Chapter XVII

5K 1K 115
                                    

Chapter XVII: The Tower of Ascension and the God-eater Sword

Ang Tower of Ascension. Isa ang toreng ito sa sampung divine artifact sa larong Rise of Gods. Hindi ito kasali sa pag-aaring divine artifacts ni Kurt, walang manlalaro sa Rise of Gods ang nagmamay-ari sa toreng ito kaya ganoon na lamang ang pagtataka ni Finn nang makita niya ito rito. Hindi siya maaaring magkamali dahil iyon ang nahalungkat niya sa alaala ni Kurt. Sinubukan ni Kurt na mapasakamay ang kayamanang ito, subalit hindi niya itinuloy ang kanyang binabalak dahil sa isang rason.

Sa alaala ni Kurt at sa impormasyong bigay ng system ng Rise of Gods, ayon sa alamat, ang Tower of Ascension daw ay isang tore na binigyan ng basbas ng isang makapangyarihang diyos. Ang kapangyarihan ng toreng ito ay ang magbigay proteksyon sa nagmamay-ari nito, at bukod pa roon, palakasin pa ang sinumang papasok sa loob ng tore na ito.

Sa pagtaas ng pag-akyat sa tore, sa paglakas ng isang adventurer. Subalit, hindi ganoon kadali na akyatin ang tore na ito dahil punong-puno ito ng pagsubok na susubok hindi lang sa pisikal na katawan kung hindi ganoon na rin sa mental at emosyon ng isang adventurer.

Perpektong-perpekto ang tore na ito para sa mga adventurer na gustong magsanay, at bukod pa roon, dahil sa hiwaga ng tore na ito, ang mga magsasanay rito ay hindi malalagay sa panganib. Makararamdam sila ng totoong sakit at pinsala, subalit hindi sila mamamatay dahil protektado ng tore ang buhay ng mga papasok dito.

Ito ang isa sa mga rason kung bakit ninais ni Kurt na mapasakamay ang Tower of Ascension, pero may mas malalim pang rason kung bakit niya gustong makuha ang toreng ito na sa huli, naging rason din kung bakit niya ito sinukuan at hinayaan na lang sa kinalalagyan nito.

Bukod sa pagsasanay, ang Tower of Ascension ay maaari ring gawing imbakan kagaya ng Myriad World Mirror, subalit, kumpara sa Myriad World Mirror na halos walang hanggan na ang lawak at maaaring pag-imbakan, ang imbakan sa tore ay maliit lamang.

Napahinga ng malalim si Finn. Hindi niya pa rin maalis ang tingin niya sa tore. Hindi siya makapaniwalang pag-aari niya na ngayon ang Tower of Ascension, isa ito sa pinakamakapangyarihang divine artifact sa Rise of Gods, at siguradong magiging isa sa pinakamakapangyarihang divine artifacts sa mundo ng mga adventurer.

“Pag-aari ko na talaga ang toreng ito...” sambit ni Finn. “Malaki ang maitutulong ng Tower of Ascension sa New Order... Sa pamamagitan nito, makabubuo kami ng malalakas na adventurer sa loob lamang ng maikling panahon,” aniya pa.

Inilibot niya pa ang kanyang paningin. Tiningnan niya ang mga kayamanan sa kanilang paligid, at bumakas ang pananabik sa kanyang mga mata at ngiti. “Hindi ko na kailangang mamroblema kung saan ako kukuha ng mga kayamanan na magagamit ng mga miyembro ng New Order sa hinaharap. Sa tulong ng Tower of Ascension at ng mga kayamanan na ito, ang New Order ang magiging pinakamalakas na puwersa sa buong mundo!” Nananabik niyang sabi.

Sumang-ayon sina Poll at Eon sa sinabi ni Finn. Para sa gaya ng New Order na nagsisimula pa lamang umusbong, kakailanganin nila ng ganito karami at katataas na kalidad ng kayamanan para masustentuhan ang mga miyembro. Matutulungan ng mga kayamanan na lumakas ang mga miyembro, at kapag malakas ang mga miyembro, ang puwersa ay lalakas din.

Kung magiging malakas na puwersa ang New Order, mas mapapadali na ang pagpunta nila sa divine realm.

Subalit, hindi pa rin mapigilan ni Finn na mapaisip tungkol sa Tower of Ascension at sa mga kayamanang hindi talagang nasa loob ng Myriad World Mirror noon. Masyadong nakakapagduda ang nangyayari, na maging si Kurt ay walang ideya na nasa loob na pala ng Myriad World Mirror ang mga kayamanang ito.

‘Maaari kayang may nangyari matapos mapunta ang kaluluwa ni Kurt sa kalawakan? Marahil may nangyari sa laro kaya ang Tower of Ascension kasama ang iba pang mga kayamanan ay napunta sa loob ng Myriad World Mirror,’ sa isip ni Finn.

Legend of Divine God [Vol 11: Order of the Holy Light]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon