"Su. ah no, Hana! So pwede ka na naming tawaging Hana?""Hana is fine."
Hindi na ako natatakot na malaman ng lahat, alam na ng kaaway kung sino ako kaya wala ng dapat pang itago.
I will miss Su Nakahara.
"Okay ka lang ba?" nagulat ako ng biglang ipinatong ni Ryu ang isa niyang kamay sa ulo ko.
Palibhasa mas matangkad siya sa akin kaya ginawa niyang patungan yung ulo ko.
Napatingin ako ng masama sa kanya."Okay ako kaso lang ang bigat ng kamay mo."
Hindi pa siya nakuntento sa ginawa niya at ginulo pa yung buhok ko.
"Ryu!!" sigaw ko sa kanya.
Nagtakip siya ng tenga dahil sa lakas ng pagkakasigaw ko.
Tinawanan lang nila akong dalawa.
"Hahahah!!"
"Okay ka na, naiinis ka na ulit." ngumiti lang si Ryu habang nakatingin sakin.
Heto na naman po siya, nakikita ko na naman yung ngiti niyang nakakatunaw.
Umiwas ako ng tingin at hindi na lang nagsalita. Nag blu-blush na naman yung mga pisngi ko.
"Ano ba 'yan, nakakaingit naman." angal ni Mia.
Nawawala talaga ako sa concentration ko kapag tinititigan niya ako.
Tapos na yung Break time kaya naglakad na kami pabalik ng room.
Parang nag iba naman yung aura ng mga classmates ko. Gumaan yung feeling ko dahil yung iba na dating hindi nakikipag usap sa iba e nakikita ko nang nakikipagbiruan sa iba pa naming classmates.
***
Pagkatapos ng klase, nag ayos na agad ako ng gamit at tumayo na para umalis.
"Hana!" tawag ng kung sino.
Anong meron? Bakit lahat sila ay nakatingin sakin.
May dumi ba sa mukha ko? Aawayin na ba nila ako dahil sa ginawa ko? Magagalit na ba sila sakin dahil hindi ko sinabi kung sino ako?
Sabay sabay silang nag bow sa akin. "What's wrong?" pagtataka ko.
"Thank you Master, dahil sayo magiging maganda na ngayon ang high school life namin." sabi ni president.
I smiled. My heart is jumping with joy right now. Naiiyak ako but i just bowed to them too to hide my tears.
"Thank you for trusting my whole family the entire time. It's our honor." sagot ko sa kanila.
"Kaya naman pala kakaiba ka sa lahat, ikaw na pala si Hana Hibari." dagdag pa ni Nico.
"So kilala niyo pala ako." nagsitanguan silang lahat, pati na din si Rika at Naomi.
"We heard the story from our parents. Your clan is very brave. You guys united all the gangsters to be as one. To be a family to each other and make good things for the society that once hated us. Dahil sa inyo ang bad image na meron ang mga gangster before has changed. We can live a normal life. Other people treat us fair and not fear us anymore. Kaya we are so grateful to your clan for everything right now."
My tears of joy started to fall already.
"Don't worry Master, nandito lang kami to support you all the way." dagdag pa ni Rika.
BINABASA MO ANG
She's On Duty ♠
Mystery / ThrillerSu Nakahara is Hana Hibari. Ang only daughter ng dating CEO ng empire group. A seventeen year old girl na high school student. Mysterious but friendly and always on the go. But don't underestimate this girl. She is on her duty to solve the case of...