Chapter 18

201 8 6
                                    

Chapter 18

Heto na yung hinihintay ko. Nandito kami ngayon sa harap ng bulletin kung saan nila ipopost yung results.

"Kinakabahan ako Su. Feeling ko babagsak ako." nagwawalang sabi ni Naomi.

"Tumigil ka nga dyan. Pano pa kaya ako?" saway ko sa kanya.

Pinost na ni Don yung mga list ng mga students na nakapasa. Narinig kong nagcecelebrate na si Naomi at Rika habang busy pa din ako sa paghahanap ng name ko.

Tsaka lang ako nakahinga ng maluwag nung nakita ko na ang name na Su Nakahara sa list.

"Congrats Su! Sabi ko naman sayo papasa ka!" bati ni Rika.

"Ikaw ba naman ang magkaroon ng personal tutor na katulad ni Ryu. Ewan ko na lang kung hindi ka pa pumasa." dagdag pa ni Naomi. Hindi ko gusto yung mga ngiti nila. Ngiting alam mong nangaasar.

Speaking of Ryu. Nasan na kaya siya? Pakiramdam ko kasi iniiwasan niya ko nitong mga nakaraang araw habang exams. Magsosorry na sana ako sa kanya pero sa tuwing mag aattempt ako lagi siyang may kausap na iba.

Ni Hi o Hello man lang mula sa kanya wala akong naririnig. Di naman siya galit diba?

Sinubukan ko siyang hanapin pero hindi ko talaga siya makita. Kahit sila blonde hindi din alam kung nasan siya.

"Ryu. Magkita tayo sa principal's office." tinext ko na lang siya.

Nagpaalam ako kay Mr.Ueda kung pwede kong gamitin pansamantala yung Principal's office at buti na lang pumayag siya. Hindi naman daw kasi nila 'yon ginagamit.

Pagpasok ko ng room. Kumpleto na silang apat. Napatingin ako kay Ryu. Nagbabakasakali lang ako na baka tumingin din siya sakin. Pero fail.

"Ano nang balak mo Hana?" tanong ni Mia na busy sa pagaayos ng buhok niya.

"Sinabi sakin ni Mr. Ueda na may acess kayong apat sa mga records ng kompanya."

"Oo? Ano naman ngayon?" pagtataray ni Mia.

"Kailangan kong malaman kung sino sino ang mga taong may koneksyon sa empire simula ng naitayo ang kompanya."

"Seryoso ka ba diyan?" pagtataka ni Mia.

"Sigurado ako. 'Yon lang ang way na alam ko para matunton siya."

"May point si Su. Kung iisipin niyong mabuti ang only way na pwede niyang makuha ang Empire kailangan ay may koneksyon siya sa kompanya." sabi ni Meru.

"Employee. Investors. Business Partners. Lahat pwede nating maging suspects." dagdag pa ni Ran.

"Kailangan ko ng listahan ng mga taong sa tingin niyong may plano laban sa kompanya. Ako ng bahala sa iba pang bagay kaya magsusubmit din ako ng report sa inyo. Kailangan natin ng teamwork kaya umaasa ako na gagawin niyo ang trabaho niyo."

"Yes master." sabay sabay nilang sabi.

"Yan lang muna sa ngayon. Iinform niyo ko agad pag meron nang balita. Salamat."

Ako na lang mag isa sa loob ng Room. Tinawagan ko si DOn.

"Don. Kailangan kong maka usap yung private detective na may hawak sa case ni Dad. Papuntahin mo siya sakin ngayon. Magkita tayo dito principal's office."

After kong tawagan si Don. Si Mr. Ueda naman ngayon.

"Hana. Congrats nga pala. Balita ko nakapasa ka sa exams mo." agad na salubong sakin ni Mr.Ueda.

She's On Duty ♠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon