Chapter 31
Habang pabalik ako sa gym kung nasaan ang section namin nakita ko na naman sila Mitch at Ryu na magkasama. I rolled my eyes, and syempre dedma na lang ulit.
Nagtatawanan at nagbibiruan sila. Bakit naman sa lahat ng pwede kong makita ay silang dalawa pa?
Nag ibang way na lang ako para makaiwas sa kanila.
Next game ay ang women's volleyball. Nagreready na ang buong team namin.
"Let's go team!" tumingin ako sa paligid. Okay! Wala sila dito kaya magiging komportabel ako sa kilos ko.
Kasali ako sa starting player's kaya naman excited na ako. Konti lang ang tao dito sa loob ng gym, ang buong section namin at ang kabilang section.
"Prrt!!!"Nagstart na yung game.
Bawat punta ng bola sa side namin ay mabilis naming naibabalik. Usual rally game lang, kapag napunta sa side namin ibabalik namin sa kanila.
After thirty minutes ng rally, nakuha ng team namin ang unang set.
"Time out!" Habang nagpapahinga kami nakita ko si Ryu at si Mitch na kagagaling lang kung saan.
Wala na ba silang balak na maghiwalay? Nanadya ba silang laging magpakita sa akin? Nakakinis.
"Let's go team!" Nagayos muna ako ng ponytail ko at ng shirt ko na basang basa na ng pawis. Lalo yatang uminit yung pakiramdam ko dahil sa kumukulo ang dugo ko sa presence nilang dalawa.
Next game set na.
Sa sobrang inis ko hindi ko na namamalayan na sobrang malakas na pala ang palo ko sa bola, kaya ayun! nasalo naman nila pero natumba 'yung nakasalo kaya hindi na naibalik.
Halos lahat sila sa kabilang side ay iniwasan ang pagtira ko ng bola.Napatingin lang silang lahat sa ginawa ko.
Dedma lang, sorry kung sa kanya ko nabuhos yung inis ko.
Wala ako sa mood ngayon dahil hindi ko gusto na nandito lang sila sa paligid ko."Su! Relax lang!" sigaw ng kung sino.
Mula sa side ng court nakita ko si Nico.
"Go Su!" sabay na sabay na cheer ng mga classmates ko. Pumikit ako at huminga ng malalim bago ako ngumiti sa kanila.
Titirahin ko pa lang yung bola pero wala ng tao sa kabilang side ng court, lahat umiiwas. Kaya sinadya ko na lang na hindi paabutin sa kabila yung bola at hinaan 'yung pagtira. Sorry kung natakot ko sila.
Ayoko din namang matapos na lang yung game ng basta basta.
Salamat sa mga classmates ko dahil bigla akong natauhan. Dapat naka focus lang ako at hindi na pinapansin ang mga bagay na hindi naman related.
BINABASA MO ANG
She's On Duty ♠
Mystery / ThrillerSu Nakahara is Hana Hibari. Ang only daughter ng dating CEO ng empire group. A seventeen year old girl na high school student. Mysterious but friendly and always on the go. But don't underestimate this girl. She is on her duty to solve the case of...