Chapter 113

138 10 1
                                    

"Your highness, we have to leave now. It's getting late and your husband has arrived as well." Imporma ni Rebel nang makabalik na at mailapag ang dalang mga pagkain.

Napanguso si Mia na napapatingin kay Jia. Naaliw kasi siyang makippag usap dito, at nalulungkot siyang kinailangan na nitong umalis. "Okay, mag ingat kayo sa pag uwi niyo ha?" pagpapaalam ni Mia. "Salamat sa pagsama niyo sa'kin at sa pagtulong na rin na mai-arrange ang mga gamit nila baby."

"I'm having a good time talking to you, your highness." masayang sabi naman ni Jia at kumaway na. "Can we visit here next time? I'm afraid that I'll miss you and the little highnesses." at napatingin muna sa mga batang aliw na aliw na tumitingala sa baby toys na naka hanging sa ulunan ng crib.

Mia pursed a genuine smile and nodded in pleasure. "Oo, naman. You guys can visit us here anytime."

Malawak na napapangiti si Jia at friendly na napapayakap kay Mia, which is hindi naman niya tinanggihang gantihan. Kaibigan na rin naman kasing kaibigan ang turingan nilang dalawa. Kung baga, nakilala pa niya si Jia at Rebel dahil ito ang kadalasan na gumagawa ng errands like groceries no'ng nagbubuntis pa siya sa Sicily. Hassle at mailap na rin kasi ang parteng iyon ng kaniyang pagbubuntis, hindi rin siya maiwanan ni Ace dahil anytime kailangan niya ng mag-alalay sa kaniya.

Hinatid niya hanggang sa pintuan ng kuwarto si Rebel at Jia. Agad na rin itong nagsialis at hindi niya rin inaasahan na bubungad sa kaniya si Alexus sa may pinto. Direkta ang tingin nito sa kaniya ngunit agad ring nag iwas at umalis.

"S-Sandali, Alexus." pahabol na tawag niya rito, bago ito tuluyang pumasok sa silid nito.

"Do you need anything?" ang boses nito ay kasing lamig ng temperatura ng gabi. Kasing tahimik rin ng lumukob na katahimikan sa bahay.

Ni hindi kaagad nakasagot si Mia dahil na mental blocked siya. Pati lalamunan niya ay natutuyuan at nagkaroon ng aberya. "K-Kumain ka na ba?" sa lahat ng tanong na nagpapalutang-lutang sa kaniyang isip, ay iyon talaga ang napili niya. Pero hindi naman masama.

"I'm good." at pinihit na nito ang siradura ng pintuan. "Thank you."

She was rejected, and it feels awful. Namalayan niya na lang na malalaki ang mga hakbang na sinundan niya ito at pinigilan sa kamay. "Alam kong iniiwasan mo ko, but let me cook you something at aalis din ako after." malakas ang loob na sinalubong niya ang mga matatamlay na mata nito.

Namayani ang iilang segundo na katahimikan sa kanila. Pansin ni Mia na napatingin si Alexus sa kamay niyang nakahawak sa kamay nito, kaya mabilis niya rin itong inalis. "Uhh, pano kung bantayan mo na muna sila baby sa kuwarto habang nagluluto ako? Then, kapag natapos ako ay hahayaan kitang kumain na mag isa." pag settle niya.

Pansin niya rin na nangangamoy alak si Alexus, kaya panigurado nagtungo ito sa bar para magpagaan ng nararamdaman. It's her fault, kaya kinailangan niya rin bumawi. Napagisip-isip niya na rin ang bagay na 'yun. Awkward nga lang.

Kasi this time, she can feel the gap between them.

Dahil hindi siya nito sinagot at tahimik lang na tinititigan siya, napipilitan na lang siyang ngumiti bago tumalikod. "Iiwanan ko na lang sa lamesa mamaya." at naglakad na siya papunta sa silid niya. Isinakay niya sa stroller ang mga anak niya, dahil dadalhin niya ito sa baba nang sa gano'n ay mabantayan niya habang nagluluto siya.

But right before she could bring them out of the room, dumating si Alexus. "I'll look after them, while you cook." biglang sabi nito at nilapitan siya para kunin sa kandong niya si Baby Cassy at inilagay sa tabi ni Baby Jace na nasa stroller na. Nauna pa nga itong lumabas ng silid. Sa elevator na dumaan ang mga ito habang siya naman ay sa hagdanan.

WIFE CORPORATION: MIA KASSIDY BORROMEO Where stories live. Discover now