Chapter LXV: Settled
“Ano'ng balita na sa grupo ni Oriyel, Porion? Nakabalik na ba sila?” Tanong ni Auberon kay Porion na kasalukuyang nasa kanyang opisina upang mag-ulat ng tungkol sa misyon sa Holy Land of Erekia.
Matatandaang si Oriyel ang ipinadala ni Zeraf para magtungo sa Holy Land of Erekia. Siya at ang kanyang mga kasama ang naatasan upang imbestigahan ang mga umatake sa Holy Land of Erekia. Ganoon man, hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nakakabalik.
“Wala pa ring balita sa grupo ni Oriyel, Pinunong Auberon. Maging ang ipinadala kong mensahero ay hindi pa rin nakakabalik. Dapat ay nakabalik na sila matagal na, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nabalik upang magbalita tungkol sa kanilang pag-iimbestiga,” seryosong tugon ni Porion.
“Kung gayon, hindi na natin sila mahihintay sa magiging pagpupulong. Ang lahat ng pangunahing miyembro maliban kina Oriyel, Valethari, Athrand at Danyhra ay dumating na. Aantayin na lamang natin ang pagbabalik ng batang panginoon upang makapagsimula na tayo,” ani Auberon.
“Malinaw, Pinunong Auberon. Ipapabatid ko agad sa iba ang iyong mensahe,” magalang na tugon ni Porion. “Aalis na ako.”
“Sandali lang. Nais pa kitang makausap tungkol sa isang bagay ngayon din mismo,” pigil ni Auberon bago pa makatalikod si Porion. “Porion, sa tingin mo ba ay mayroong mali sa misyong isinasagawa nina Oriyel?” Tanong niya.
“Sa totoo lang, oo, Pinunong Auberon. Siguradong mayroong anomalya sa kanilang misyon na maging ang mensahero kong ipinadala ay hindi pa nakakabalik dito upang mag-ulat tungkol sa nangyayari kina Oriyel. Marahil nagkaroon sila ng malaking problema, at ang masama pa, maaaring napahamak sila,” walang pag-aalinlangang tugon ni Porion.
“Kung gayon, bakit hindi ka nagbigay sa akin ng suhestyon, Porion? Kung kailangan nila ng tulong, bakit hindi mo sinasabi sa akin?” Malumanay na tanong muli ni Auberon.
“Dahil ang iyong kautusan ay hindi mapag-aalinlanganan. Ang kailangan ko lang ay sumunod at sumang-ayon,” ani Porion.
“Hindi ka manika o alila, Porion. Ikaw ay isa sa pinuno ng Order of the Holy Light. Lahat ng pangunahing miyembro, malakas man o hindi ay may karapatang kuwestyunin ang aking kautusan. Maaari kayong magbigay ng suhestyon dahil isa tayong pangkat na ang layunin ay para sa ikabubuti ng Holy Light Realm,” taimtim na paglalahad ni Auberon. “Ngayon, kung sa tingin mo ay mayroong anomalyang nangyayari sa Holy Land of Erekia, buksan mo ang paksang iyan sa magiging pagpupulong.”
“Ang bawat miyembro ng ating puwersa ay mahalaga. Isa pa, si Oriyel ay isa sa iyong anak, at mayroon siyang potensyal na maging isa sa pinakamalakas kagaya ni Zafar,” dagdag pa niya.
Nagkaroon ng pagbabago sa mga mata ni Porion. Nanginig ang kanyang labi, subalit hindi siya makatugon kahit na isang salita. Nawalan siya ng salitang sasabihin. Bahagya na lamang siyang tumango at sinabing, “Masusunod, Pinunong Auberon. Salamat sa iyong gabay.”
Tuluyan nang tumalikod si Porion at humakbang palabas ng opisina. Napabuntong-hininga na lang si Auberon at napailing.
“Alam kong nais mo lang maging masunurin, subalit hindi mo dapat itinuturing na manika ang iyong sarili. Napakatagal na panahon na, pero ang iyong mga mata sa tuwing ako ang kaharap mo ay parehong-pareho pa rin magmula noong araw na iyon,” pabulong na sambit ni Auberon nang tuluyan nang makaalis si Porion.
Sandali lang iyon, pero bumakas ang panghihinayang sa mga mata ni Auberon.
--
Muling natagpuan ni Finn ang kanyang sarili malapit sa Tower of Ascension. Tiningnan niya ang mga naglalabas-pasok sa tore, at napansin niyang ang kasalukuyang nangangasiwa ay ang magkakapatid na mersnake at ang ilang nilang mga kasamahan sa pangangasiwa ng tore.
BINABASA MO ANG
Legend of Divine God [Vol 11: Order of the Holy Light]
FantasySynopsis Pagkatapos ng malaking rebelasyon, sa wakas ay bumalik na ang dating Finn Doria. Nagagawa niya nang maging masaya at ngumiti muli. Nag-uumapaw na ulit sa determinasyon at buhay ang kanyang mga mata. Mayroon na siya ulit inspirasyon para ipa...