Chapter XIX

5K 1K 90
                                    

Chapter XIX: New Ranks and Plans

Binasag na rin ni Finn ang barrier na nakapalibot sa Air Ship. Bumagsak sa mga kamay niya ang munti nitong bersyon, at habang nasa palad niya ito, personal niyang pinagmasdan at sinuri ang kabuoan ng air ship. Namangha siya sa detalye nito. Isa itong napaka-unlad na sasakyang pangkalawakan, subalit hindi lang ito para sa transportasyon dahil malinaw sa mga matataas na uri ng magic cannon nito na isa rin itong magandang sasakyang pandigma.

Makaraan ang ilang segundong pagsuri, sinubukan ni Finn na ilagay sa kanyang katawan ang Air Ship. Bumuo siya ng koneksyon dito. Kinontrol niya ito kagaya ng pagkontrol niya sa Myriad World Mirror ay God-eater Sword sa tuwing ibinabalik niya ang mga ito sa kanyang katawan.

Mas lalo pang lumiit ang Air Ship na halos kasing laki na lang ito ng kuko sa hintuturo ni Finn. Lumipad-lipad ito bago tuluyang lumapag sa kanyang kanan na pupulsuhan.

Nakikita na ngayon ni Finn ang imahe ng Air Ship sa kanyang kanang pupulsuhan. Napangiti siya nang mapagtantong kasalukuyang may tatlong divine artifact sa kanyang katawan. Kumpyansa rin siya na hangga't hindi niya inihihiwalay sa kanyang katawan ang Myriad World Mirror, Air Ship at God-eater Sword, hindi malalaman ng iba na nagmamay-ari siya ng mga divine artifact. Ngayon, kailangan niyang magdoble ingat kung kailan niya gagamitin ang mga divine artifact. Dapat ay walang makakakita sa kanya sa tuwing bubuksan niya ang Myriad World Mirror habang gagamitin niya lang ang God-eater Sword bilang huling alas na magliligtas sa kanyang buhay sa bingit ng kamatayan.

Tungkol sa Air Ship, malabong magamit niya ito ngayon. Madaling malalaman ng iba na isa itong divine artifact kaya hindi muna ito gagamitin ni Finn hanggang wala siyang kakayahan na protektahan ito. Isa pa, maaari siyang gumamit ng pangkaraniwang air ship sa paglalakbay kaya hindi niya na kailangang ilabas kaagad ang Air Ship na pag-aari niya.

Nang mapansin ni Eon na wala nang ginagawa si Finn, lumapit siya rito at tumabi. Hindi siya nag-alinlangang at agad siyang nagtanong sa kanyang master.

“Ano na'ng plano mo, Master? Magpapatuloy ka na ba sa iyong pagsasanay?” Tanong ni Eon.

Lumapit na rin sina Migassa at Poll. Maging si Firuzeh na kanina pa abala sa paghanga sa Heavenly Divine Cauldron ay lumapit na rin kay Finn. Interesado silang marinig ang plano ni Finn sa ngayon. Nag-uumapaw na siya sa kayamanan. Maaari na siyang magpataas ng antas kailan niya man gustuhin sa tulong ng mga kayamanan na naririto.

“Oo, magsasanay pa rin ako. Hindi ko maaaring isantabi ito sa ngayon dahil hangga't maaari, kailangan na nating marating ang divine realm sa lalong madaling panahon. Kailangan ko nang maipamilyar ang sarili ko sa mundong iyon dahil ang mundong iyon ay punong-puno ng mga eksperto at malalakas na nilalang,” sabi ni Finn. “Kung magkakaroon ako ng sapat na kaalaman, mas mapapadali ang pagkuha ko sa isa sa labing dalawang trono ng mga emperador at imperatris,” dagdag niya pa.

Bukod sa pagpunta sa Ancient Phoenix Shrine para bawiin si Ashe, kailangan niya pang maabot ang antas na Heavenly Supreme Rank para maging kwalipikado na makatapak sa divine realm. Ito ang pinakamababang antas na kailangan niya upang masigurado niya ang kanyang seguridad sa divine realm.

Sa pagkakaalam niya, nagkalat ang mga Supreme Rank at Heavenly Supreme Rank sa divine realm. Marami rin ang adventurer at nilalang na mataas ang ranggo kaysa sa Heavenly Supreme Rank. Mapanganib ang divine realm dahil kasalukuyang nag-aagawan ng mga teritoryo ang bawat puwersa roon.

“Tama, mas mabuti kung handa ka sa pagpunta mo roon, Finn. Kahit na maaari ka na namang magtungo roon sa kasalukuyang antas mo, hindi ko pa rin iyon inirerekomenda dahil kung pupunta ka sa divine realm bilang Chaos Rank, sa iyong estado bilang isa sa makapangyarihang celestial, siguradong pupuntiryahin ka ng mga kalaban ng inyong lahi. Hindi natin sigurado kung kukupkupin ka o papansinin ka ng Celestial Clan sa kasalukuyan mong antas at ranggo kaya mas mabuti na ang nakasisigurado,” paglalahad ni Firuzeh. “Hangga't maaari, ang inirerekomenda ko sana ay mapag-aralan mo ng mabuti ang iyong kapangyarihan bago ka magtungo roon. Alisin mo muna ang selyo ng iyong kapangyarihan bilang celestial at pag-aralan mo muna ang bawat isa sa iyong natatanging skill. Kailangan mo ring maging eksperto sa paggamit ng Celestial Wrath upang sa ka-orasan ay hindi ka malagay sa alanganin.”

Legend of Divine God [Vol 11: Order of the Holy Light]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon