Nang malaman ng Duke na nagawang magtagumpay ng kaniyang mga tao na iligtas ang kaniyang anak ay kaagad niyang iniwan ang trabaho, inimporma ang kaniyang asawa at pasensyoso na naghihintay sa airport. Walang katulad ang kasiyahan niya ngayon dahil sa wakas ay makikita niyanag muli ang kaniyang anak, matapos ng iilang buwan ng huli nilang pagkikita.
"She's so beautiful in person..." namamanghang sambit ng kaniyang asawa na si Mirabela.
"Yes, she is. And she's just like you." natutuwang sagot ni Hermes sa asawa, at kagaya niya ay hindi din nito magawang ilayo ang mga mata mula sa anak na matagal na nilang inaasam na makasama.
"I'm not dreaming Hermes, right?" Hindi pa rin makapaniwala na nasa harapan na ang kaniyang anak. Matapos ang mahabang panahon na pagkakawalay, hindi niya ito inaasahan na darating. Nabalot ng kasiyahan ang kaniyang puso, ang lahat ng lungkot simula no'ng iniatas nila ang anak sa ibang tao sobrang napakasakit sa kaniya, bilang ina nito.
---
Mia's POV
Nang marating ko ang dulo ng carpet na nilalakaran namin ay si mama kaagad ang nilapitan ko, "Ma? Bakit ka nandito?" Litong-lito ako dahil ang buong akala ko, wala siyang pera! Mahal kaya ang pamasahe sa eroplano!
Nakita kong umirap siya, nagusot naman ang mukha ko sa paguugali niya. "'Yan talaga ang paunang tanong mo sa'kin? Seryoso, Mia? Mag-iisang taon na tayong hindi nagkita. Hindi mo man lang ba ako na-miss? Ka-kamustahin?" dinuro pa niya ako with matching pamewang. "Hoy, sumusubra ka na ah?"
Hindi ko feel ang mailang ngayon, kahit na may ibang tao pa. Nagpalakpak ako in a sarcastic manner at binigyan din siya ng saglit na yakap at halik sa pisngi. "Ey, sabihin mo nga sa'kin, ma. Paano ka napunta dito, hmm?"
Iningusan niya ako na ikinaangat naman ng kilay ko. "Through airplane, anak. Nasaan na ba ang utak mo? Nalipat na ba sa pwet, huh?" kung marunong ako maging sarcastic, naku, itong mama ko naman ang expert.
"Oi, ma, ha? Hindi ako nagbibiro. Saan ka pumulut ng pamasahe mo papunta dito, at paano mo nalaman na dito tutungo ang eroplano na sinasakyan namin?" kita ko ang kaniyang mga mata na hindi mapakali at hindi makatingin ng diretso sa'kin.
Napabuntong hininga ako, "Ma, ipapaalala ko lang sa'yo, wala tayong komunikasyon mula no'ng magkawalay tayo, kaya sagutin mo ako kung papaano mo nalaman na paparito ako?" inulit ko pa ang tanong, baka sakaling hindi nag sink in sa utak niya ang mga iyon. Kadalasan pa naman siyang nerbyusa kapag kino-korner ng sandamakmak na tanong.
Lumipas na lang ang tatlong minuto nang hindi siya sumagot, parang gusto ko nalang mapahilamos sa aking mukha dahil sa kaniya. Oo, namiss ko siya. Pero mas nagaalala ako if nangutang talaga ito pangpamasahe. Hayy, ngayon pa lang namomroblema na ako. Wala na kaya akong trabaho!
"Ahem." napalingon ako agad sa taong tumikhim.
Saka ko lang napansin na ang ganda pala ng babae! Jusko, literal na americana. Bronze ang buhok, mahaba ang pilik-mata, wavy din ang buhok niya, matangkad, mahahaba ang mga hita, heart shaped lips, at fashionista!
Tila na starstruck ako nang makita ko siya sa malapitan, lalo na ngayon na ngumiti siya! Wow, hindi ko alam na ang kagaya niya ay nag e-exist pala talaga sa mundo! Hindi mo talaga mapigilan ang sarili na mahumaling, lalo na sa babaeng maganda na agaya niya.
Base rin sa kaniyang kasuutan na simpleng pang social worker na attire ay bumagay talaga sa kania. Maputi siya at may pares na emerald na mga mata. Napansin ko lang nang tinititigan ko siya ng matagalan sa mata.
"Uhh-ehh..." saka lang ako dinalaw ng hiya nang ma-realize ko na mukhang mga importanteng tao itong naririto. Napakagat-labi ako at napaiwas ng tingin. "I'm Mia Borromeo po pala." naiilang kong usal at gaya ng napansin ko sa ibang mga tao sa tabi kanina na dinaanan namin ay yumukod ako dagdag bilang pagbati.
YOU ARE READING
WIFE CORPORATION: MIA KASSIDY BORROMEO
RomanceHIRE A WIFE BUT DON'T FALL IN LOVE! Ang isang tambay na kagaya ni Kassidy ay walang matino na pinag-aralan. Nakatira sila sa isang skwater kasama ang nanay niya na sugarol. Kadalasan ay nasa kalsada siya at nakikilaro sa mga ka-tambay niya na naging...