Chapter 20
May hinala ako na may hindi pa siya sinasabi sa amin.
Maya maya pa may napansin akong itim na kotse na palapit sa may gate ng school kung saan nakatayo si Perez.
Tinawagan ko agad si Don."Gusto kong sundan mo si Mr.Perez. Mukhang may kakaiba sa mga kilos niya. May itim na kotse na papalapit ngayon sa kinatatayuan niya."
"Okay. Ako ng bahala sa kanya."
Pakiramdam ko may kung anong pumipigil kay Mr. Perez para magsalita.
May tatlong lalaki ang bumaba sa kotse at sapilitan siyang pinapapasok sa loob ng sasakyan.
Mabilis na umalis yung kotse at sakto namang nakita ko nakasunod si Don sa kanila.
Merong nangyayari kay Perez na hindi namin alam.
Inabot na ako ng gabi sa kakahintay pero wala pa din akong tawag na natatangap mula kay Don.
Kinakabahan ako. Baka kung ano ng nangyari kay Don Kaya ako na mismo ang tumawag sa kanya.
"Don. Kanina pa hinihintay tuma-"
"Hana.. Patay na si Mr. Perez." mahinang sabi ni Don.
Nagulat ako sa sinabi ni Don. "Ano?!"
"Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Kanina lang nakasunod pa ako sa kanila pero bigla silang nawala sa paningin ko. Sinubukan ko silang hanapin hanggang sa makita ko na lang na nakapark yung kotse sa isang madilim na lugar. Akala ko nalaman nilang sinusundan ko sila kaya iniwan lang nila doon yung sasakyan. Pero napansin kong may kakaiba sa loob. Doon ko nakita si Perez. Nakatali ang paa at kamay. At may takip ang bibig. May tama ng baril sa dibdib at wala ng buhay."
Sh*t!
"Sa tingin ko alam niya na si Perez ang may hawak ng case ni Master." mahinang sabi ni Don.
"Mag iingat ka Don. Umalis ka na diyan ngayon. Magpalipas ka muna ng oras sa ibang lugar. Ayokong ikaw naman ang masaktan." Nag aalala kong sabi.
"Masusunod Master. Ikaw din. Magiingat ka."
Ibinaba ko na yung phone. Napahampas ang kamay ko sa table na nasa harap ko kaya nagkalat sa sahig ang mga bagay na iniwan ni Perez.
Madilim na sa buong room at tanging ang liwanag ng buwan lang ang nagiging ilaw dito sa loob.
Wala na ngayon si Mr. Perez.
Naunahan kami ng kaaway.
Nakatuon ang tingin ko sa mga nagkalat na documents sa sahig.
At may bigla akong naalala na isang bagay.
"Yung maliit na paper." Hinanap ko yung piraso ng papel na nalalaglag ni Mr. Perez kanina.
Nakita ko iyon sa ilalim ng upuan. Binasa ko kung anong nakasulat.
"061294?" numbers lang ang nakalagay.
Hindi kaya sinadya ni Perez na makita ko 'to kanina?
Napapa isip ako kung anong meron sa mga numbers na nakasulat dito.
Madaming ibig sabihin ang mga numbers na 'to.
Bigla kong naalala yung mga sinabi niya kanina. Humihingi siya ng tawad dahil 'yon lang ang mga naibigay niyang impormasyon. At madami pa daw akong dapat malaman.
Ang ibig sabihin kaya ay dito ko makikita sa mga numbers na 'to ang mga iba pang bagay tungkol sa case ni Dad?
Ngayong malinaw na sakin ang lahat. Mukhang oras na para ako na mismo ang kumilos.
![](https://img.wattpad.com/cover/21808312-288-k809182.jpg)
BINABASA MO ANG
She's On Duty ♠
غموض / إثارةSu Nakahara is Hana Hibari. Ang only daughter ng dating CEO ng empire group. A seventeen year old girl na high school student. Mysterious but friendly and always on the go. But don't underestimate this girl. She is on her duty to solve the case of...