Chapter 29

175 7 2
                                    

Chapter 29

Kumuha ako ng upuan at naupo. Nagtinginan naman silang dalawa.

"Hindi po ako masamang tao kaya humihingi ako ng sorry sa nagawa ko sa inyong dalawa."

"Teka lang miss bago ka magsalita inuulit ko lang sayo na wala kang mapapala saming dalawa. Mga bayaran lang kami kaya kung ano mang impormasyon ang kailangan niyo ay hindi namin 'yon mabibigay." sabi ng isa sa kanila.

Matipid lang akong ngumiti sa kanila.

"Yung taong nag utos sa inyo na puntahan ako sa bahay siya yung taong pumatay sa Dad ko. Hindi ko gustong ikulong kayong dalawa diyan sa loob pero ito lang yung alam naming way para malaman kung sino siya, kaya sana matulungan niyo ako."

Medyo nag iba na ang expression ng mga mukha nila. Alam ko namang napipilitan lang silang gumawa ng masama. Nagtinginan muna silang dalawa, mukhang nagiisip pa sila kung magsasalita ba sila o hindi.

"Yung taong hinahanap mo, hindi namin siya kilala. Ginagamit lang niya si max para makipagusap sa aming dalawa. Pero ni minsan hindi pa namin siya nakita." nabuhayan ako bigla sa sinabi nila.

"Max?" Kung hindi ako nagkakamali, narinig ko yung pangalang max nung mga oras na nasa bahay ako ni Mr. Perez.

"Oo si max. Sa pagkaka alam namin siya yung kanang kamay ni Red. Bawat utos ni Red siya ang nagsasabi samin."

"May idea ba kayo kung sino ang pumatay sa dalawang business partners ng empire?" Napailing lang silang dalawa.

"Hindi kami ang gumawa 'nun. Ang kwento sa amin ni max, si Red mismo ang gumagawa." kinilabutan ako sa sinabi nila.

"Si max, may idea ba kayo kung nasaan siya?"

"Alam namin kung saan siya palagi tumatambay, pero hindi kami sigurado kung nadoon siya ngayon." napaisip muna silang dalawa bago muling nagsalita.

"Sa casino, The black bullet ang pangalan ng casino na paboritong puntahan ni Max."

The black bullet? Ngayon na may clue na ko kung sino si max kailangan ko siyang hanapin.

"Maraming salamat sa inyong dalawa." Paalis na sana ako nang may maalala ako bigla.

"Ako nang bahala sa inyong dalawa basta ba ipapangako niyo sakin na hindi na kayo gagawa ng masama? Handa kaming tumulong sa pagbabagong buhay niyo pero sana kayo din, tulungan niyo ang mga sarili niyo."

Nagmamadali akong lumabas. Nakita ko si Mr. Ueda at Don.

"Kamusta?" tanong ni Don.

"The black bullet, doon natin makikita si Max yung kanang kamay niya."

Nagmamadali akong sumakay sa kotse ni Don. Habang silang dalawa naman ni Mr. Ueda ay nagtataka pa pagmamadali ko.

"Bago ko makalimutan, gusto kong malaman kung sinong may ari ng lugar na 'yon." utos ko sa kanila. Nagmadali namang kumilos si Don at Mr. Ueda.

Pinuntahan na namin yung lugar habang si Mr. Ueda naman ang kumukuha ng impormasyon tungkol sa lugar na 'yon.

"Sigurado ka bang ito na yung lugar?" Nandito na kami ngayon sa labas ng the black bullet. Sa itsura pa lang ng lugar na 'to mukhang hindi allowed pumasok ang mga tulad kong underage.

"Dito daw laging tumatambay yung max."

"Pano ka nakakasigurado na tama yung lugar? Baka mamaya may binabalak lang silang masama sayo." angal ni Don.

She's On Duty ♠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon