"Saan ang punta natin?" pansin kasi ni Mia na hindi ito ang daan na kanilang binabaybay pauwi sa kanilang bahay.
"Our home." tipid na sagot sa kaniya ng Mister na ngayon ay yakap-yakap siya mula sa tagiliran.
Nakakunot ang noo na napaangat ng tingin si Mia kay Alexus, "Pero hindi naman ito ang daan papunta sa bahay natin. Hindi kaya naligaw tayo?"
Alexus understood that she was not able to visit his villa yet, kaya ganito na lamang ang pagka-kuryuso ng asawa niya. He just smiled at her and pinched her nose lightly, na ikinanguso ni Mia. Parang nagtatampo pero na e-excite ng kaunti.
"You will know later, when we arrive."
Hindi na lamang nagtanong pa si Mia at hinayaan ang sarili na humilig sa dibdib ng asawa. Dala ng pagod at antok, hindi niya na namalayan na nakatulog na siya.
"King, were you able to find out kung sino ang nasa likod ng panganganib ng buhay ni Boss Madam?" nang mapansin na tulog na si Mia, hindi na pinigilan ni Kent na magtanong kay Alexus tungkol sa nangyari.
While he was brushing his wife's hair, ay kalmado na napapabuntong hininga si Alexus. His eyes were fixed only to her. Lahat ata ng features ni Mia ay sinasaulo niya, from eyes, nose, lips, jaw and face's shape. Kanina pa niya ito tinititigan na para bang hindi siya nagsasawang titigan ito.
"Yeah."
Napasulyap si Kent sa rear view mirror at nakita kung paano inaalagaan ni Alexus ang asawa. Kent understand his friend, dahil kahit na nilukob ito ng galit nitong mga nakaraan, nakikita pa rin nilang magkakaibigan ang importance ni Mia dito.
Naiintindihan din nila kung bakit ayaw nitong gustohin na pag-usapan nila si Mia, dahil araw-araw nitong nami-miss si Mia. Kahit na hindi pinapakita sa labas, ay alam na nila ang nararamdaman nito, ga'yong ang iilan sa kanila ay minsan na ring nagmahal. Pero sawi.
"What are we going to do to secure her safety, I'm sure, hindi siya tatantanan ng taong ito kapag nalaman na nakatakas siya." puna ni Kent na ikinabahala rin ni Alexus.
"It's Harron Guillebeaux. He was the one who kidnapped my wife." wika ni Alexus na para bang kasuwal na usapin lang.
Kent was stunned for a second to hear the case from Alexus. Hindi pa naman siya nagtanong kung sino ang Mastermind, pero ngayon na alam na niya, hindi niya inaasahan na ang taong inaakala nilang wala na ay biglang umahon sa hukay.
"I thought, he died?"
Hinawi ni Alexus ang iilang hibla na tumabing sa mga mata ng asawa nang ito'y gumalaw at niyakap siya ng mahigpit.
"That's what I believed too."
Akala kasi nila ay namatay ito three years ago, at dahil iyon rin naman ang ibinalita ng panahon na 'yon. Isa pa, wala naman silang problema kay Harron Guillebeaux, ga'yong kay Hermes Guillebeaux sila may dapat sisingilin.
"Don't tell me, peke lang ang balitang iyon? That's odd."
"Sort of, and looks like he planned it to cover himself over these years. Whatever his reason to lay a hand in my wife, I can't forgive him and will make sure to make him pay what he deserved." mahihimigan sa boses ni Alexus ang galit. Umiigting ang kaniyang panga at ang kaniyang mga mata ay tumatalim na para bang handa siyang pumatay ng kahit na sinong tao ang dapat singilin niya dahil sa paglalapas-tangan nitong hawakan at pagbantaan ang kaniyang minamahal.
Hell would surely chase Harron kapag nakabuwelo na si Alexus.
Even Kent got goosebumps to what he heard from Alexus. Mali talaga na galitin ito dahil paniguradong triple o mas higit pa roon ang hihingin nitong singil at interes.
YOU ARE READING
WIFE CORPORATION: MIA KASSIDY BORROMEO
Storie d'amoreHIRE A WIFE BUT DON'T FALL IN LOVE! Ang isang tambay na kagaya ni Kassidy ay walang matino na pinag-aralan. Nakatira sila sa isang skwater kasama ang nanay niya na sugarol. Kadalasan ay nasa kalsada siya at nakikilaro sa mga ka-tambay niya na naging...