Chapter VI

4.7K 970 71
                                    

Chapter VI: Telling them the Truth

Sa kabuoan, humigit-kumulang na limampung katao ang naroroon kasama na ang pamunuan ng Azure Wood Family, Golden Lion Family at Craftsman Alliance. Nginitian ni Finn ang mga nadadaanan nila ni Meiyin, hindi siya huminto sa paghakbang para kausapin ang mga kakilala niya. Bago ang lahat, gusto niya munang ipaalam sa mga ito ang dapat nilang malaman, at kakausapin niya lang ang mga gustong kausapin siya sa oras na masabi niya na ang lahat ng kailangan niyang sabihin.

Habang si Finn ay papalapit, agad na kumilos si Creed. Sinenyasan niya ang mga tumutugtog at sumasayaw sa entablado. Narito lang sila para magbigay-aliw sa mga panauhin, at hindi sila kasali sa magaganap na pagpupulong kaya kailangan nilang umalis.

Ang lahat ng kasali sa pagpupulong ay ang mga pinagkakatiwalaan at mapagkakatiwalaan lang ng Craftsman Alliance, iniiwasan nilang imbitahan ang mga nilalang na hindi mapagkakatiwalaaan.

Nang makaalis ang mga tumutugtog at mananayaw, dere-deretsong nagtungo si Finn sa entablado upang harapin ang lahat ng panauhin habang si Meiyin ay nagtungo sa kinaroroonan ng kanyang ama.

Tumigil na rin sina Olivia, Altair at Yuros sa paggagala at nagtungo na rin sila sa kinaroroonan nina Creed habang si Neleos ay sa kinaroroonan ng pamunuan ng Craftsman Alliance nagpunta.

Nang marating ni Finn ang entablado, pinasadahan niya ng tingin ang mga panauhing naroroon sa bulwagan. Hindi pa rin nawawala ang ngiti niya sa kanyang labi habang inaalala ang mga karanasan niya kasama ang mga ito.

Naalala niya kung paano siya tulungan noon ni Kiden sa Sacred Dragon Institute. Binigyan siya nito ng mapa, binigyan din siya nito ng paraan para mailigtas niya ang kanyang angkan mula sa pagkawasak. Ipinasok siya nito sa Cloud Soaring Sect, at doon niya nakilala sina Marcus at Noah na tumulong din sa kanya sa kasagsagan ng digmaan sa pagitan ng Azure Wood Family at Golden Lion Family laban sa Nine Ice Family at Ice Feather Sect.

Nakita niya rin si Cleo roon, at naalala niya ang pagpigil nito sa kanya at kay Sheeha noong naglalaban sila sa teritoryo ng Nine Ice Family. Malaki rin ang utang na loob ni Finn kay Cleo dahil noong nanggugulo si Alisaia sa kanilang teritoryo, buong tapang itong sumugod para tumulong.

Habang pinagmamasdan din si Cleo, mayroon siyang naalala tungkol sa pakiusap nito sa kanya. Ilang lugar na ang kanyang napupuntahan, ngunit wala pa ring bakas ni Tiffanya siyang nakikita. Nakiusap sa kanya noon si Cleo bago siya umalis sa Ancestral Continent na kapag nakita niya si Tiffanya, sabihin niya sa dalaga na hinahanap siya ni Cleo, subalit hanggang ngayon ay wala pa ring ideya si Finn kung nasaan si Tiffanya.

Napabaling din si Finn sa mga kilala niyang pinuno ng bawat faction sa Sacred Dragon Kingdom. Sinulyapan niya rin sina Nicolas, Helbram, Shue at Eliseo. Sila ang nakatulong niya sa nangyaring digmaan sa pagitan ng Crimson Blood Kingdom at Sacred Dragon Kingdom ganoon din sa digmaan sa pagitan ng Adventurer's Guild at Ancestral Family.

Marami pa siyang inaalalang pangyayari kasama ang mga panauhing kilala niya. Mayroon din siyang nakikitang hindi pamilyar na mukha kagaya ng lalaking may pulang buhok sa tabi ni Noah, subalit nginitian niya na lang ito dahil mayroon siyang naaalala noong makita niya ito.

Matapos ang sandaling katahimikan, huminga ng malalim si Finn at nagsimulang magsalita, “Pagbati, at pasasalamat para sa pagpapaunlak n'yo ng aking imbitasyon para sa pagpupulong na ito. Ikinagagalak ko na tinugunan ninyo ang aking pagtawag.”

Ngumiti si Finn ng matamis at nagpatuloy sa pagsasalita, “Ilang taon na rin ang nakalipas mula nang huli tayong magkita-kita, masaya akong makita na buhay pa kayong lahat, at ang bawat isa sa inyo ay mas naging malakas pa.”

“Masaya rin kaming makita kang muli, Finn Doria. Bawat isa sa amin ay natutuwa sa iyong pagbabalik kaya agad kaming nagtungo rito sa pinakamabilis na paraan matapos naming makuha ang iyong imbitasyon,” nakangiting tugon ni Shue.

Legend of Divine God [Vol 11: Order of the Holy Light]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon