"Gago 'to, wala ba silang balak na pakainin tayo?" Bulalas ni Ace nang mag alas sais na ng gabi pero hindi pa rin sila dinalhan ng pang-tanghalian.
Samantalang si Mia ay tahimik lang na nakaupo sa couch, tila may malalim na iniisip. Si Ace kasi ay tipong tao na hindu kaagad mapakali lalo pa't may kasama itong kagaya ni Mia na nagdadalang-tao. "Lintik, papatayin ba nila tayo sa gutom?" Naigulo niya ang sariling buhok bago naupo sa kaharap na sofa ni Mia.
He looked at her with worry, "This is deadly frustrating." Bulong niya at napapahilamos sa mukha pagkatapos.
"Hayaan mo na, Ace. Nasa kanila kung papakainin nila tayo."
Sa sinabi ni Mia at kaagad na napapatayo si Ace at iritadong nag martsa patungo sa pintuan. "Hey, give us food you fvcking morons!" At pinagsusuntok nito ang pintuan. "Ang lakas niyo mangidnap pero hindi naman pala kayo nagpapakain! Lintik na sindikato kayo!" Tiyaka pinagsisipa ang pintuan.
Gustong matawa ni Mia dahil sa inakto ni Ace, pigil niya ang ngiti pero sa huli ay lumabas pa rin sa kaniyang labi. "Pfftt-hahaha!" Napapakunot noo si Ace sa biglaang pagtawa ni Mia. Parang naluluha na ito sa kakatawa.
"Am I really that funny?" Sa tanong ni Ace ay tumango lang si Mia. "Geez, wala namang nakakatawa sa ginawa ko di'ba?" Pa-inosente na tanong ng binata.
Umiling si Mia. "Matatawa ba ako kung hindi ka nakakatawa?" May turan na paliwanag ni Mia kay Ace na napapakamot nalang sa kaniyang batok. Sabay iwas ng tingin.
"How can you laugh like that, sa kabila ng walang laman mong sikmura?" At napanguso ito na napapabaling ng tingin sa tiyan ng dalaga. Lumarawan ang pagkabahala sa mukha ni Ace, bagay na napansin ni Mia.
Napatingin si Mia sa kaniyang tiyan, napangiti at napahawak din dito. "Huwag ka mag-alala, Ace. Nasisiguro ko sa'yong maayos lang kami ni baby. Kaya pa naman namin hanggang bukas?"
Napabuntong hininga si Ace at napapabalik sa sofa na inupuan nito kanina. "Kahit sabihin mo sa'kin na ayus lang, hindi pa rin 'yun maayos sa'kin, Mia. Deserve ni baby ng maayos na pag-aaruga. Kapag tayo talaga'y nakakalabas dito, malilintikan sa'kin ang mga taong nagkulong sa'tin dito." Walang pagbibiro na usal ni Ace. Matiim at may pagbabanta pa nitong tiningnan ang pintuan, mukha na nga rin sigurong pumatay ng tao sa oras na 'yun.
"Hindi mo naman 'yan kayang gawin, kaya huwag mo na rin subokan." Biro ni Mia at nginitian si Ace.
"Sabagay? Pero kapag kinakailangan Mia, kahit takot akong mabahiran nag kamay ko ng dugo, gagawin ko." Tila nanunumpa na sambit ni Mia. Sa sinabi na iyon ni Ace ay tila naibsan din ang takot na naroroon sa kaniyang puso. Mabuti nalang talaga at hindi siya nag-iisa. "Mapanatili ka lang ligtas at si baby."
Labis-labis siyang natutuwa sa positibidad ni Ace. Kaya gano'n din kalaki ang kaniyang ngiti. Nagkakangitian sila, not until the door flew open kaya sabay silang napapatingin doon.
It was the mask man. Alone.
"How long do you want to keep us here?" Puna ni Ace agad sa pinuno ng kidnapping.
Pero mukhang wala namang pakealam ang maskaradong tao at nakatitig lamang ito kay Mia. Hindi naman natakot si Mia at pinanatili ang mga mata niya sa mata ng mask man.
Ilang segundo ang nagdaan at, saka lang ito nagtanong. "Is he your husband?" Tanong na parang hindi tanong. Wala ba naman kasing kabuhay-buhay at nakapirmi lang sa isang tono.
Hindi kumurap si Mia, "Yes, he's my husband." Walang pagdadalawang-isip na sagot ni Mia. Her face was firmly serious.
Tumabi si Ace kay Mia, "Why the fvck are you asking, huh? Does it really matter?" He's undeniably annoyed.
YOU ARE READING
WIFE CORPORATION: MIA KASSIDY BORROMEO
RomanceHIRE A WIFE BUT DON'T FALL IN LOVE! Ang isang tambay na kagaya ni Kassidy ay walang matino na pinag-aralan. Nakatira sila sa isang skwater kasama ang nanay niya na sugarol. Kadalasan ay nasa kalsada siya at nakikilaro sa mga ka-tambay niya na naging...