MIA
Nagising ako nang wala akong makapa na Alexus sa tabi ko. Dumilat ako at napansin na umaga na pala at sumisilip na rin 'yung liwanag mula sa sliding door.
Bumangon na ako, nagkusot ng mga mata at nag inat-inat para ma flex ang muscles ko sa katawan. Nilingon ko rin muna 'yung bed side clock at saka napag-alamanan na alas otso na pala ng umaga.
Bakit kaya hindi niya ako ginising?
Nagkibit-balikat na lamang ako saka bumaba ng kama at pumunta sa banyo para maghilamos, mag toothbrush at mag-ayus ng buhok. Kinailangan kong e-check ang kambal, for sure kanina pa gising ang mga 'yun. Wala namang kaso kung gugutomin sila dahil responsible naman akong mag pump ng milk mula sa'kin at inilalagay sa spare bottles nila. Para kapag nagutom sila o magising ng maaga tapos iba ang nagbantay at wala ako, ay may ma-dede sila.
Pinungos ko ang buhok ko into thick bun, bago umalis sa kwarto namin ni Alexus at tinungo ang kuwarto ng mga anak namin. Pagkabukas ko pa lang sa pintuan ay agad ko ng namataan si Mama Keileigh na inaaliw ang anak kong si Cassy. Sa kanilang dalawa kasi ng anak kong lalake na si Jace, si Cassy ang madaling kilitiin ng tawa.
"Mia, hija. Gising ka na pala." Bati niya sa'kin nang mapansin ako na pumasok at naglalakad na palapit sa kanila.
Pero ang ipinagtataka ko, nasaan si Alexus?
"Good morning po, Mama." Pagbati ko sa kaniya nang makalapit na sa kaniya. Hinalikan ko rin ang anak kong babae na dilat na dilat ngayon.
"Alam mo bang, kay aga-aga akong nilalaro nitong unica-hija mo, Mia? Ang bata pa niya, pero napaka-kulit na. Palangiti at nakakaaliw talaga. Hahaha." natutuwang sambit ni Mama, habang inaliw-aliw na naman ang anak ko sa pag make-up ng funny face.
Hindi ko alam kung nakakakita na ba siya, pero parang nakakakita na nga siya, kasi nag re-react na sa Lola niya eh.
"Mama, nasaan po si Alexus?" nilapitan ko ang anak kong si Jace sa crib. Nakita kong tulog pa siya kaya maingat ko itong hinalikan sa noo nang sa gano'n ay hindi siya magising.
"Umalis siya kaninang umaga, anak. Hindi ba niya sinabi sa'yo?" imporma niya sa'kin na tila ikinagulat pa niya ang kawalang-alam ko tungkol sa pag-alis ni Alexus.
'Saan naman kaya ang punta niya?'
Napapatango na lamang ako, "Hindi po eh. Hindi po ba niya sinabi kung saan siya pupunta?" hindi naman sa wala akong tiwala kay Alexus kaya ko gusto malaman. Nag-aalala lang kasi ako na baka siya mapahamak siya sa labas, lalo pa't may mga taong humahabol sa'kin.
"I'm sorry, anak. Pero hindi niya sinabi eh." sympathetic na usal ni Mama. Hindi ko lang maiwasan na mag-alala, kahit na hindi naman simpleng tao ang asawa ko. Syempre, importante pa rin sa'kin ang kaligtasan niya.
Gusto ko rin sanang itanong kung nagsabi ba si Alexus tungkol sa kailan ito makakauwi. Pero hindi ko na lang itinanong, baka kasi masyado na akong territorial para alamin na lang lahat ang tungkol sa asawa ko.
Ayoko naman na ma bad shot sa parents niya, even though napaka-bait nila sa'kin para maisip ang ganitong impression. Siguro, hihintayin ko na lang si Alexus na maka-uwi kaysa magtanong. Hindi naman siguro siya matatagalan ng husto at uuwi rin 'yun mamaya.
Malay ko ba kasi, kay aga-aga siya agad ang hinahanap ko.
BUONG HAPON, kasama ko si Mama at Papa sa pag-aalaga ng mga anak ko. Hindi naman ako nahihirapan dahil nandito sila at kaabay ko sa pag-aalaga.
"Mia, hija. Magluluto ako ngayon ng maging ulam natin, may gusto ka bang pagkain para mailuto namin ng Papa Alex mo?"
Alas kuwatro na ngayon ng hapon, at kasalukuyang nandito kami sa garden. Nandito rin ang crib ng kambal, ibinaba namin para makalanghap ng preskong hangin. Hindi naman mainit dahil may malaking kahoy dito ng Narra.
YOU ARE READING
WIFE CORPORATION: MIA KASSIDY BORROMEO
Roman d'amourHIRE A WIFE BUT DON'T FALL IN LOVE! Ang isang tambay na kagaya ni Kassidy ay walang matino na pinag-aralan. Nakatira sila sa isang skwater kasama ang nanay niya na sugarol. Kadalasan ay nasa kalsada siya at nakikilaro sa mga ka-tambay niya na naging...