Tatay ni Kassidy si Harron? Ang tiyohin niyang ubod ng sama?!
Tameme si Mia nang mapag-alaman ang isa pang bagay na nakakalaglag bunganga talaga. Hindi siya makapaniwala na si Kassidy pa ang mismong anak nito.
Paano nangyari iyon?
She mean... paanong naging si Kassidy na siyang ginawa lamang na kapalit sa pwesto niya bilang heiress ng Sicily ay ang mismong pinsan pa niya sa ama?!
Bigla rin yata napigil ang kaniyang hininga ng iilang mga segundo nang dahil sa kay hiraplunokin na paglantad ng isang katotohanan na ito.
Napakurap-kurap siya nang kaunting natauhan. Pero ang pagkagulat ay nakatira pa rin sa kailaliman ng budhi niya. Nagsisimulang naglumikot ang kaniyang utak sa maaring posible na ugat ng kaganapang ito.
Papaanong nagkaroon ng anak ang kaniyang tiyohin, kung gano'ng wala naman siyang narinig na nagka-asawa ito o nagka-pamilya man lang.
Frankly speaking, wala siyang alam ni kahit sentimo sa naging buhay ni Harron. Maliban sa pagiging kontrabida nito sa kaniyang kabataan ay wala ng iba. Kaya isang malaking question mark sa kaniya ang pagkakaroon ng anak nito.
Isa pa, wala namang magkakagusto sa ugali nitong sakim. For sure, walang makakatagal na babae dito. O kaya sa kasamaan nito ay nanggamit ito ng babae at ipinaluwal si Kassidy.
Jusme. Anong klase ng kaisipan itong naiisip niya? Ang sama niya naman sa parteng ito.
Pero hindi naman kasi siya santa para hindi pag-isipan ng masama si Harron. Ang laki-laki kaya ng utang nito sa kaniya.
"Pumasok na ba diyan sa utak mo kung sino ako, mahal na Prinsesa? Or shall we say, my dear niece?" tawag pansin sa kaniya ni Harron, na siyang dahilan upang makalabas siya mula sa malalimang pakikipag-usap niya sa kaniyang sarili.
Nagtaas siya ng tingin, at maiging inayos ang postura niya kahit sa kabila ng kaniyang pagkakatali. Besides, ramdam na niya ngayon ang sakit ng lubid na nakatali sa kaniyang bewang, dibdib at ankles. Nangangalay na rin siya at medyo napapagod na rin sa kaniyang posisyon.
But she has no choice, kundi ang mag tiis.
She decided to live, hindi ba? Walang kuwartong nakalaan para sa kaniya upang mag reklamo.
"Uncle pala kita? Bakit ngayon ko lang nalaman? And why are you doing this to me, anyway?" pinagpatuloy niya ang kaniyang pagmaang-maangan. "Kung gayo'ng kapamilya kita, anong dahilan mo at bakit mo ako itinali dito?"
Ang makalokong paghagikhik ng lalake ay namutawi, na para bang isang nakakatawang kalokohan ang kaniyang sinabi.
Isa pa, inaasahan na ni Mia ang ekspresyon nito. Basta masama ang spirito, asahan niyo ng hindi tuwid ang pangisip.
"Family? Who? You?" Harron became sarcastic to her, perp pinanatili niya lamang ang pagiging looking innocent niya. "I don't have a family, and I don't acknowledge one, Princess. Not even your father, na kapatid ko!" kalma pa ang mga naunang salita na binitawan nito. Pero nang nandito na sa may bandang huling salaysay, biglang naging malakulog, madilim at mariin.
---
Sa kabilang banda, sa mismong paglabas ni Alexus sa silid na kaniyang kinaroroonan ay bumungad sa kaniya ang nagkumpolang mga pulis. Guns pointing at him directly.
One among these polices is his friend, Ian.
Napatiim bagang si Alexus ng tahimik. Sharped eyes ignite, that no matter how mad he becomes, he's out of choice but to...
"Taas ang mga kamay, you're under arrest." deklara mismo ni Ian kay Alexus. Ian was the police chief, and the moment na nalaman niya ang kaso ni Alexus, kusa siyang namuno sa ka polisan upang makita mismo ang pangyayari.
YOU ARE READING
WIFE CORPORATION: MIA KASSIDY BORROMEO
Storie d'amoreHIRE A WIFE BUT DON'T FALL IN LOVE! Ang isang tambay na kagaya ni Kassidy ay walang matino na pinag-aralan. Nakatira sila sa isang skwater kasama ang nanay niya na sugarol. Kadalasan ay nasa kalsada siya at nakikilaro sa mga ka-tambay niya na naging...