Chapter 83

165 14 5
                                    

One week and two days passed by... 

"I'm sorry, bro. Actually, alam ko talaga ang buong pangyayari." pag-amin ni Phoenix kay Alexus. Nasa bar sila na pag-aari ng mga Saavedra na kaibigan rin ni Phoenix. 

Tinungga ni Alexus ang iniinom niyang hard drink, "Bakit ngayon mo lang inamin?" tila nawawalan na ng pag-asa na sagot ni Alexus. Totoo niyan, pagod na pagod na siya sa lahat ng nangyari. "There's no use confessing that to me now, you know?" ngumisi siya at marahan na humalakhak, napaghahalataan na siyang lasing. Sila lang din ang tao sa bar ng mga oras na 'yun. "I lost my sister, I lost the opportunity to save her. So, what's your purpose for hiding everything to me? Does seeing me suffer, very entertaining?" nalaman niya kasi na si Phoenix ay isang malapit na kaibigan ng asawa ng kaniyang kapatid. At ang katotohanan na ang mismong pamilya ng asawa ng kaniyang kapatid ang naglagay nito sa alanganin ay literal na unforgiveable. 

At ang malaman na mas pinanigan pa ni Phoenix ang asawa ng kaniyang kapatid ay nagpaparamdam sa kaniya ng hagupit na betrayal mula dito. Kaya pala tahimik si Phoenix, tuwing nag me-meet up silang magkakaibigan dahil mainam nitong itinago ang tunay na situwasyon ng kaniyang kapatid. 

And the fact na pino-protektahan ito ni Phoenix ay gusto niyang makapatay ngayon ng tao. 

"Ano pa ba ang hindi ko alam, ha?" mahigpit ang kapit ni Alexus sa mababasaging bago at basta nalang nitong pabagsak na nilapat ang baso sa counter top ng bar. Nagdulot iyon ng hagupit na tunog kasunod ng ingay na pagkabasag ng baso sa kaniyang kamay. "You betrayed me, iyon ba ang ipinagmamalaki mo?" makamandag na asik ni Alexus, at kinuwelyuhan si Phoenix. Hindi alintana ang sugat na kaniyang natamo mula sa basong basag. "You are not a friend, but a traitor that was staying in our circle for long to spy!" 

Kung hindi ito traydor, sana madali lang ang lahat no'n sa kaniya na umaksyon. Kung tapat lang sana ito ay sana hindi ito umabot sa ganito ang situwasyon at nagawa pa niyang mapigilan ang mga nangyari sa pag-occur. 

"Patawarin mo ako, bro. Maniwala ka, sinubukan kong tumulong, sinubokan ko ring pigilan ang mga nangyari sa pagdating, hindi ko lang sinabi dahil pareho ko kayong kaibigan. Ayokong-" 

Marahas na itinulak ni Alexus si Phoenix at mabilis na sinundan ng nagbabagang suntok sa mukha, hindi lang isang beses, kundi apat, hanggang sa natumba si Phoenix sa sahig. 

Pinili namang hayaan ni Phoenix na suntokin siya dahil alam niyang may kasalanan din siya, kung ang pagtanggap ng galit nito sa pagitan ng pisikalan, ay tinatanggap niya ng buo. 

"Kaya mo piniling traydurin ako, para sa kaibigan mo na wala namang ibang dulot kundi ilagay sa peligro ang kapatid ko!" humahangos na sigaw ni Alexus, muntikan pa siyang matumba dala ng pagkahilo, "I trusted you, Phoenix. Pero ano 'tong ginawa mo?" naiiyak siya nang hindi niya inaasahan. 

To Alexus, his friends are his second home, ang kaniyang tahanan no'ng wala siyang pamilya na masasandalan, maaasahan, mayayakap at mapagsasabihan ng mga problema niya. Kaya masakit sa kaniya na trinaydor siya ng isa sa pinagkakatiwalaan niyang kaibigan. 

It's the trust that pained him more than being blamed for someone's disappearance. Kasi kung ang pagsisisi lagi mong dala bilang bangungot, kung ang rason ng galit at disappointment mo ay buhay, ay hinahanting ka ng galit every minute na makikita mo ito. 

As for Phoenix naman ay ayaw niyang mamili, kaya imbes na ilatad kay Alexus ang alam niya, pinili niyang manahimik. Pareho niyang kaibigan si Drake at Alexus, kaysa mamili, pinili niyang siya ang masisi kaysa ang dalawa pa mismo ang matuklasan niyang magkagalitan. 

Drake is in a bad state, base sa kaibigan niyang si Adrian, ay kinuha si Keihzza ng mga taong kumuha nito mula sa gubat no'ng gabing isang linggo na ang nakalipas. 

WIFE CORPORATION: MIA KASSIDY BORROMEO Where stories live. Discover now