Chapter LXIX: Meeting of Order of the Holy Light (Part 2)
Paakyat pa rin sina Finn at Auberon patungo sa pinakamataas na bahagi ng kastilyo. At noong makaakyat na sila, namangha si Finn sa ganda ng buong paligid.
Napakalawak ng silid-pagpupulong ng Order of the Holy Light. Para bang hindi ito isang silid-pagpupulong dahil para itong hardin dahil sa napakagandang damo at mga halaman. Mayroon ding mga puno, at tumatagos ang sikat ng araw sa hindi pansin na barrier na pumoprotekta sa buong silid-pagpupulong.
Bukod sa napakagandang kapaligiran, ang isa pa sa napansin ni Finn ay ang mga naglalakihan at nagliliwanag na ginintuang krus na nakatarak sa lupa. Nagkalat sa kapaligiran. Humigit-kumulang na limampu ang mga krus, at mayroon itong kanya-kanyang haba, lapad, at liit. Bukod pa roon, napansin din ni Finn na sa tuktok ng ilan sa mga krus ay mayroong mga pigura. Ang karamihan ay fairy, pero mayroon din namang tao lang, beastman, planthora, at iba pang nilalang.
Nakita kaaga ni Finn mula sa kanyang kinatatayuan sina Altair, Yuros, Whang, at Yasuke dahil sinenyasan at kinawayan siya ng mga ito.
Nginitian niya ang apat, at kinawayan pabalik. Natigilan lang siya at nahiya dahil napagtanto niyang may iba pang naroroon bukod sa kanila na pinag-aaralan siya mula ulo hanggang paa. Lahat ng mga mata ay nasa kanya, at hindi siya komportable sa tinging ng iba dahil sinusukat siya ng mga ito.
Huminga siya ng malalim. Niyaya na siya ni Auberon na magpatuloy sila. Mabagal na lumipad si Auberon patungo sa mga nagliliwanag na ginintuang krus. Inilahad niya ang kanyang kamay sa krus na hindi kalayuan sa kinaroroonan ng krus ni Yuros. Tumango na lang si Finn, at tahimik na nagtungo roon upang mapabilang na rin siya sa pagpupulong
Samantala, nagtungo si Auberon sa pinakamalaking nagliliwanag na krus. Nasa pagitan siya ngayon nina Aemir at Porion. Nasa kaliwa niya si Porion habang nasa kanan niya si Aemir.
Sa kabuoan, ang bilang na nasa silid-pagpupulong bukod kay Finn ay dalawampu. Pinagmasdan ni Finn ang mga naroroon. Napansin niya na sa bawat nagliliwanag na krus, mayroong nakalagay na pangalan.
Auberon, Aemir, Porion, Zeraf, Zafar, Garion, Malora, Vanaya, Varihari, Ashiril, Zevven, Alariel, Devehra, Ploro, Esperanza, Yvan, Whang, Yasuke, Altair, at Yuros. Ito ang dalawampung pangunahing miyembro ng Order of the Holy Light na nasa silid-pagpupulong, ang pamunuan na nangangasiwa sa Holy Light Realm.
Ramdam ni Finn na ang mga ito ay talagang makakapangyarihan. Sa aura pa lang ng mga ito ay nahihirapan na siyang makipagsabayan, at ngayon, napagtanto niyang talaga ngang sina Whang, Yasuke, Altair, at Yuros ang pinakamahinang pangunahing miyembro ng Order of the Holy Light.
Halos lahat ng miyembro ay nasa Heavenly Supreme Rank, at pipito na lang ang nasa Supreme Rank kasama na roon ang apat na nakasama ni Finn sa pagsasanay.
“Nakikita kong ang lahat ng inaasahang dumating sa pagpupulong na ito ay naririto na,” panimula ni Auberon. “Bago ang lahat, nais ko munang ipakilala sa inyo ngayon din mismo ang batang panginoon, si Finn Silva. Hindi ko na kailangang pang i-detalye kung sino siya sapagkat alam kong alam n'yo na ang tungkol sa kanya,” walang emosyong sabi niya pa.
Muling napatuon ang atensyon ng mga miyembro ng Order of the Holy Light kay Finn. May mga ilan na nakangiti at para bang gustong bumati habang marami ang hindi mababakasan ng reaksyon. Mayroon ding ilan na sinulyapan lang si Finn at hindi na pinagtuunan pa ng pansin.
Makaraan ang ilang sandali, ang fairy na nagngangalang Vanaya ay nagsalita.
“Wala pa sina Oriyel, Athrand, Danyhra, at Velathari. Kung iyong mamarapatin, ako ay nagmumungkahi na maghintay pa tayo ng sapat na panahon para hintayin ang kanilang pagbabalik, Pinunong Auberon,” magalang na sabi ni Vanaya.
BINABASA MO ANG
Legend of Divine God [Vol 11: Order of the Holy Light]
FantasySynopsis Pagkatapos ng malaking rebelasyon, sa wakas ay bumalik na ang dating Finn Doria. Nagagawa niya nang maging masaya at ngumiti muli. Nag-uumapaw na ulit sa determinasyon at buhay ang kanyang mga mata. Mayroon na siya ulit inspirasyon para ipa...