As I said, ito na ang update.
Happy reading!
Finally, dumating na tayo sa point ng past ni Alexus. You might encounter differences, kayo na ang humusga.
-A.“NO! Czar, no please! Have mercy! Please hurt me, not my son!” puno ng takot na pagsusumamo ni Alexzander habang sapilitan na dinarag si Czar palapit sa kaniya sa gitna.
“Dad!” sinubokan na labanan ni Czar ang mga ito, pero wala lang ang lakas niya sa mga ito at pinaluhod siya katabi ng kaniyang ama. Wala na ang piring sa bibig at malaya siyang pumalahaw sa pag-iyak.
Bumalik kay Alexus ang takot na kaniyang nadarama ng mga gabing iyon. Umiiyak siya habang nakakuyom ang mga kamao. Nakatuon ang mga mata sa mga alaalang minsan na niyang hiniling na kalimutan no'ng bata pa siya.
“Son!” Tawag ni Alexzander kay Czar at sinubokan na kumuwala, lumagda ng marka ang metallic hand cuffs na sa palapulsohan ni Alexzander, kahit anong pilit niya na kumuwala ay hindi pa rin siya makawala. Sapagkat matigas ang bagay na pumiring sa mga galamay niya.
Para sana depensahan ang anak, ay napapikit nalang siya ng mariin. Sumunod ang mga luhang dulot ng paghihinagpis dahil sa magkakasunod na latigo na lumapat sa maliit na katawan ng anak. Every scream that Czar made, are like piercing daggers that rips his heart.
“Ahhh!—Dad! Help!”
Ramdam ni Alexus kung gaano siya unti-unting pinapatay ng latigong iyon. Kung paano nito pinipinsala ang kaniyang likuran at nagdulot ng mahapdi at nakakabinging tenga na sugat. Kung paano siya manginig at unti-unting nawawalan ng lakas.
At that time, Czar experienced the same maltreatment that his dad experiences. He cried hard, wiggled and fell to the floor many times.
Maliban sa pagmamakaawa at pag-iyak, ay walang ibang nagagawa si Alexzander. Pilit niyang inabot ang kamay ng anak, at gano'n din si Czar sa kaniya.
Ang inosente niyang anak. Nakakaawa. Ngunit wala man lang siyang magawa para dito. Nakikita at naririnig niya ang maka-ilang beses na pag-tawag nito sa kaniya. Either from holding his son's hand, wala na siyang ibang maitulong.
Alexzander felt how useless of a father he was at that moment.
Walang ama na mahal ang kanilang anak na makitang nahihirapan at nasasaktan.
Kaya't kaysa indahin ang sarili na nadedehado rin sa pang-aabuso ng mga ito ay ang anak ang inaalala niya. Para sa kaniya wala lang ang sakit sa kaniya, pero walang tatapat sa sakit ng kaniyang nadarama gayo'ng nakikita niya ang anak na ina-abuso.
"No not my son! Please!" Halos namamaos na ang kaniyang boses. "He's innocent. Please stop! Have mercy!" At dahil hindi kilala ng mga ito ang awa, ay patuloy nitong sinasaktan ang kaniyang anak. Until Czar passed out. Namumutla at hinang-hina.
Kahit na nawalan na ito ng malay ay patuloy pa rin nitong nila-latigo si Czar, parang inihahalintulad sa isang animal ang pag-trato ng mga ito sa isang bata.
Hindi niya na alam kung ilang beses siyang nagmakaawa. Hindi siya inalintana ng mga ito at patuloy lang sa ginagawa. Tumigil lang ang mga ito, nang magawa ang isang daan na ini-uutos sa pag-latigo.
Paano nagiging ganito ka cruel ang mundo sa kanila?
Sa dami ng uri ng parusa ay bakit ito pa?
Bakit kailangan nilang pagdaanan ang ganitong uri ng pagma-maltrato?
Papaano nito nagagawa ang ganitong bagay sa anak niyang wala namang ibang ginawa kundi ang paging inosente at pagsunod sa kaniya?
How could these people turn a blind eye to a kid?
YOU ARE READING
WIFE CORPORATION: MIA KASSIDY BORROMEO
RomanceHIRE A WIFE BUT DON'T FALL IN LOVE! Ang isang tambay na kagaya ni Kassidy ay walang matino na pinag-aralan. Nakatira sila sa isang skwater kasama ang nanay niya na sugarol. Kadalasan ay nasa kalsada siya at nakikilaro sa mga ka-tambay niya na naging...