{September 06, xxxx}
Nagising si Alexus dahil sa pagtunog ng kaniyang cellphone, maingat siyang bumangon upang hindi magising sa paggalaw niya ang mahimbing na pagkakatulog ng kaniyang asawa.
It was Jeff. After two fvcking days, nagparamdam na rin. Minsan kasi naiinis siya dito dahil ang hina kumilos, kung hindi lang niya kaibigan, baka tinusokan na niya ng kahoy sa pwet, kagaya nalang ng ginagawa ng nasa isang frat.
"Master Alexus, gago ka rin noh? Seriously, pinapapunta mo akong Cebu para lang kilalanin ang forty years old na asawa ng Manang Karen's Karenderya, at may tatlo pang anak!" Sa kabilang linya ay umuusok ang ilong ni Jeff, pati tenga nagbubuga na ng mainit na usok dahil sa pagkaka-asar.
"Forty years old and a married man?" Pag-uulit ni Alexus na siyang hindi magawang paniwalaan ni Jeff ang naging reaksyon ng Master niya.
"Oo, f.o.r.t.y.! As in, 4 and 0!" In-spelling pa ni Jeff na may halong diin. Wala sa sariling napapatingin si Alexus sa asawa niyang tulog.
So, nagseselos siya sa isang kusinero na matanda na at may asawa pa't anak! Sinusupil ni Alexus ang ngiti sa kaniyang labi, sabay pasada ng kaniyang mga daliri sa kaniyang buhok. Damn, I can't believe that the man is actually old and married!
"Wala ka man lang sasabihin diyan at patuloy na humagikhik?!" Bulyaw ni Jeff sa kabilang linya, hindi ba naman pansin ni Alexus na natatawa na siya at naiinis ang kaibigan. "Gago ka talaga! Nakakahiya! Alam mo bang kinapalan ko pa ang mukha ko na mangatok dito ng maaga para lang diyan sa jealousy issues mo? Fvck! Ang baduy mo!" Anggil nitong muli na ikinatawa pa niyang lalo.
"Alright, job well done. Jeff." Yun lang ang sinabi ni Alexus at papatayin na sana ang tawag nang magsalita pa si Jeff na ikinatigil niya mula sa pagpatay ng tawag.
"Your father got the Intel of you and Mia. He called me just now and was also asking for you to come home, with Mia. Gusto niyang makilala 'yang rented wife mo." Natatamad na pagpapaalam ni Jeff kay Alexus. Pinamumukha talaga kay Alexus kung ano niya si Mia.
His jaws are clenching, "I love her, Jeff. The next time you call her that fvcking title, I'll bury you alive." He hissed, shutting Jeff at the other line.
Okay, tama na ang biruan Jeff. Kumulog na ang Hari. Sabi ni Jeff sa likuran ng kaniyang isip. Pag nagalit si Alexus, dapat tikom kaagad ang bibig dahil hindi ito marunong magbiro, kahit kaibigan ka pa nito, basta magbiro ng wala sa lugar ay makakatikim ka pa rin ng kamao, hindi ka nga papatayin Pero sa huli, hospital naman ang dadangatan mo.
"Yeah, yeah. I got it. So, may iuutos ka pa ba?" pag-iiba ni Jeff sa usapan.
"Yung kay Cruz, don't let his business rise again. If it means to threaten all the wealthy proprietors around the world, deal it. Just don't let Cruz rise again." Pinuruhan nito si Chance, gumaling naman na ang kaibigan, pero hindi madaling makuntento si Alexus. Para sa kaniya, siya lang ang pwedeng umabuso sa mga kaibigan niya o mga kaibigan lang niya at iilang importanteng tao lang ang pwedeng mang-asar sa kaniya. But in terms of enemies who dare to carry out sh'ts to his friends, he will go down from heaven to hell just to drag the fvcking enemies and let them taste his fvcking wrath.
"Well, I already did. Cruz doesn't deserve to live a precious life by the way." Nagkibit-balikat si Jeff, lalo pa't nalaman niyang ni-rape ni Cruz ang sarili nitong anak, kaya siya nakauwi ng Pinas na medyo late kaysa sa mga kaibigan niya dahil inasikaso pa niya ang tungkol kay Cruz. Kahit siya ay hindi masikmura ang ginawa nito sa sariling anak.
Napatuko si Alexus sa barandilya, "How about Zamora? Did Dion killed him already?"
"No, it's not Dion. Walang naabutan si Dion maliban sa patay na bangkay ni Zamora. Kagaya ng mga kababalaghan na may ugnayan kay Mia ay walang nahahanap na trace." Matapos makapag-pyansa si Rondmark Zamora ay kaagad na iniuutos ni Alexus na patayin nalang ito dahil hindi rin naman nila mapapakinabang ang batas ukol sa nangyari sa kaniyang asawa. Pero sa ibinalita ni Jeff, ay napapakibit-balikat nalang siya.
YOU ARE READING
WIFE CORPORATION: MIA KASSIDY BORROMEO
RomanceHIRE A WIFE BUT DON'T FALL IN LOVE! Ang isang tambay na kagaya ni Kassidy ay walang matino na pinag-aralan. Nakatira sila sa isang skwater kasama ang nanay niya na sugarol. Kadalasan ay nasa kalsada siya at nakikilaro sa mga ka-tambay niya na naging...