Chapter LI

4.3K 1K 128
                                    

Chapter LI: The Arrival

Hindi makapagsalita si Finn dahil sa kakaibang pagbibigay-galang ng mga Holy Knight sa kanya. Napatitig siya sa medalyong hawak niya, at hindi niya mapigilang maisip kung ano ang sinisimbolo ng medalyong ito. Maaari namang sumaludo o bumati ang mga Holy Knight sa kanya, subalit agad-agad na yumukod ang mga ito matapos nilang makita ang medalyon na ibinigay sa kanya ni Auberon. Sa pagkilos ng mga Holy Knight, nakasisiguro siya na ang awtoridad ng medalyon na ito ay hindi pangkaraniwan lamang.

“Ano ang medalyon na ito para mapayukod sila nang hindi naman kinakailangan..?” Hindi mapigilang maitanong ni Finn sa kanyang sarili.

“Bigyang pahintulot na tumugon. Sa kautusan ni Pinunong Auberon, ang nagmamay-ari sa medalyong iyan ay bibigyan ng sukdulang paggalang. Ang humahawak sa medalyon na hawak mo sa kasalukuyan ay kailangang sundin ninoman, Holy Knight man, Light Guard man o pangunahing miyembro ng Order of the Holy Light na may mababang posisyon,” tugon ng isa sa pitong Holy Knight na siya ring may pinakamataas na antas.

Ang pitong Holy Knight ay pare-parehong nasa Heavenly Chaos Rank, at ang nagsalita kanina lamang ay nasa 8th Level Heavenly Chaos Rank.

“Salamat sa impormasyon...” hindi maituloy ni Finn ang kanyang sasabihin dahil nag-aalinlangan siya. Hindi niya kilala ang nagsalita kaya hinintay niya itong magpakilala.

“Yego. Ako si Yego, ang lider ng mga Holy Knight na nagbabantay sa Ancient Phoenix Shrine at sa teleportation array dito,” pagpapakilala ni Yego.

“Ikinagagalak kitang makilala, Yego, at sa inyo ring anim,” nakangiting pagbati ni Finn sa pito. “Ako si Finn Doria, maikokonsidera bilang panauhin ni Auberon. Ang medalyon na ito ay galing sa kanya, at ayon sa kanya, kailangan ko lang ipakita ito sa inyo kapag kailangan ko ng tulong tungkol sa Ancient Phoenix Shrine,” paglalahad niya.

“Pero, bago iyon, maaari bang tumayo muna kayong pito para makapag-usap tayo nang maayos? Kailangan ko ang tulong n'yo sa isang simpleng bagay, at hindi ko na kayo aabalahin pa dahil kapag nakuha ko na ang kailangan ko, aalis din ako agad,” dagdag niya pa nang makita niyang hindi pa rin tumatayo si Yego at ang kanyang mga kasama.

Subalit, matapos niyang sabihin ang mga salitang ito, agad na sumunod ang pito at matuwid na tumayo. Hindi sila umalis sa kanilang puwesto, at hindi rin sila tumitingin ng deretso kay Finn.

“Ano iyon, kagalang-galang na ginoo? Sabihin mo lang, at tutulungan ka namin sa iyong kailangan sa Ancient Phoenix Shrine,” pahayag ni Yego.

Naging seryoso ang ekspresyon ni Finn. Tiningnan niya ang pitong Holy Knight at sinabing, “Gusto kong marating ang kinaroroonan ni Alisaia Seranim. Ituro n'yo sa akin ang kailangan kong puntahan, at mas maganda kung mayroon kayong maibibigay sa akin na mapa.”

“Nais kong marating ang kinaroroonan ni Alisaia Seranim dahil mayroong akong personal na kailangan sa kanya,” aniya at hindi niya napigilan ang panlalamig ng kanyang boses at ekspresyon.

Siyempre, naramdaman ng pito ang pagbabago sa tono ng pananalita ni Finn. Nagkaroon sila ng ideya kung ano ang dahilan nito, at malinaw sa kanila na hindi maganda ang intensyon nito sa pagpunta sa Ancient Phoenix Shrine.

Ganoon man, wala silang pakialam doon dahil sa mga ganitong sitwasyon, labas na sila roon. Hawak ni Finn ang medalyon na mayroong pinakamataas na awtoridad kaya anomang gawin nito sa Ancient Phoenix Shrine, hindi sila makikialam. Ipinadala lang sila rito upang magbantay, at hindi na sakop ng kanilang responsibilidad ang makialam sa mga ganitong sitwasyon.

“Mayroon kaming mapa, subalit ang suhestyon ko para mas mabilis ninyong marating ang kinaroroonan ng teritoryo ni Alisaia Seranim ay ang hayaan ako na gabayan ka papunta roon. Kung iyong hahayaan, sasamahan kita sa pagpunta sa kinaroroonan ni Alisaia Seranim,” suhestyon ni Yego.

Legend of Divine God [Vol 11: Order of the Holy Light]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon