{September, 05, xxxx}
Kinabukasan ay maaga ulit nagising si Mia. Maaga siyang naligo at nagluto, at habang hinihintay si Alexus na magising ay lumabas siya sa cabin nila na may dalang kape.
Nagpunta siya sa may dalampasigan, may iilan namang tao na maagang nagtatampisaw sa dagat kasama ang nobyo, nobya o hindi kaya asawa. Naaaliw siyang tumingin-tingin.
White sand ang dagat, tiyaka may iilang colorful flags sa dapit. Ngayon lang din niya napansin ang nga bangka na naka-park sa dagat.
Sumisimsim siya sa kape habang walang humpay ang malamig na hangin sa paghampas sa kaniyang balat. Tamang-tama at mainit ang iniinom niya. May suot naman siyang jacket at naka-pajama pa naman siya.
"Hi, Miss. Good morning!" Napa-angat ng tingin si Mia sa isang amerikano na binata. Asul na maihahalintulad sa dagat ang kulay ng mga mata nito. Matipuno din ang pangangatawan at may anim na abs. Matangkad din at masyadong maputi!
Kinilabutan naman siya sa kaputi-an nito. Buti nga't hindi niya napagkamalan na white man. Pero pogi naman ito, basang-basa ang katawan nito, ang buhok ay na may pagka-bronze ay nakasuklay patalikod.
"Hello, good morning to you too." Nginitian niya ito. Kaloka ka inday, nakikipag-usap ka na sa amerikano!
Dati-rati kasi, pangarap lang niyang makakausap ng amerikano, at ngayon ay natupad na. Ang sarap sa feeling niya 'yung nagagawa na niya ang pangarap niya.
"You're alone?" Maligalig pa ang boses nito, ibang-iba kay Alexus na malalim at parang everyday namatayan.
'Peace, sana hindi narinig ng mister ko ang sinabi ni brain cells ko.'
"Yeah, I'm alone." Maligalig niya rin itong kinausap.
"That's great! May I invite you for break--"
Hindi natuloy ang amerikano sa pagsasalita nang may biglang humarang sa gitna nilang dalawa. "Fvck off and quit flirting with my wife or else I will break every single bone from your body of you don't." Ano na naman ang problema ni Alexus at napaka-aga ay mainitin ang ulo.
"Oh... I'm sorry, bye miss!" Saka nagkukumahog na umalis ang amerikano.
Kakaway sana siya sa amerikano nang mapansin ni Mia ang matulis na paninitig ni Alexus sa kaniya. Naiibaba niya nalang ang kamay niya ng paunti-unti at hindi na sumubok pa.
"Why did you go out without informing me, huh?" Malamig na may kasamang iritasyon na tanong nito sa kaniya.
She just sipped her coffee and did not bother to answer him. "Mia?" At naging bossy na naman ang tono nito, ayaw pa nga yatang tumanggap ng 'no answer' dapat may sagot, pero dapat resonable.
"Hindi naman ako lumayo--"
He gushed out a long grudge breath. "Paano kung may mangyaring masama sa'yo dito sa labas at wala ako? Hindi mo man lang naisip iyon?"
Nanlumo si Mia sa naging turan nito, "Wala namang nangyari sa'kin--" again hindi na naman siya pinatapos.
"Paano kung meron nga? Ano ang gagawin mo?" Hindi alam ni Mia kung paano niya e-approach si Alexus na nasa ganitong huwisyo. Kahapon pa itoe sa tanghalian nila, bigla-biglang nagseselos pero dine-deny naman.
At first, natatawa siya. Pero ngayon, it's not funny anymore. Overdose na. "Wala ngang nangyari sa'kin, Alexus! Nasa labas lang ako ng cabin, nagka-kape. Bakit ba labis mong ikinagagalit 'yun?" Napugto ang pasensya niya. Si Mia kasi, kapag nainis siya, maiinis talaga siya. Kapag nalulungkot at naiiyak, iiyak siya agad. Tumayo siya at nag-martsa pabalil sa cabin nila.
YOU ARE READING
WIFE CORPORATION: MIA KASSIDY BORROMEO
RomansaHIRE A WIFE BUT DON'T FALL IN LOVE! Ang isang tambay na kagaya ni Kassidy ay walang matino na pinag-aralan. Nakatira sila sa isang skwater kasama ang nanay niya na sugarol. Kadalasan ay nasa kalsada siya at nakikilaro sa mga ka-tambay niya na naging...