Chapter XVIII: You Can Use It Under One Condition
Pagkatapos hangaan nang halos ilang minuto ang Heavenly Divine Cauldron, ibinaling ni Firuzeh ang kanyang tingin kay Finn na kasalukuyang pinaglalaruan ang God-eater Sword. Muli niyang tinimbang ang lahat ng tungkol sa binata magmula sa mga talento nito, sa kakayahan, at ngayon ay sa mga kayamanan. Hindi niya masabi ang eksaktong salita kung gaano siya namamangha sa buong pagkatao ni Finn. Isa siyang alchemy god noon--isang nilalang na may prominenteng katayuan sa divine realm.
Mabibilang lang sa kanyang daliri ang hinahangaan niya sa divine realm. Hindi siya madaling humanga sa iba, subalit nang makilala niya si Finn lahat ng paghanga niya ay napunta sa binata.
“Kabuoang limang divine artifacts... at wala akong alam kahit isa sa limang divine artifacts na iyan,” sabi ni Firuzeh habang hindi pa rin siya makapaniwala sa nakikita ng kanyang mga mata.
“Pareho lang tayo ng reaksyon nang malaman ko ang tungkol sa limang divine artifacts na pag-aari ni Finn. Hindi kabilang ang limang divine artifacts niya sa pitong divine artifacts ng ating mundo, at hindi rin malinaw sa akin kung saan nagmula o sino ang nagmamay-ari sa mga iyan,” ani Migassa. Napabaling sa kanya si Firuzeh kaya muli siyang nagpatuloy sa pagsasalita, “Kung mayroon mang nakakaalam kung saan nagmula ang mga divine artifact na iyan, si Finn lang ang nakakaalam dahil siya lang ang bukod tanging nakakaalam sa mga pangalan niyan at para bang hindi siya nahihiwagaan kung saan nagmula ang mga kayamanang iyan.”
“Pag-aari niya nga talaga ang limang divine artifacts...” nasabi na lang ni Firuzeh. “Akala ko noong una ay iisa lang ang divine artifact na pag-aari niya, subalit nagkamali ako dahil mayroon pa pala siyang apat na itinatagong divine artifacts.”
Pinagmasdan ni Firuzeh ang paligid. Bawat sulok ng kontinente ay may mga kayamanan, at namamangha rin siya dahil sa dami at taas ng kalidad ng mga kayamanan na naririto.
“Subalit, ang hindi ko lubos na maintindihan ay kung pag-aari pala ni Finn ang lahat ng kayamanan na naririto, bakit hindi niya ito ginagamit? Kung gagamitin niya ang mga kayamanang ito, matagal na sana siyang nasa divine realm! Mapapantayan niya ang antas at ranggo ng mga taga-divine realm, at hindi kalaunan ay malalampasan dahil nagtataglay siya ng limang divine artifacts!” Naguguluhang tanong ni Firuzeh.
Umismid si Miggasa. Umiling siya ng bahagya at malumanay na tumugon, “Iyon ay dahil kay Munting Black, kay Grogen. Ito ang unang beses na nakita ni Finn ang toreng iyan at ang nagkalat na mga kayamanan. Matagal nang nakita ni Finn ang cauldron, air ship at espadang iyon subalit pinoprotektahan ng kapangyarihan ni Munting Black ang tatlong divine artifacts kaya hindi magamit ni Finn ang mga iyon.”
“Hindi hinahayaan ni Munting Black na malayang magamit ni Finn ang mga kayamanan sa mundong ito. Itinatago niya ang mga iyon at inilalabas niya lamang tuwing tataas ang antas at ranggo ni Finn. Halimbawa na lang ay noong tumaas ang antas ni Finn sa Sky Rank, doon lang inilabas ni Munting Black ang mga kayamanan na para sa Profound Rank. Ganoon kalupit si Munting Black kay Finn,” paliwanag ni Migassa.
Natigilan si Firuzeh sa mga inilahad ni Migassa. Hindi niya lubusang maintindihan si Munting Black, subalit napatango na lang siya bilang pagsang-ayon sa huling sinabi ni Migassa tungkol kay Munting Black.
“Malupit nga siya kay Finn. Pag-aari ng binata ang mga kayamanang ito kaya hindi niya dapat ito nililimitahan sa paggamit ng sarili nitong mga kayamanan,” komento ni Firuzeh. “Isa pa, hindi niya rin ba hangad na maging malakas si Finn para ito ang tumalo sa mga diyablo? Malaki ang pag-asa ni Finn na manalo sa mga diyablo dahil sa mga kayamanan niya.”
Tumango rin si Migassa bilang pagsang-ayon, subalit kinontra niya ang iniisip ni Firuzeh sa pamamagitan nang muling pagpapaliwanag.
“Ayon kay Munting Black, marahil ang mga magulang ni Finn ang may gusto na sumabak siya sa paghihirap kaya nila ito ipinadala sa isang lower realm. Gusto ni Munting Black na tumayo si Finn sa sarili nitong mga paa dahil sa pamamagitan lang nito siya totoong magiging malakas--kagaya ng Ethereal Sun Emperor na nakipagsapalaran din muna sa mababang mundo bago naging pinakamalakas na emperador sa divine realm,” paglalahad pa ni Migassa na agad na naunawaan ni Firuzeh.
BINABASA MO ANG
Legend of Divine God [Vol 11: Order of the Holy Light]
FantasySynopsis Pagkatapos ng malaking rebelasyon, sa wakas ay bumalik na ang dating Finn Doria. Nagagawa niya nang maging masaya at ngumiti muli. Nag-uumapaw na ulit sa determinasyon at buhay ang kanyang mga mata. Mayroon na siya ulit inspirasyon para ipa...