Chapter 34
Matagal bago tumahan sa pag iyak si Mia."So, ano nang balak mo ngayon?"
"Edi maghahanap nang bago." sagot niya habang nagpupunas ng luha.
Natawa na lang ako sa isinagot niya. Mukhang bumalik na sa normal si Mia.
"Madami pa namang iba diyan, hindi lang si Ran ang lalaki dito sa mundo." nakakangiti na ulit si Mia.
Nagtawanan na kami."Okay ka na ba?" Buti na lang at naging positive pa din si Mia. Hindi naman dito nagtatapos ang lahat.
Tumango si Mia. "Salamat Su."
"Anytime Mia."
Nagring ang phone ko. Tumatawag si Meru?
"Hello, Meru?" matagal bago ako naghintay ng sagot mula sa kanya. Naririnig ko na parang tumatakbo si Meru at hingal na hingal na siya.
Nagmadali na akong lumabas ng room at iniisip ko kung nasaan siya.
"Su! Tulungan mo ko!" sigaw ni Meru mula sa kabilang linya.
"Nasaan ka?! Meru?! anong nang-" biglang naputol ang linya.
"Anong nagyari Su?"
"Si Meru, nanghihingi siya ng tulong."
Sh*t! 'Wag si Meru.
"Meru!" pinagtitinginan na ako ng mga students.
"Meru!" sigaw din ni Mia. Para kaming tanga ni Mia na kung saan saan tumatakbo para hanapin si Meru.
Nasaan na siya? Sinubukan kong tawagan si Meru pero out of coverage na siya.
Lalo akong hindi mapakali, alam kong nasa panganib si Meru.
"Meru!" sigaw ko ulit. Wala akong pakialam kahit pagtinginan nila ako.
"Su! Tignan mo 'yon dali!" turo ni Mia.
May mga grupo ng mga students na nagkukumpulan sa isang lugar. Habang papalapit ako napansin ko na ang isang pamilyar na tao na nakahiga sa sahig.
Para akong hindi makahinga."Meru!"
Walang malay si Meru na nakahiga sa sahig. Sa sobrang taranta ko nakita ko ay hindi ko alam kung anong gagawin.
"Anong nangyari sa kanya?!" tanong ni Mia.
"Nakita namin siya na nahulog mula sa second floor ng building." sagot ng isa sa kanila.
Ang second floor ng building na 'to ay ang library. Sinusubukan kong gisingin si Meru pero hindi dumidilat ang mga mata niya.
"Tumawag na kayo ng tulong! Please!" utos ni Mia sa mga nakapaligid sa amin.Nawawala na kaming pareho sa sarili.
"Meru.. Ako 'to si Su. Gising Meru! Gising! Please!"
"Su! May nakita akong tao sa itaas." turo ni Mia sa malaking bintana ng second floor.
Dumating sila Don at Ryu. "Anong nangyayari dito? Anong nagyari kay Meru?" tanong ni Don ng makita ang lagay ni Meru.
"Mia, Ikaw munang bahala kay Meru." mabilis akong tumakbo papasok ng building at nakasunod naman sa akin si Ryu at Don.
"Hana! Anong nangyari kay Meru?" tanong ni Don na naguguluhan pa sa nangyayari.
"Hindi ko alam!May nakakita sa kanya na nahulog siya mula sa second floor at may kutob ako na itinulak siya ng kung sino. Nakita ni Mia na may ibang tao sa itaas!"
BINABASA MO ANG
She's On Duty ♠
Mystery / ThrillerSu Nakahara is Hana Hibari. Ang only daughter ng dating CEO ng empire group. A seventeen year old girl na high school student. Mysterious but friendly and always on the go. But don't underestimate this girl. She is on her duty to solve the case of...