This chapter is dedicated for myself.
It's my 21st birthday today! 🎊🎉
So, this will be my treat for my readers!
Enjoy reading!KINABUKASAN...
Kasalukoyang nasa shower ngayon si Mia, habang si Alexus namang ang nagbabantay sa mga anak nila. Actually, hindi naman mahirap sa kanila na magsalitan ng bantay sa mga anak nila.
Kagabi, napag-usapan nila ang schedule nila. Dapat every 2-3 hours ay magpalit sila. Kunwari si Alexus nakabantay sa kambal ng alas nuwebe hanggang alas dose, then si Mia naman ang papalit sa susunod na tatlong oras.
"We can still sleep when they're asleep." suhestiyon ni Alexus.
Yun nga ang unang plano nila. Every three hours ay may gising at magbantay. But nang magsalita si Alexus patungkol sa salawikain niya, nagbago na naman.
"Sa bagay, mag-iingay naman sila kapag gutom sila or feeling uncomfortable sila." sang-ayon ni Mia. Nag-uusap sila habang kumakain sa kuwarto.
Sa kuwarto na sila kumain dahil hindi naman pwede maiwan ang kambal. Mas maigi na nasa malapit lang sila para mabantayan ng maayus ang mga ito.
"Pero, saan ka naman matutulog?" biglang tanong na naman ni Mia.
"Can't I sleep here?" inosenteng tanong ni Alexus na ikinailang ni Mia. Well, bakit naman hindi pwede? It's not like magtatabi sila.
"Pwede naman, sa kabilang dulo ka na lang," propose niya, which is hindi naman tinanggihan ni Alexus. Natulog sila sa room dati ni Mia. Pinagigitnaan nila ang kambal, at shempre hindi naman maaari na hindi sila magigising dahil manghihingi naman talaga ng gatas ang mga anak nila.
If magpa-dede si Mia sa isa, si Alexus naman ay patatahanin ang isa, bago magpalit at ang isa naman ulit ang padedehin once done na ang isa. Salitan kung baga. Mahirap ba naman na mag anak ng dalawa. Buti nga at hindi nag reklamo si Alexus.
"Mia, nag poop si Baby Cassy." patapos pa lang si Mia sa pag ligo nang marinig niyang tinawag siya ni Alexus at pinaalam na nag poop ang isa nilang anak.
"Sandali lang." nagmamadali siyang magbihis at medyo basa pa ang kaniyang buhok ng lumabas.
Pagkalabas niya ay bumungad sa paningin niya si Alexus na may hawak na isang bundle na diaper. Sa laki ng katawan nito, maskulado, pero may hawak na diaper habang may mga babies sa tabi nito ay napaka-kyut lang nitong tingnan.
"I don't know how to change diapers." pag-amin nito, na tila disappointed pa.
Nang makalapit siya sa kama ay inasikaso niya si Baby Cassy, "Gusto mo bang matuto?" tanong niya kay Alexus habang hinuhubaran ng pajama si Baby Cassy, nang mahubaran ay sinunod niyang tanggalin ang diaper. Ingat na ingat din siya na hindi masagi ang pusod nito.
Samantalang, kumuha ng towel si Alexus at tinuyo ang basang buhok ni Mia.
"I want to help you, and I want to take care of them as well. Para naman hindi na kita kailangang tawagin kung kinailangan na nilang magbihis ng diaper. Para hindi ka na rin masyadong mahirapan." paliwanag ni Alexus and that makes sense to the both of them.
"Okay, panoorin mo ang gagawin ko." kumuha siya ng isang diaper mula sa bundle na hawak ni Alexus kanina, "Kailangan e lift mo ng kaunti ang puwet niya, sa may paa mo siya hawakan. Magaan lang ang baby kaya huwag mo ring laanan ng lakas masyado. And then e lapat mo ang diaper eksakto sa may pwetan niya. Once done, pwede mo ng ilapag ang mga paa niya at e locked ang tapes ng diaper from each sides."
Titig na titig si Alexus sa mga ginagawa ni Mia sa anak nila, pati pagpunas ng wipes at mga dapat o hindi dapat ay isinasaisip niya. Tingin niya ay hindi naman mahirap kaya ng alokin siya ni Mia na bihisan na din si Baby Jace ay hindi siya tumanggi at tinake-up ang challege.
YOU ARE READING
WIFE CORPORATION: MIA KASSIDY BORROMEO
RomantizmHIRE A WIFE BUT DON'T FALL IN LOVE! Ang isang tambay na kagaya ni Kassidy ay walang matino na pinag-aralan. Nakatira sila sa isang skwater kasama ang nanay niya na sugarol. Kadalasan ay nasa kalsada siya at nakikilaro sa mga ka-tambay niya na naging...