Chapter 58

234 14 5
                                    

Sinalubong ni Ace si Jeff, may kasama itong babae nang madatnan niya ang kaibigan sa lobby ng resort. Umarko ang gilid ng kaniyang labi, lalo pa't may nase-sense siyang sumusunod sa isa niya ring pinsan na si Alexus. 

And yes, pinsan lang sila sa apelyido. Ace is a real Monteiro, while Jeff and Alexus are adopted children way back then. Pero hindi naman 'yun kaso sa kanila. They treat themselves as brothers, as family. Pero kung makakapag-bangayan ay parang magkalaban talaga. 

Though, 'yun lang talaga ang way ng bonding nila. Kung tutuusin ay mas malapit pa si Ace sa mga ito, kaysa sa mga kadugo niya. 

"Hey, man!" 

Pagkakarinig ni Jeff sa boses ni Ace ay kaagad din siyang napa-angat ng tingin. "Tch. Natawagan mo na si Monteiro?" 

Umupo si Ace sa bakanteng sofa. Pinag-krus din ang mga hita. "Oo, ipapadala niya daw 'yung apat na depunggol niyong kaibigan." Kunwari, naka-poker face si Ace pero nabu-buwesit na 'yan in advanced. 

"That's the worst. But I think, may silbi rin naman sila." Salaysay ni Jeff habang nakapangalumbaba sa kaniyang kinauupoan. 

"Before we start," ini-nguso ni Ace si Monique na tulog pa rin. "Sino siya?" 

Hindi naman nakatakas sa paningin niya ang mataman na pag-iwas ng tingin ni Jeff, animo'y hindi gusto ang babae. For what reason? Hindi niya alam. 'Yan pa lang ang aalamin niya. 

"She's Mia's personal maid. Pinadala dito ni Alexus." Nabuburong sagot ni Jeff. 

"Oh... May pakealam pa pala ang ogag na 'yun." sabay halakhak, when in fact alam na niya ang tungkol sa plano ni Alexus and he was so happy. In advanced. "Hindi man lang-" 

"Don't expect too much from that bastard. He will never change and he will never learn to sacrifice. Such a d'ckhead cowardly." puno ng pagkaka-dismaya ang boses ni Jeff na sinabayan ng maka-ilang pag-iling. 

Dudugtongan na nga sana ni Ace ang kaniyang sinabi kani-kanina lang at sasabihin ang tungkol sa paksa ng pagpapaksal ni Alexus nang sumingit sa kaniya si Jeff, pinutol siya.

Nangunot ang noo ni Ace, "May nangyari sa inyung dalawa, ano?" hula niya. Bakas kasi sa mukha at tono ni Jeff ang galit. Kahit panga nito ay gumagalaw at ang talim pa ng mga titig, kahit hindi naman siya ang tinitingnan. "Nag-away kayo?" hindi nagsalita ang pinsan kaya't dinugtongan na niya. "I guess, that was it." At humilig na lamang siya sa sofa. He heave a heavy sigh, "Kahit sino naman talagang kaibigan ay magagalit sa ginawa niya. Kumakailan lang ay napaka-sweet at loving ng abnormal, pero isang araw ay biglaang naghiwalay ang dalawa." Pahiwatig ni Ace na medyo naiilig din, " Imagine the shock I had." Mahinang natawa pagkatapos. 

"Mia is perfect. Like, I can say that she is. Kahit wala namang perpektong tao. However, she possessed all the kinds that a man desire. Apart from that, she's understanding. She knows how to wait at hindi namimilit." Jeff muttered. Iniisip ang kawawang si Mia. In spite, Mia was fine recently. She was doing a great job upon consoling herself, but that doesn't mean that it wasn't a tough fight. Magpahanggang ngayon ay nilalabanan niya pa rin ang lungkot at pangungulila. "I understand, Alexus. But what he did was too much, and I couldn't swallow it." Asik ni Jeff. 

"It was not easy for him, Jeff. Hindi madaling pumili." 

Jeff mocked a laugh, "I know, alright?" na para bang nakakatawa ang salita na binitawan ni Ace. Napapasuklay siya sa sariling buhok pagkatapos at pasimpleng sinulyapan si Ace. "Importante sa kaniya ang resort, shempre, bigay 'to ni Mama Ethel. Pero hindi ba niya nakikita? Life contains choices. Hindi niya maako ang dalawa. And business is just fvcking business. It will remain. But the person? Maaring magbago. Maalala mo nalang kinabukasan kung ano ang nawala sa'yo at kung kailan huli na. He should've thought about it. Hindi na siya bata, and I'm sure Mama Ethel will understand." 

WIFE CORPORATION: MIA KASSIDY BORROMEO Where stories live. Discover now