Chapter 15
"Si daddy.. Natagpuan siyang patay sa loob ng office niya. At hanggang ngayon hindi pa din namin alam kung sino ang taong pumatay sa kanya." nanginginig ang buong katawan ko habang ikinukwento ko kay Ryu ang lahat.
"Hana.." mahinang tawag sakin ni Ryu.
"Yun ang isa pa sa dahilan kung bakit ko kayo kailangan. Nasa loob ng Empire ang taong pumatay sa Dad ko at gusto niyang kunin mula satin ang buong kompanya."
Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko. Bakit ba kasi ganito?
Hindi dapat ako umiiyak sa harapan niya dahil alam kong tatawanan lang niya ako. Pero hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko.
Baliktad na ang sitwasyon ngayon. Kung dati si Ryu ang laging umiiyak sa harap ko. Ngayon ako na ang humahagulgol ng iyak sa harap niya.
"Kaya sorry kung bigla na lang kitang iniwan ng walang paalam. Kinailangan naming magpunta ng japan para magtago mula sa taong hindi namin kilala. Alam kong nasaktan ka sa ginawa ko. Im sorry Ryu."
Lumapit sakin si Ryu at niyakap niya ako. Napatigil ako sa pag iyak sa pagkagulat ko sa ginawa niya.
Lalo akong umiyak sa ginawa ni Ryu. Akala ko nawala na sakin ang isa sa mga pinaka mahalagang tao sa buhay ko.
"Tama na nga 'tong kadramahan natin."
"Payag na ko. Pero anong gagawin mo kapag nakilala mo na siya?" bumitaw ako sa pagkakayakap ni Ryu.
"Anong gagawin ko? Siguro yung matagal ko ng gustong gawin sa kanya." sabi ko habang nagpupunas ng luha.
Napangiti na lang ako. Kahit na hindi maganda yung una naming pagkikita at least naging okay naman na kami ngayon.
"Ryu. Ikaw lang sa inyong apat ang pinagsabihan ko kung anong nangyari kay Dad. Ikaw, ako si Don at ang mga Board Members lang ang nakakaalam ng lahat kaya please isikreto muna natin 'to sa kanila."
"Okay." matipid niyang sagot.
Narinig na namin ang Bell. Tapos na ang Lunch Break. Papalabas na sana ako ng rooftop nang may bigla akong maalala.
"Teka lang. So ano okay na ba tayo? Di ka na galit sakin?" Tanong ko kay Ryu.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Uhm? Last time doon sa bahay niyo. Sinabi mo sakin na burahin ko na sa isip ko na kaibigan kita dahil hindi naman kaibigan ang tingin mo sakin."
Napatigil si Ryu sa sinabi ko."Sinabi ko ba talaga 'yon?"
"Pinagtritripan mo ba ko? Gusto mo na naman bang masaktan ha Ryu?" banta ko sa kanya. Pinagtaasan ko siya ng kilay. Ayoko na ng panibagong kalokohan.
BINABASA MO ANG
She's On Duty ♠
Mistério / SuspenseSu Nakahara is Hana Hibari. Ang only daughter ng dating CEO ng empire group. A seventeen year old girl na high school student. Mysterious but friendly and always on the go. But don't underestimate this girl. She is on her duty to solve the case of...