Chapter LXVI

3.9K 909 86
                                    

Chapter LXVI: They are Coming Out

Nakarating kaagad si Finn hindi kalayuan sa pinagtatayuan ng Tower of Ascension. Nasaksihan niya ang pagdagsa paglabas ng napakaraming adventurer. Nakaramdam siya nang matinding tuwa matapos niyang maramdaman ang aura ng mga lumalabas sa tore. Marami ring pamilyar na mukha siyang nakikita, at kung noon ay mahihina pa ang mga ito, karamihan dito ngayon ay malalakas na at ang iba pa ay Nasa Heavenly Chaos Rank na. Sa loob lamang ng ilang taon, ang kanilang lakas mula sa mababang ranggo ay umabot na sa Heavenly Emperor Rank, Chaos Rank, at Heavenly Chaos Rank.

At hindi lang basta iilan ang mga ito, marami sa mga ito ang nakaabot sa Chaos Rank at Heavenly Chaos Rank. Sa kasalukuyan, marahil napakalayo pa ng kabuoang lakas ng New Order sa Order of the Holy Light, subalit kung ipagpapatuloy ng bawat miyembro ang kanilang pagsasanay, magagawa na rin nilang makapantay sa lakas ng mga puwersang namumuno sa upper realm.

Nakasunod sina Yopoper at Yagar kay Finn. Namangha rin sila sa bagong lakas ng mga miyembro ng New Order. Nahigitan na sila ng marami. Napag-iiwanan na sila, subalit sa halip na mainggit ay naging inspirado pa sila para magpalakas. Nagsilbi nilang motibasyon ang paglakas ng kanilang mga kasamahan. Masaya rin sila dahil ang puwersa na kanilang kinabibilangan ay ganito na kaagad kalakas sa loob lamang ng maikling panahon. Kung bibigyan pa sila ng mahabang panahon, siguradong abot-kamay na nila ang tuktok.

“Ito ang kalamangan na mayroon tayo na wala sa iba. Dahil kay Panginoong Finn, napakarami nating kalamangan sa pagpapataas ng antas at ranggo. Marami pa tayong kamangha-manghang kasapi. Mga misteryoso na ang kabuoang lakas ay misteryo pa rin,” pabulong na sambit ni Yopoper.

“Ang lahat ng ito ay dahil si Panginoong Finn Doria ay isang totoo at lubos na pinuno. Siya ang hari sa mga hari kaya maging tayong mga kasamahan niya ay buhat-buhat niya patungo sa tagumpay. Dahil sa kanyang pamumuno, maging tayo ay hindi na rin pangkaraniwan, lider,” komento ni Yagar.

Sumang-ayon si Yopoper sa komento ni Yagar. Pinagmasdan nila ang likod ng kanilang panginoon. Pareho nilang hindi mapigilan na mapangiti at manlambot habang iniimahe sa kanilang isipan ang maaari pang mangyari sa hinaharap sa ilalim ng pamumuno ni Finn sa New Order.

Noong nasa Crimson Lotus Realm pa lamang sila, ganito rin ang pangarap nina Yopoper at Yagar para sa Bloody Puppeteers. Sinusunod nila ang pangarap ng nagtaguyod sa kanilang grupong pinamumunuan--ang pangarap na maging pinakamalakas na grupo ng soul puppet master sa mundo ng mga adventurer.

Ganoon man, hindi sila masyadong umaasa na mapagtatagumpayan nila iyon. Alam nina Yopoper at Yagar kung ano ang kanilang kapabilidad. Kulang sila sa maraming bagay para pamunuan ang Bloody Puppeteers tungo sa tagumpay. Mahina sila at kulang sa kaalaman, marahil may kakayahan ang ilan sa kanila na kumontrol ng dalawang puppet ng sabay. Ganoon man, malinaw sa kanila na hindi iyon sapat para maabot nila ang tuktok.

Nasa kalagitnaan ang estado nila sa Crimson Lotus Realm. Hindi sila ang pinakamalakas, subalit hindi rin sila mahina. Malakas sila, pero limitado ang kanilang bilang dahil ang tinatanggap lang nila ay mga adventurer na may propesyon ng pagiging soul puppet master, at hindi lang basta iyon dahil isa pang hinahanap nilang katangian ay ang pagkakaroon ng potensyal na maging hindi pangkaraniwan.

Pero, nang makilala nina Yopoper at Yagar si Finn, nagkaroon sila ng pag-asa. Mula nang makita nila itong lumaban kasama ang tatlong pambihirang soul puppet, naniniwala silang sa tulong ni Finn, may maliit na tsansa na makakamit nila ang tagumpay.

Subalit nang malaman pa nila ang lahat ng tungkol kay Finn, doon nila napagtantong dalawa na hindi lang basta maliit na tsansa na magtagumpay sila. Napakalaki ng kanilang kalamangan sa ibang puwersa, at bukod pa roon, makakapagpalakas sila nang hindi nila kinakailangang ibuwis ang kanilang buhay.

Legend of Divine God [Vol 11: Order of the Holy Light]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon