Chapter 63

257 21 3
                                    

Saka lang napapaubo si Mia ng mariin nang tuloyan na silang iwanan ng lalake at silang dalawa nalang ni Ace ang naiwan. Masakit ang kaniyang leeg, lalong-lalo na ang kaniyang lalamunan. Panigurado ay namumula na ito ngayon. 

Kinalagan sila ng iilang tauhan kanina, kaya malaya niyang nahahawakan ang kaniyang sarili. Halos mabulonan siya sa kakaubo. 

"Mia, are you alright?" mabilis na nilapitan siya ni Ace at tsi-neck siya. "Are you hurt? Let me see your neck." hindi pa man siya nakasagot ay tsineck na ni Ace ang kaniyang namumulang leeg. "That fvcking bastard..." malutong itong napamura sa malalim na boses. Bakas ang galit sa tono at mukha nito. 

"K-Kilala mo ba 'yun, Ace?" tanong ni Mia nang makaraos pero nauubo pa rin. Masyadong malakas ang lalake at matindi rin ang pwersa na ibinigay nito sa kaniya kanina. Akala nga niya ay kikitilan na siya ng buhay nito. Mabuti nalang at medyo maalam siya sa pagpipigil ng hininga. 

Umiling si Ace, "Hindi ko siya kilala." Seryoso siya nitong tiningnan sa mata. Na-kuryuso siya sa uri ng tingin ni Ace, na para bang may nakaka-intriga ang sasabihin nito. "Pero isa lang ang alam ko, he's one among Alexus' enemies." 

Umawang ang bibig ni Mia sa sinabi nito. Naalala niya rin naman ang sinabi ng lalake sa kaniya kanina. At nagsisimula na siyang maghinala patungkol sa primary reason nito ukol sa pagdakip nito sa kanila. Pero bago pa man niyang ikumpirma ang bagay na 'yun ay bigla niyang naalala ang huling ganap kagabi. 

Kumunot ang kaniyang noo, "Ace, hindi mo pa nasasagot ang tanong ko. Papaano tayo napunta dito?"

Inalis ni Ace ang sariling kamay at inalala ang nangyari sa kaniya kagabi, "Ang naalala ko lang ay nagpunta ako sa hotel kitchen at ikinuha kayo ng makakain ni Monique. Bago ako umalis ay uminom ako ng tubig, pagkatapos no'n ay wala na akong maalala..." 

"Papaano 'yun nangyari? Hindi ba't hinatidan mo pa kami ng makakain no'n? Kinain nga namin 'yun ni Monique na kasama ka." agaran na sambit ni Mia na siyang ikinatanga ni Ace. 

"Imposible 'yan Mia, hindi ko talaga naalala na hinatiran ko kayo ng pagkain ni Monique." 

Umiling-iling si Mia, "Hindi pwedeng magkamali ako, Ace. Klarong-klaro pa sa memorya ko kung paano ka ngumiti sa'min nang mailapag ang hiningi naming kakanin no'n." now they're arguing over it. 

Umiling din si Ace, namimilog ang mata. "Hindi ko naalala 'yan, Mia. Ang huling naalala ko ay 'yun lang at nagising ako na nandito, kasama ka." 

"So, sinasabi mong mali ako? Na nag-hallucinate lang ako?" medyo nairita si Mia. Dahil buntis ay sensitibo ang kaniyang emosyon. 

Napapahilamos sa kaniyang mukha si Ace, hindi niya alam kung papaano ito sasagutin. Hindi naman siya mangmang para hindi maging aware sa situwasyon ni Mia. He can't afford to stressed her out. "Hindi gano'n ang ibig kong sabihin, Mia. Maniwala ka, wala talaga akong naalala tungkol doon..." 

Napapabuntong-hininga si Mia, sabay pikit ng kaniyang mga mata. Muli niyang inaalala ang pangyayari. Kahit ang kabuoan ni Ace ay tinutokan niya ng atensyon. Binalot sila ng katahimikan. Napapatayo si Ace sapagkat nakaramdam siya ng gutom. Tiningnan niya ang pagkain na hinatid sa kanila, at habang tsini-check iyon ay napapatingin siya sa tubig. Hindi niya alam pero kusang pumasok sa isipan niya ang larawan ng kaniyang sarili na napapatuko sa counter nang makaramdam ng pagkakahilo, lalong-lalo na ng bumagsak siya sa sahig. Pumipikit-pikit siya nang may maalala siyang lumapit sa kaniya at binuhat siya. 

Nilingon niya si Mia. 

"It was not really me, Mia." 

"Ace, may kuwentas ka di'ba?" 

Ngunit sabay silang nagsalita sa hindi inaasahan na pagkakataon. Awtomatikong napapatingin sa kaniyang leeg si Ace, at nakita roon ang kaniyang kuwentas na may pendant na singsing. Gano'n din si Mia. 

WIFE CORPORATION: MIA KASSIDY BORROMEO Where stories live. Discover now