Chapter 26

195 9 7
                                    

A/N: Pasensya na po sa mga typos ko, hihihi ^^ i will make some time para ma edit ko po siya. Anyways, thank you so much po sa pagread and vote ng SOD ^_^

**

Chapter 26

Dahil sa pagpapaulan ko kagabi, hindi nakayanan ng katawan ko ang sakit ng ulo na sinabayan pa ng sipon.

Tinawagan ko si Don. "Hindi muna ako papasok ngayon, medyo masama kasi yung pakiramdam ko.. Achoo!~" sabi ko habang nakatingin sa thermometer, thirty eight so may sinat ako.

Nahiga na lang ako sa kama at nakatingin lang ako sa kisame.

Alam kong masama mag assume ng mga bagay na nakikita lang natin nang hindi man lang inaalam kung ano talagang nangyari, pero iba ang sitwasyon na nangyari kagabi.

Sa naging reaksyon pa lang ni Ryu nang makita niya ako alam ko na na may tinatago siya mula sakin. Hindi ko alam kung dala lang 'to ng sakit ng ulo ko at sipon dahil parang nararamdaman ko ang pagtulo ng luha ko.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Sana mali ako nang iniisip sa kanilang dalawa ni Mitch.

Malapit ng mag lunch pero nakahiga pa din ako sa kama. Tinatamad akong tumayo dahil wala din naman akong ganang kumain ngayon.

Chineck ko yung phone ko na naka silent. Ang daming missed calls at messages. Napatigil ako ng makita ko ang name ni Ryu.

Tinatawagan niya ko? Bakit?

Nakatitig lang ako sa screen ko habang tinitignan ang name niya. Medyo weird ang feeling dahil medyo masaya ako dahil naalala niya ako pero medyo malungkot dahil at the back of my mind baka gusto niya lang magexplain tungkol sa nangyari kagabi.

Napabuntong hininga na lang ako. Masyado akong nag iisip ng kung ano anong bagay. Nag send na lang ako ng message kayla Rika, Naomi at Rika na okay lang ako.

Nag return call na lang ako kay Mia.
"Napano ka?" tanong niya agad sakin.

"Naabutan kasi ako ng ulan kagabi kaya heto grabe ang sipon ko ngayon." Medyo ngo-ngo na ako magsalita.

"'Yon lang ba talaga ang reason? Sa tono ng boses mo ngayon mukhang malungkot ka." napatigil ako sa tanong ni Mia. Nababasa na naman ba niya ako.

"Oo naman, pakisabi nga pala na kailangan ulit nating mag meeting bukas." sabi ko na lang. Iniba ko na yung tono ng boses ko para hindi na siya mag alala pa.

"Okay sige, sabi mo 'yan. See you."

Pagkatapos namin mag usap nakaramdam na ako ng gutom kaya naman pinilit kong bumangon. Napapahinto ako sa pag kilos everytime na kikirot sa sakit ang ulo ko.

Ang sakit talaga!

Papunta pa lang ako sa kitchen ng biglang may mag doorbell. Huh?

Papalapit pa lang ako ng pinto pero napatigil ako bigla ng may maramdaman akong kakaiba.

"Sigurado ka bang walang tao sa loob?" sabi ng kung sino sa labas.

Bigla akong kinabahan, pamilyar ang mga boses nila.Anong ginagawa nila dito?

Kinapa ko ang bulsa ko, Patay! Naiwan ko sa taas yung phone ko.

"Tanga! Edi sana kung merong tao kanina pa niya binuksan yung pinto!" galit na sigaw ng isa.

"Ikaw ang tanga! Bakit mo pa kailangang mag doorbell kung pwede naman nating sirain 'tong pinto."

Sh*t!

Ma-ingat akong naglakad pabalik sa kwarto ko sa itaas. Ni-lock ko yung pinto at dinial yung number ni Don.

"Su, kamusta? Okay ka na ba?"

"Don, nandito sila ngayon sa bahay." nagmamadali kong sabi.

"Wag kang lalabas ng kwarto! Papunta na ko diyan!" naputol na yung linya.

Kinakabahan ako. Wala sa kondisyon ang katawan ko para makalaban, kaya wala akong choice kundi tawagan si Don.

Wala akong ibang place na pwedeng pagtaguan kundi ang kwarto ko. Nakarinig ako ng ingay mula sa ibaba. Nakapasok na sila.

Kailangan kong protektahan ang sarili ko, dahil alam kong may masama silang binabalak.

Maya maya pa, wala na akong ingay na naririnig. Pinapakiramdaman ko ang paligid. Nasaan na sila?

Nagulat na lang ako ng marinig kong may mga footsteps na papalapit sa kwarto ko. Tumigil ang mga iyon at nakita ko na gumagalaw yung door knob.

Papasok kaya sila sa loob?

"Hoy! Anong ginagawa mo?!"

"Papasukin ko 'to bakit?"

"Tanga mo talaga! ang sabi ni max -" Binuksan ko yung pinto at sinalubong sila, chance ko na para kumilos.

Dalawa lang pala silang nandito. Halata namang nagulat sila na makita ako kaya naman bago pa sila kumilos ay inunahan ko na sila.

Mabilis kong sinipa yung lalaking nasa harap lang ng pinto, natumba siya sa sakit at sinunod ko na agad yung isa pa niyang kasama na nagtangka pang tumakbo.

Pareho na silang namimilipit sa sakit ngayon. "Sino kayo!?" Ako na lang pala ang nakatayo.

Susubukan sana ng isa sa kanila na humugot ng baril pero mabilis kong nasipa ang mga kamay niya at tumilapon sa malayo ang baril.

Nakakatakot ang mga lalaking 'to. Bago pa sila muling makabangon binigyan ko na sila ng isa pang sakit sa katawan kaya nawalan na sila ng malay.

Nakaramdam na ako ng hilo kaya napansandal na lang ako sa gilid ng pinto.

Narinig kong may phone na nag-ri-ring. Kinuha ko 'yon sa bulsa ng isa sa kanila at tinignan ko kung sinong tumatawag.

Red.

Sinagot ko yung tawag at tahimik lang akong nakinig."Ano nang balita sa pinapagawa ko sa inyo?"

Hindi ako sumasagot, siya na kaya yung taong nasa likod ng mga 'to? Siya na kaya yung taong hinahanap ko? "Tulog na sila kaya di ka na nila masasagot. Hindi mo naman sinabi na ganito ka pala kadumi mag laro."

Nakarinig lang ako ng isang mahinang tawa.

"Ikaw na ba yan Hana? Kamusta ka na? Alam mo bang kating kati na ko na makita ka?" medyo kinilabutan ako sa mga naririnig ko mula sa kanya.

Pero hindi ako dapat magpadala sa kanya. "Mabuti naman ako, Heto nga at buhay na buhay pa din. Ako din, gustong gusto na kitang makita." sinakyan ko na lang siya.

"Nag uumpisa pa lang ako Hana. Dont worry magkikita din tayong dalawa, pero hindi muna ngayon. Nag eenjoy pa kasi ako sa laro nating dalawa. Matagal na kitang hinihintay Hana." tumawa siya at pinutol na ang linya.

Napakagat na lang ako sa labi ko sa mga naririnig ko mula sa kanya. Nanginginig din ang mga kamay ko sa sobrang galit. Sinusubukan niya talaga ako.

Dumating na si Don na mukhang pagod na pagod. "Hana!" niyakap ako bigla ni Don nang makita niya ako.

Napansin ko naman na may iba pa pala siyang kasama. Si Ryu at si Mia na naguguluhan sa nadatnan nila.

Napayakap na lang din ako ng mahigpit kay Don. "Ayos ka lang ba? May ginawa ba silang masama sayo?" umiling na lang ako.

Hindi ko magawang makapagsalita dahil sa nangyari. Paulit ulit kong naririnig sa isip ko ang pagtawa niya. Ang pagtawa ni Red.

Unti unti ko na lang naramdaman na tumutulo na ang nga luha ko.

"Gusto ko ng magpahinga Don." unti unti ng nag black out ang paningin ko.

Naramdaman ko na lang ang pagsalo sakin ni Don at ang pagtawag ni Ryu at Mia sa pangalan ko.

Dad, narinig ko na nag boses ng taong pumatay sayo. Boses na hinding hindi ko makakalimutan.

END OF CHAPTER.

She's On Duty ♠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon