"Your father stole everything what I yearned. He was the reason why I'm mesirable, like this! He pushed me to the edge and made me looked badly! You don't know how much it svcked me up when I'm left with nothing. So no one can blame me why I'm seeking revenge. Kahit suguro kung mamatay ka ay kulang pa!"
Biglang nakadama ng kilabot si Mia sa mga sinabi nito. Just like Kassidy, ganito rin si Harron. Nabuhay sa sakim at hatred. Which is tingin nila ay inagawan sila ng mga bagay-bagay kaya nararapat lang gumanti.
Pigil ni Mia ang hindi matakot, lalo pa't humangin ng malakas at medyo gumiwang pa ang pinagkakalagyan niya.
"Ako dapat ang naging Duke at tagapamahala ng trono ng aming ama. Minsan na niyang ipinangako sa'kin na wala siyang aagawin. Pero nagsinungaling siya sa'kin at tinraydor ako! Walang kasing sama ang ginawa niya kaya dapat sisingilin ko rin siya ng mas nakakalamang pa sa kinuha niya sa'kin." dagdag nito. Puno ng galit at puot.
Muli na namang humangin. This time, napapapikit siya dahil sa sobrang lamig na nakakapagpanginig sa kaniya. Aside from her bra and cyclings na natitira sa kaniyang saplot ay wala ng iba pang makakatulong sa kaniya para makaramdam ng warmth. Tila, sinasadya talagang hubaran siya bago siya nilagay dito at tinali. Ngayon, nagmistula siyang human version ng statue sa N.Y City na may korona. Ang kaso, nakatali siya at hindi naka modelo pose.
Tingin niya ay mamamatay siya sa lamig at hindi sa pagkakahulog. Pero hindi, kung 'yun ang paraan ng kaniyang paniniwala, at paniniwalaan niya talaga 'till the end, ay aba! Baka ma tsugi talaga siya!
She has to erase that kind of mindset. Isa itong madilim na espirito na dapat talunin. 'Huwag kang magpapadala sa dark vibes, Mia. Cleanse it with good morale!' tahimik na udyok niya sa kaniyang sarili.
Mariin siyang napapalunok, tapos ini-exercise pa niya pati kilay niyang nangangalay. "Kung binigay mo naman pala ang best mo upang maging karapat-dapat sa posisyon, bakit hindi ikaw ang napili?" saka siya nangangatuwiran ng may dangal at reasonable. "Imbes na ikaw, bakit ang ama ko ang napili? Meaning, hindi ka pa handa at marami pang kulang sa'yo. O kaya hindi ka napili ng Lolo ko ay alam niyang masama kang anak at ang pagpili sa'yo upang maging tagapagmana ay gagamitin mo lang sa madilim na gawain." dagdag niya. Binigay niya pati mindset at puso niya para sa sagot niyang ito. Baka bulag lang itong tiyohin niya at ang pansarili lamang na magandang gawain nito ang nakikita at hindi kino-konsidera ang mga mali at panget na nagawa.
"Who the hell are you to raise your words on me?!" asik ni Harron kay Mia mula sa telecomm.
"Sinasabi ko lang 'yung posibleng dahilan at kung bakit ka hindi napili."
"Shut the fvck up!"
"Kung tutuusin ay tama naman ako. Kung hindi mo nagawang nakuha ang gusto mo on the spot, hindi ka sana tumigil at pinunan pa ang mga kulang, o kaya baguhin mo ang sarili mo na naaayon sa bagay na gusto mong abutin. Dahil ang totoo walang bagay na madaling maabot. Kailangan mo pang mag pursige at ipakita sa lahat na deserving ka. Hindi sa ganitong paraan." pero dahil si Mia siya, hindi siya nakinig sa pangmumura ng tiyohin niya sa kaniya.
"You unfialial b'tch, wala kang karapatang pagsabihan ako dahil hindi mo ako naiintindihan!" minura na naman siyang muli ni Harron at ang kasunod no'n ay ang ending tone ng linya. Stating na wala na ito sa kabilang linya.
Mia felt sorry for Harron. Sa katigasan ng ulo nito, ay nagawa pa itong nabulag. Sinasabi lang naman niya ang mga 'yun dahil nagbabakasali siya na ma re-realize nito ang mga bagay-bagay. Pero nanatili itong bulag at piniling tina-take ang mga salita niya as judgment.
Hayy, bahala na nga lang.
Hindi sinasadyang napapatingin siya sa ibaba. Malayo man ang kinaroroonan niya at hindi klaro sa paningin niya ang iilang tao na nakita niya, pero nang makita niya si Alexus na naglalakad patungo sa entrada ng building, tila nabuhayan siya ng pag-asa.
YOU ARE READING
WIFE CORPORATION: MIA KASSIDY BORROMEO
RomansaHIRE A WIFE BUT DON'T FALL IN LOVE! Ang isang tambay na kagaya ni Kassidy ay walang matino na pinag-aralan. Nakatira sila sa isang skwater kasama ang nanay niya na sugarol. Kadalasan ay nasa kalsada siya at nakikilaro sa mga ka-tambay niya na naging...