Chapter 13

216 10 10
                                    

Chapter 13

I want to be alone.

I like being alone.

Naalala ko bigla si mommy at daddy.

Before the tragedy happened the three of us were so happy.

I've been questioning myself if i can still get revenge for my dad.

Is this the right path for me?

Tumatawag si Don.

"Pinapapunta tayo ni Mr.Ueda sa bahay nila. Hindi daw kasi kayo nakapag usap ng maayos kanina kaya gusto ka niyang makita ulit."


"Okay."

After ng class dumiretso na ako kayla Mr.Ueda.


Sa likod ako ng bahay dumaan.
Buti na lang at medyo kabisado ko 'tong place kaya mabilis akong nakapasok.

Na feel ko kasing pag sa mismong entrance ako dumaan ay may sasalubong sakin na hindi ko gusto.

I don't want to be treated like im so special.

Im just a normal girl that happens to be the next heir.

Habang naglalakad ako may mga masasaya akong memories na bigla kong naalala.


Napapangiti na lang ako.


Wala pa ding pinagbago dito. Nandito pa din yung malaki nilang garden na madalas naming pag taguan noon ni Ryu kapag tinatawag kami ng mommy niya kapag kailangan na naming gawin ang mga assignments namin.


6 years old pa lang ako noon at 7 naman si Ryu ng una kaming magkakilala.

Palaging ka meeting ni Dad si Mr. Ueda dito sa bahay nila.


**

"Hana. Siya nga pala si Ryu. Anak ng tito mo." pakilala sa kanya ni Dad.


Nagtatago si Ryu sa ilalim ng mesa. Akala niya siguro hindi ko siya nakikita.

"Wala dito si Ryu." sabi ng batang Ryu.

"Hi! Ako nga pala si Hana. Nice to meet you Ryu!"

Iniabot ko sa kanya ang kamay ko para makipag shake hands. "Hi.." mahina niyang sagot sabay abot sa kamay ko.


**


Simula ng maging mag kaibigan kami lagi na akong nasa bahay nila. Wala kasi akong kasama sa bahay dahil laging busy si mommy at si daddy. Pero naiintidihan ko naman kung bakit kailangan nilang magtrabaho kaya never akong nagkaron ng tampo sa kanila.


Hindi kami magkaklase ni Ryu noong nasa Pre school pa kami kaya kapag break time lagi niya akong inaabangan sa labas ng room ko or di kaya ako ang naghihintay sa kanya para sabay kaming mag lunch.


Pagkatapos ng school dumidiretso na kami sa kanila para maglaro at minsan lang kami mag aral. More on laro talaga ang ginagawa namin. Kapag magkasama kaming dalawa hindi na namin napapansin yung oras.


May mga times din na doon na ako natutulog sa kanila dahil nasa abroad sila mommy at daddy o di kaya malalate ng uwi galing sa work.

My Mon and Dad didn't hire a nanny for me. They believed that they should be the one taking care of me and i should learn how to take care of myself.

Na overcome din ni Ryu ang pagiging mahiyain at nagkaroon na din siya ng friends maliban sakin. Masasabi kong isa 'yon sa mga greatest achievement ng mahiyaing si Ryu.


She's On Duty ♠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon