Chapter LXI

4.4K 1K 165
                                    

Chapter LXI: Tranquility

Si Finn ang tumapos sa tagisan ng lakas. Patalon siyang umatras, at noong magkaroon ng ilang metrong pagitan sa kanila ni Ashe, huminto siya at umayos ng tayo. Itinago niya ang kanyang sandata. Bakas ang malamig na ekspresyon sa kanyang mukha habang taimtim niyang tinitingnan si Ashe. Hindi niya makita ang buong mukha nito dahil sa suot nitong pulang tabing. Gusto niyang makita ang ekspresyon nito sa mukha, gusto niyang masilayan ang mga mata nito kung sinsero ito sa kanyang mga sinasabi.

Subalit, hindi niya alam kung paano niya sasabihin ang mga bagay na iyon sa kasalukuyang sitwasyon.

“Uulitin ko, disidido akong paslangin si Alisaia Seranim. Huwag mo akong pigilan,” mahinahong sambit ni Finn.

“Finn... ang gusto mo ay hindi mangyayari. Dadaan ka muna sa bangkay ko bago mo siya mapatay,” matinding paninindigan sabi ni Ashe.

Nagulat si Alisaia na kasalukuyan pa lang bumabawi ng lakas. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig, at sa totoo lang ay hindi niya inaasahan na ang lahat ng ito ay mangyayari.

Sobrang layo ng loob sa kanya ni Ashe--sa kanilang lahat na miyembro ng Ancient Phoenix Shrine. Wala itong kasundo, at madalang itong magpakita sa ibang miyembro.

At sa kabuoan, ang tanging ginagawa lang nito sa Ancient Phoenix Shrine ay ang magsanay.

Alam ni Alisaia sa sarili niya na galit sa kanya si Ashe dahil sa ginawa niyang pagdakip dito. Hindi siya nito kailanman itinuring na guro, at madalas ay hindi ito nakikinig sa kanya sa mga una nilang pagsasanay.

Pero ngayon, pinoprotektahan siya ni Ashe. Gumagamit din ito ng pambihirang kapangyarihan para gamutin ang lahat ng nasa bingit ng kamatayan.

At higit sa lahat, kinakalaban nito ang kanyang kaibigan para sa Ancient Phoenix Shrine.

Sa kabilang banda, habang si Finn at ang mga miyembro ng Ancient Phoenix Shrine ay hindi pa rin makapaniwala sa ginagawa ni Ashe, ang mga manonood ay abala sa pagbubulungan at pag-uusap tungkol kay Ashe.

“Siya na ba ang isa sa dalawang miyembro ng Wings of the Phoenix? Kung gayon, siya na pala ang isa pang estudyante ni Alisaia--ang miyembro ng Ancient Phoenix Shrine na nagtataglay ng pinaka purong dugo at puso ng fire phoenix. Ito ang unang beses na nakita ko siya, kahit na mayroong taklob na pulang tabing ang kanyang mukha,” sabi ng isa sa mga manonood.

“Dalawa sila ni Fae Requis na miyembro ng Wings of the Phoenix. Silang dalawa ang kinikilalang may pinakamataas na katayuan sa Ancient Phoenix Shrine maliban kay Alisaia,” komento ng isa pa.

“Mm. Mukhang magkakilala silang dalawa ng lalaking iyon. Biglang huminto sa pag-atake ang lalaking nagngangalang Finn Doria dahil sa pagdating ni Ashe Vermillion. Ganoon man, hindi pa rin naglalaho ang kagustuhan nitong pumatay. Makakaya kaya ni Ashe Vermillion, na isa ring 3rd Level Supreme Rank na talunin ang lalaking iyon?” Biglang tanong ng isa sa mga ito.

“Hindi siya kasing lakas ni Fae. Mas mahina siya ng bahagya. Ganoon man, ang kapangyarihan ng lalaking iyon ay para bang walang hangganan... sa tingin ko ay hindi mapipigilan ni Ashe Vermillion na pigilan ang lalaking iyon sa pagpaslang niya kay Alisaia,” tugon ng isang babae. “Ganoon man, depende pa rin iyon kung pipiliin ng lalaking iyon na huminto sa ngalan ni Ashe Vermillion.”

Nakabawi si Finn mula sa salitang binitawan ni Ashe. Pinakalma niya ang kaniyang sarili, pero hindi niya pa rin binabawi ang kapangyarihan na bumabalot sa kanyang katawan. Taimtim ang tingin niya kay Ashe, at ilang sandali pa, nagtanong siya.

“Paano ang iyong mga magulang, Ashe? Sinaktan ng gusto mong protektahan ang iyong mga magulang. Gusto kang makita ng iyong mga magulang kaya sumama ka na sa akin at hayaan mo akong gawin ang dapat kong gawin dito,” malumanay na sambit ni Finn.

Legend of Divine God [Vol 11: Order of the Holy Light]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon