Chapter 51

27 0 0
                                    

Chapter 51


Wala akong sinayang na oras, nag aral lang ako ng nag aral para sa exam.

Kahit habang kumakain ay libro pa din ang kaharap ko at bawat paligid ng kwarto ko ay puno ng post it para lang makapag memorize ako.

Oa lang ba? Hindi naman siguro, mas okay ng ganito kesa sa matalo ako ng mayabang na 'yon.

Hmpf! Nagkasalubong kami sa hallway ng nga bandang madaling araw na. Bakit hindi pa siya natutulog ng ganitong oras.

"Hoy Ryu, bakit hindi ka pa natutukog?"

Hindi niya ako narinig dahil may nakasaksak na namang earphones sa tenga niya.

Okay? Mayabang na masungit pa.

Nilagpasan lang niya ako at sinabing "Hindi kasi ako makatulog sa kakaisip kung anong ipapagawa ko sayo sa buong araw, once na matalo ka na."

Kunwari pang hindi ako pinansin pero narinig naman pala niya. Nag make face na lang ako sa kanya.

Masyadong siyang assume-ing! Ang yabang! Kakainin niya din lahat ng sinabi niya.

**

The next day.

Hindi kami naguusap niya Ryu dahil busy pa din ako sa pagrereview. Habang siya? Parang hindi exam, nagagawa pa niyang maglaro sa phone niya ilang minutes bago dumating si Don.

Nakakaasar na talaga!

Pagka abot na pagka abot pa lang ng test paper sa kamay ko ay agad ko ng sinagutan. Walang time na dapat aksayahin.

Nakikita ko pa lang 'yung mga tanong eh confident na ako sa sarili ko na nasa akin ang huling halakhak.

"Hahaha!!" malakas kong tawa sa isip ko.

Natapos na ko na yung exam before pa tumunog yung timer ni Don. Ipapakita ko sana kay Ryu na nauna akong natapos sa kanya pero wala na akong Ryu na nakita sa upuan niya.

"Kanina pa nakapag pasa ng test papers si Mr. Ueda, ipasa mo na yan Ms. Nakahara! Ikaw na lang ang hinihintay ko."

Nag enjoy yata ako sa pagsagot ng papers kaya naman di ko namalayan na ako na lang pala ang nasa loob.

Lumapit ako sa desk ni Don habang nakataray sa kanya.

"Eto na sir!" padabog kong ipinasa sa kanya yung paper ko na medyo nalukot pa.

Wala ako sa mood na lumabas ng room, nakita ko si Rika at Naomi na naghihintay sa labas.

"Tara, pasyal muna tayo saglit si ice cream parlor na bagong open lang sa kabilang street?"

Sa word pa lang na ice cream ay hindi na ako tumangi pa.

"Let's go! Hindi na dapat pinagiisipan ang mga ganyang tanong."

Naglalakad kami ni Rika at Naomi habang pinaguusapan yung mga naging sagot namin sa exam kanina.

"Sabi ko na nga ba 'yun yung sagot eh!"

"Ikaw kasi di ka nakikinig sa tinuro kong formula sayo kaya, ayan! Sayang ang one point!" nagtatalo na naman si Rika at Naomi.

Napapailing na lang ako habang pinanunuod ko sila.

Hindi namin napansin ang oras at nakarating na kami sa harap mismo ng ice cream parlor na kinukwento nila palagi.

Para akong nasa langit ng makapasok ako sa loob.

"Wow" sabay sabay naming sabi. Lahat ng bagay dito sa loob ay puro pink.

Tables, curtains, flower vases.. Lahat color pink. Type na type ko yung motif nila kaya naman feeling ko mag eenjoy ako dito.

She's On Duty ♠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon