Chapter 19

198 8 2
                                    

Chapter 19

After ng klase ko dumireto na ko sa Principal's office. Naabutan ko si Don na may kausap sa loob. Siya na siguro yung private detective.

"Nandito na pala siya." napatingin silang dalawa sakin.

"Pasensya na kung na late ako."

"Wala pong problema Ms.Hana." magalang niyang sagot.

Naupo ako. "Gusto ko sanang malaman kung ano nang balita tungkol sa case ni Dad."

Naupo siya sa harap ko at inilabas ang dala niyang envelope at isang briefcase.

Bago ko nga pala makalimutan. Ang taong kausap ko ngayon ay si private detective Perez.

Matagal na siyang nagtratrabaho para kay Dad at Mr.Ueda.

"Matagal ko nang gustong mag report kay Mr.Ueda. Pero lagi niyang sinasabi na sayo ko dapat sabihin ang mga nalaman ko. Baka hindi daw kasi niya kayanin yung nakalagay sa report. Kaya sa loob ng sampung taon kong pagiimbestiga. Ikaw pa lang ang unang taong makakaalam kung ano talagang nangyari sa Dad mo." paliwanag niya.

Pareho lang naman kaming dalawa ni Mr.Ueda.

Kahit ako din naman. Baka hindi ko din siguro kakayanin. Pero wala akong choice.

Kailangan kong lakasan ang loob ko.

Kung gusto ko talagang hanapin kung sinong pumatay kay Dad kailangan kong malaman ang lahat.

"Magsimula ka na." utos ko sa kanya.

Binuksan niya sa harap ko yung envelope na naka seal.

"12:30pm nakareceive ng tawag si Mrs.Hibari mula sa cellphone ni Master Haruno." inilabas niya yung phone ni Dad na nakalagay sa zip lock mula sa dala niyang briefcase.

"Nagtataka si Mrs. Hibari dahil hindi sumasagot si Master at tanging paghinga ng isa tao ang naririnig niya. Nag alala ang mom mo kaya hinanap niya si Master." kwento ni Perez.

"Hanggang sa natagpuan niyang nakahiga sa sahig si Master at wala ng buhay."

Kinilabutan ako sa mga nalalaman ko.

Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita. Napansin kong napatigil siya sa pagsasalita ng mapansin ang naging reaksyon ko.

"Ituloy mo lang."

"Nakareceive ako ng tawag mula kay Mrs. Hibari at sinabi niya sakin kung anong nangyari kay Master. Naabutan ko na lang sa loob ng opisina ang mommy mo habang yakap yakap niya ang wala ng buhay na katawan ni Master. Sinubukan naming irevive si Master pero wala na din kaming nagawa."

Tumahimik ang buong room. Walang nagsasalita ni isa samin.

"Mga ilang minuto pa ay dumating na din si Mr.Ueda kasama ang security group ng kompanya. Nang makita ni Mr.Ueda ang nangyari sinubukan niyang tumawag ng pulis pero pinigilan siya ni Mrs. Hibari."

"Pinigilan?" pagtataka ko.

"Ang sabi ni Mrs. Hibari ay hindi pwedeng makalabas sa media ang nangyari kay Master dahil sigurado na makakaapekto ito ng malaki sa estado ng kompanya." sagot ni Perez.

"Tama. Kung hindi ako nagkakamali. Nung mga panahong 'yon ay kilala na ang buong Empire. Nabura na sa isip ng mga tao ang imahe natin bilang mga gangsters. Kaya maling kilos ng Empire siguradong gagamitin iyon ng mga kakompetensya natin para pabagsakin tayo." dagdag pa ni Don.

May point si Don.

Napansin ko naman na panay ang punas ni Perez sa pawis niya. Hindi naman mainit sa loob ng room.

"Kaya Heart attack ang alam ng mga tao na naging dahilan ng biglang pagkamatay ni Master. Dahil 'yon ang iniutos ni Mrs. Hibari." sa tono ng mga pananalita ni Perez. Mukhang ang mommy ko ang pinapatamaan niya.

"Ito yung mga kuha kong litarato ng crime scene." inisa isa ko yung mga pictures.

Habang tinitignan ko ang mga ito napatigil ako sa isang picture kung saan may isang Black card na hawak si Dad. Hindi ko makita kung anong klaseng card 'yon pero sa tingin ko ay pinilit niyang itago iyon sa mga kamay niya.

"Ano ang naging resulta ng autopsy ni Dad?"

"Mayroon kaming nakitang malaking sugat sa ulo niya. At may malaki siyang pasa sa kanang pisngi. Ang akala namin 'yon ang cause of death niya pero mali kami. Namatay si Master mula sa pagkakalason."

"Pagkakalason?"

Hinahanap ko sa mga pictures na pinakita niya sakin kung saan ko makikita ang mga pictures ng autopsy. Pero ni isa wala.

"Kahit kami din ay nagtataka sa autopsy report." inilabas ni Perez ang ilang mga pictures.

Medyo nakakapagtaka naman yata? Sinasadya ba niyang hindi ipakita sakin ang naging autopsy sa katawan ni Dad?

"Mula dito sa mga pictures na kinunan namin. Mapapansin niyo na malinis ang buong opisina. Nakaayos ang lahat ng gamit at ni isang patak ng dugo ay wala din kaming nakita."

Ang weird lang. May malaking tama sa ulo si Dad kaya dapat madaming dugo ang makikita sa crime scene pero bakit wala silang nakita?

Mahirap linisin ang carpet na may bakas ng dugo kung sinasabi niyang nilinis nga ang mga ito. Meron at merong bakas na maiiwan. Imposibleng wala.

Inilabas ni Perez ang isang black suit na naka zip lock.

Napansin ko namang may nahulog na maliit na papel mula sa bulsa niya ng muli niyang punasan ang mga pawis niya. Susubukan ko sanag kunin pero hindi niya alam na napakan niya ito.

"Ito yung huling suot na damit ni Master nung matagpuan namin siya."

Iniabot niya 'yon sakin.

Napatitig lang ako sa suit ni Dad na nasa table. Napapaisip ako sa mga sinasabi ni Perez. May kutob ako na hindi siya nagsasabi ng totoo.

"Pasensya na kung ito lang yung mga impormasyong nakuha namin."

"May nakakita ba kay Dad bago mangyari yung pagpatay?" pagtataka ko lang. Dahil pansin ko wala sa report niya na may mga nakausap silang mga tao na pwedeng makatulong sa imbestigasyon.

"Sinubukan na namin pero wala din namang nangyari. Wala ng tao sa buong building ng mangyari 'yon kaya wala din kaming makuhang impormasyon."

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko.

"Salamat sa oras Mr. Perez."

Tumayo siya at tumingin ng diretso sakin. Nakipag kamay ako sa kanya pero hindi siya bumitaw agad.

"Madaming naitulong ang daddy mo sa pamilya ko Ms.Hana kaya masakit sa loob ko ang bigla niyang pagkawala. Mapatawad mo sana ako kung ito lang ang kaya kong gawin. Madami ka pang dapat malaman Ms.Hana. Alam ko na mahahanap mo din kung sino ang pumatay kay Master Haruno." makahulugan niyang sabi.

Sa tono ng pananalita ni Mr. Perez parang may ibang bagay pa siyang gustong sabihin sakin pero hindi niya masabi. Napabitaw na lang ako sa kamay niya.

Nagpaalam na si Mr.Perez at si Don. Naiwan sa table ko yung mga documents, pictures at yung suit ni Dad.

Nagmadali akong buksan ang naka zip lock na suit ni Dad. Hinahanap ko yung initial na H.H. na madalas kong makita sa likod ng suit ni Dad.

Pero ni isang sulat wala akong nakita. Tama nga ako.

Inihagis ko yung damit sa sofa sa sobrang inis. Naisahan niya kami.

Nakatanaw lang ako sa bintana at sinusundan ng tingin si Don at Mr. Perez.

Inihatid lang ni Don si Mr. Perez sa may gate.

Naiwang nakatayo mag isa sa harap ng gate si Perez habang may kausap siya sa phone. Medyo kabado yung itsura niya at palingon lingon sa paligid.

Nagtago agad ako sa likod ng kurtina bago pa niya ko makita. May masama akong kutob sa mga ikinikilos niya.

Hindi kaya inutusan lang siya?

END OF CHAPTER.

She's On Duty ♠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon