Chapter 115

135 11 0
                                    

MIA

"Anna is just my college best friend."

Parang gusto kong mapahilamos sa hiya gayo'ng na kumpirma ko ng wala siyang relasyon kay Anna.

Sinsabi na nga ba't masyado akong nag over react sa pagsama niya sa ibang babae, kasi. Ang tanga, bakit ba kasi hindi nagtanong muna bago mag react.

Selos malala yarns?

"P-Papaanong kaibigan mo lang 'yun? A-Ang ganda niya k-kaya." nauutal ako sa dahil sa nahihiya ako. Papaanong hindi ako mahihiya, kung wala naman palang saysay 'yung pakikipag-away ko sa kaniya no'ng nakaraan?

Tama talaga si Mama, walang patutunguhan ang selos, lalo pa't hindi dinadaan sa maayos na usapan ang kompirmasyon.

Kita ko naman ang pagkunot ng noo ni Alexus, para bang sinasabi sa'kin na... 'Bakit hindi pwede? Everyone can be worthy of being friends.'

See, mukha niya pa lang... alam ko na ang maaari niyang isagot.

"Because she's a friend?" patanong niyang sagot sa'kin. Para siyang inosenteng binata na para bang hindi sure sa kaniyang sinabi sa jowa niyang selosa.

"Seryoso ka? Walang biro yan?"

Makailang beses siyang tumango, habang nanatili pa rin ang inosenteng ekspresyon sa mukha niya. "Yup. Just a friend."

Naasar tuloy ako sa sarili ko, buti may mukha pa akong naihaharap sa kaniya noh?

"Kung gano'n... bakit hindi mo sinabi agad?" pag-iiba ko, talagang sumubok pa akong magmalinis. Jusko, masyado na ata akong ma pride sa estado kong 'to.

And then, napapansin ko 'yung makamulto na pinigil niyang ngiti sa labi. Ano kayang nakakatawa? Nang-aasar ba siya?

Hindi ko tuloy mapigilan ang paghaba ng aking nguso. Shempre, umiwas din ako ng tingin. Baka kapag sinalubong ko ang mga mata niya, tuloy akong tatakbo at magtago sa kahihiyan.

"I planned to introduce you to her, but you acknowledge yourself as my sibling... I thought you were just, uhm... you don't want to be introduced as someone special to me in public or in other people, so... That's why I get along with it."

Anak ng tokwa! Naalala ko ngang ako ang nag pressume no'n bago siya nakapagsalita nang makabalik mula sa parking.

"Anna knows that you are my wife. I was able to introduce you before when we once had a conversation, no'ng nasa Belgium pa siya chasing a runaway investor." pagbabahagi niya na ikinapanlumo ko pa ng husto. Ni hindi ko alam na nakikilala na pala ako ni Anna. Siguro pinagtatawanan na niya rin ako sa inasta ko.

Mariin kong naikagat ang aking labi. Feeling ko, pati talampakan ko ay namula. Sobra na talaga akong makasalanan.

"But, I only showed her your picture because that time you were pissed towards me and you wouldn't want to talk to me because of what I did to that American guy at the resort no'ng nag bakasyon tayo sa Paris." naalala ko nga ang panahon na 'yun, kung saan nagpahangin lanh ako sa labas ng cabin at biglang may lumapit sa'kin na Amerikano at nakipag kaibigan lang. Tapos na misunderstood niya ito at nadala ng selos.

Ngayon, ako naman ang naka misunderstood sa kaniya, saka inaway at sinaktan ko pa. Wala akong pinagkaiba sa isang heartless na nilalang. Inuna ko ang pride ko, without thinking na maaari ko nga siyang na misunderstood.

Inakala ko, everything that you see in actual and on the spot, ay totoo na. Paano ba kasi, ang sweet nila tingnan. Tapos ang ganda pa ni Anna.

Sino ba naman ako para hindi magselos? Pero, mali pa rin talaga ako kaya naman...

WIFE CORPORATION: MIA KASSIDY BORROMEO Where stories live. Discover now