She's On Duty ♠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon