Pagkaalis mismo ni Denise ay saka lang naman nagsibalik ang mga kaibigan ni Alexus mula sa airport. Sinundo nila si Jeff, Reden, Race, at ang dalawa pang kaibigan nila na nakasama nila sa Abu Dhabi.
Naglalakad na palabas si Denise at nakasuot na ng hoody nang papasok naman ang magkakaibigan. Napapalingon si Jeff kay Denise, pero dahil naka hoody ang dalaga ay hindi alintana ni Jeff ang kaniyang nakita.
"Finally, nakarating din!" Pahiyaw na reklamo ni Adam at patalong umupo sa sofa ng sala ng pribadong silid ni Alexus. "Jetlags are the worst."
Napapahilot ng kaniyang sentido si Raven at kagaya ni Adam ay diretso din itong tumungo sa couch at tumihaya. "I'll sleep first, saka na ako maki-intriga." tinabunan niya ng kaniyang face towel ang sariling mga mata at nakatulog agad.
"Ang dalawang walanghiya, hindi man lang dumaan sa taong naka-confine at diretso practice sa pagkamatay." kuda ni Reden at naglakad papunta sa kama, kung nasaan si Alexus tahimik na nakaupo at naatutok lang sa isang gawi. "Malalim ang iniisip natin, ah?" pukaw niya sa kaibigan na mukhang hindi siya napansin.
Pabirong humalakhak si Axel, nasa paanan ito ni Alexus ngayon, nakatuko ang mga kamay sa edge wood ng kama. "Makamandag siguro ang iniisip nito at hindi matinag-tinag."
Sumali naman si Chance dala ang kaniyang camera, "Ang papalampasin ang ganitong mood ng masamang damo na si Monteiro ay isang nakakahinayang na trahedya. Kaya kapag may pagkakataon pa, kuhanan na natin at nang sa gano'n ay may mai-presinta tayong litrato sa araw ng lamay niya." kasunod no'n ay ang nakakaagaw pansin na shutter shot sound ng camera. "Cheezy papi!"
"Baliw ka na, Chance." dismayadong komento ni Leon kay Chance. Para lang itong bata na dumilat kay Leon.
"He-hehe-he. Gusto mo magpa shot sa'kin? Libre lang." pero hindi pinansin ni Leon ang offer ni Chance, marahil ay alam na alam ng kapag pinatulan niya ay baka aabot pa ng milyon-milyong argyumento bago matapos. Sila kasi 'yung tipo ng magkakaibigan na matipirin sa komplimento. Judgmental sila pareho at parehong matataas ang pride. Walang nagpapatalo at parang bata lang din na nagaagawan ng tindang loolipop sa tindahan.
"Kamusta na ang lagay mo? Napag-alaman namin na nabinat raw ang tahi mo." Sinserong tanong ni Phoenix na huling pumasok sa silid.
Nag-angat ng tingin si Alexus sa kanila, tinitingnan sila isa-isa. Natagpuan din niyang kasama na ng mga ito si Jeff at ang iba. "I'm good." at binalingan niya ng tingin si Jeff. "Welcome back." Malagong niyang bati.
Tumango si Jeff sa kaniya, saka umupo sa silya na nakalaan sa gilid ng kama. "You don't look good tho."
"Agree. Mukha kang nawalan."
"Baka dinaanan ng multo." tapon ni Dion.
Sinapak ni Von si Dion at sinabihang, "Nakakatawa, ha.ha.ha. Nice joke!"
At ang hindi papautang na si Dion ay gumanti kay Von, "Ha.ha.ha. Funny mo!"
"Hoy, kayong dalawa! Ang ingay niyo. Tumahimik nga kayo, hindi na kayo bata!" turan naman ni Iuhence na mukhang naaasar sa kaingayan nila.
Sabay na inirapan ng dalawa si Iuhence na akala mo naman ay hindi bata kung umasta. "Nagsalita ang mature." bulong nila sa isa't-isa na para bang hindi nagtalo kanina.
"I've heard about Tres. Hindi pa rin ba siya bumisita?" Jeff opened up the topic seriously.
Mahinang umiling si Alexus, samantalang ang iba nilang kaibigan na kasama nila malapit sa kama ay kaniya-kaniyang iwas ng tingin.
"No."
"Kung ako lang ang masusunod, ayoko na makita ang pagmumukha ng gagong iyon." Asik ni Aric. Hindi maitatago sa boses nito ang galit na nadarama. Mabigat at puno ng pagka disgusto.
YOU ARE READING
WIFE CORPORATION: MIA KASSIDY BORROMEO
RomanceHIRE A WIFE BUT DON'T FALL IN LOVE! Ang isang tambay na kagaya ni Kassidy ay walang matino na pinag-aralan. Nakatira sila sa isang skwater kasama ang nanay niya na sugarol. Kadalasan ay nasa kalsada siya at nakikilaro sa mga ka-tambay niya na naging...