Martes sa Pilipinas, nadatnan ni Kent si Alexus na nagbibihis ng damit. Isinara niya ang pintuan na nakakunot ang noo.
"Are you escaping?" lumapit siya kay Alexus at diretsyahang nagtanong.
"I'm not, I demand to be discharged." kasuwal na sagot ni Alexus at maingat na isinuot ang puti nitong shirt.
"Pinayagan ka ba?" Ang alam kasi ni Kent ay mag stay si Alexus sa hospital ng dalawang buwan bago ma discharged. "Hindi ka pa tuloyang magaling, anytime maaaring mabinat ang sugat mo."
"My problems are far more important than my wounds, marami na akong sinasayang na panahon, I can't stay bedridden and wait for bad news." Hindi kasi ugali ni Alexus ang maghintay na walang ginagawa. Tingin niya naman ay kaya na niyang gumalaw-galaw, tiyaka ang ibang mga sugat niya ay magaling na, maliban na lang sa kaniyang dibdib na matagal kung maghilom. Tumagos kasi ang kahoy no'n, at ang sugat niya ay sagad rin sa kaniyang likuran. Bali dalawa ang kaniyang tahi, isa sa likod, isa naman sa harap. Maaari mang nasara ng tahi ang sugat, pero ang kailaliman ng laman niya na naaapektuhan ng sugat ay hindi pa tuloyang gumaling, may panahon pa rin na nakakaramdam siya ng ngilo at kirot.
Hanggang ngayon ay may benda pa rin sa kaniyang dibdib tungo sa kaliwa nitong braso.
"Kamusta si Ian?" para hindi na magsalita pa si Kent tungkol sa biglaan niyang pagka discharged ay iniba niya ang tanong. Isa pa, maagang na discharged si Ian kumpara sa kaniya at in-advise ng doktor na sa bahay na magpatuloy sa recovery.
"Maayos na siya. Isang buwan na rin naman ang nakalipas mula no'ng na discharged siya. He's recovery was incredibly fast. Pero hindi ko pa pinayagang sumali sa misyon ng grupo." mahabang paliwanag ni Kent at tumulong sa pag-iimpake ng mga gamit ni Alexus.
"Mabuti naman kung gano'n. I'll pay him a visit some other time." matapos niyang magbihis ay naghanap siya ng rubber band upang pang tali sa may kahabaan na niyang buhok. Tinubuan na rin pala siya ng bigute at nagmukha ng matured.
"Oo, salamat din pala sa pagligtas mo sa kambal ko bruh. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko no'n no'ng hindi pa natin siya nababawi. Araw-araw akong hindi mapakali kakaisip kung ano na ang nangyari sa kaniya, o kung mababawi pa ba natin siya ng buhay, lalo pa't siya na lang ang natitira kong pamilya." nasa kolehiyo ang kambal no'ng nangyari ang aksidente ng kanilang mga magulang, kaya't sila na lang din ang naiwan na nagdadamayan. "Alam kong hindi sapat ang pagpapasalamat ko sa'yo ngayon, kumpara sa pagbubuwis buhay na ginawa mo, kaya naman tatanawin namin ni Kent ng utang na loob ang ginawa mong pag tulong. Kaya't kaya kong tumulong sa'yo, tutulong ako." katunayan ay nahihiya si Kent. Hindi naman siya perpektong tao at naninisi rin, hindi man nilalabas ng bibig niya, pero ang ginawang paninisi niya sa likod ng ulo niya no'n ay lahat bumalik sa kaniya.
Kilala niya si Alexus, at nakasama ng maraming taon, parang kapatid na rin ang kaniyang turing dito, pero minsan talaga may mga pangyayari na susubokin ang tiwala at samahan nila. Gaya na lang ng nangyari isang buwan at dalawang linggo na ang nakararaan.
"At pasensya na rin kung wala man lang akong naitulong sa'yo no'ng gabing iyon. Patawarin mo rin ako kung iniwanan kita..." sinsero siya sa ginawang paghingi ng tawad sa kaibigan at hindi naman mapag-angkin si Alexus kaya't tinapik niya si Kent sa balikat, matapos isaayos ang buhok niya into top knot.
"Ayus na 'yon, huwag mo ng isipin 'yon. Ang mahalaga, ay maayos na si Ian at nakasama mo na siya. Kung baga, ako naman talaga ang dapat sisisihin sa nangyari, kaya ginawa ko lang din ang nararapat." wika ni Alexus at nginitian si Kent bago ito nilampasan. "Let's get back to work, we still have lots to settle."
Tumango si Kent kay Alexus at madaling sumunod dito, dala ang isang duffel bag ba gamit nito.
Sa araw na 'yun ay lumabas si Alexus ng hospital at diretsong umuwi sa pad ng mga kaibigan niya, imbes na sa bahay niya.
YOU ARE READING
WIFE CORPORATION: MIA KASSIDY BORROMEO
RomanceHIRE A WIFE BUT DON'T FALL IN LOVE! Ang isang tambay na kagaya ni Kassidy ay walang matino na pinag-aralan. Nakatira sila sa isang skwater kasama ang nanay niya na sugarol. Kadalasan ay nasa kalsada siya at nakikilaro sa mga ka-tambay niya na naging...